FFWY 11- Somebody to you <3

601 21 5
                                        

A/N: Nais ko pong ipaalam sa mga nagbabasa nito na meron pong mga FB account sila Rielle Gonzales, Wayne Ordonez, Mahra Clara Ordonez and Gabriel Ravena. Just search for them and please, please do add them. Pwede niyo po silang kausapin, mababait po ang mga yan at sumasagot! :)


*Please play the music pagdating niyo sa part na pumuntang school si Rielle. And see the picture as well. Salamat! :D


=========================

RIELLE'S P.O.V


Kumakain na kami ni Wayne kasama si Gab sa dining nang lumabas si Clara. Nagalit kasi ito nang bongga sa amin kanina gawa na rin sa pagtawag ni Wayne sa buong pangalan niya. Kasi naman, isipin niyo nga di ba kayo matatawa sa pangalan niyang "Mahra Clara" pero ang behaviour niya super opposite sa taong sikat na nagmamay ari sa pangalang yan na si Maria Clara.


Nakapameywang ito ngayon sa tabi ni Wayne.


"Yan-yan pwede bang ako na umupo sa tabi nang babe mo? Doon ka na sa tabi niyang pervert na yan!" may inis sa boses ni Clara


"Pffft-kung ikaw lang din naman makakatabi ko Mahra Clara Ordonez baka di din ako makakain nang maayos kaya gusto ko yang suggestion mo" nakangising sabi ni Gab, kahit kailan talaga loko-loko itong lalaking to.


"Argggh! The nerve of you to call me in my full name!" mataray sa sambit ni Clara, napatingin ako kay Wayne na patuloy parin sa pagkain na parang walang naririnig na bangayan mula sa dalawa.


"Yan-yan! Dali na! Maging gentleman ka naman! Mamaya ma turn off niyan yang si-" tumingin siya sa akin "What's your name again?" nakangiti nitong tanong at napakalambing nang boses niya malayo doon sa boses na halos pasigaw na parati niyang ginagamit kay Gab.


"Rielle" nahihiya kong tugon


"Nice name" puri nito at binalin iya na ang atensyon niya kay Wayne. Napapangiti ako dahil sa pagtawag ni Clara sa kanya nang yan-yan. Mukhang ito yata ang nickname ni Wayne e. "Yanie! Sige na please. Ako na diyan sa pwesto mo at gusto kong makachikahan si Rielle" pakiusap pa nito sa pinasan niya


Tumigil sa pagkain si Wayne at tumingin sa pinsan niya.


"You should have been early here kung gusto mong ikaw dito sa pwesto ko. I'm already eating Clara, nasan na ba ang manners mo?" pangaral ni Wayne sa kanya na nagpa pout naman sa huli. At ang mabait kong boyfriend kumain lamang ulit na parang walang nangyari.


"Di bale na lang, mamaya na lamang ako kakain" akmang aalis na si Clara kaya nagsalita na ako, ayaw ko naman kasing di siya kumain just because of Gab and ang gusto niya lang naman is di makatabi si Gab.


"Ah-Cla-ra" nautal ko pang tawag sa kanya kaya napalingon ito, nakita ko sa peripheral vision kong tumigil sa pagkain si Wayne at nakatingin na rin sa akin. "Dito ka na sa pwesto ko, I'm done eating na rin e" marahan kong sabi


"Talaga?" masayang tanong ni Clara at hinarap si Wayne "Buti pa ang girlfriend mo!" naglakad na siya palapit sa akin

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon