FFWY 7- Theory

618 23 4
                                    

RIELLE'S P.O.V


Dumaan kami saglit sa Jollibee para umorder nang breakfast namin bago kami tumuloy sa studio kung saan gaganapin ang pictorial para bagong album nang banda nilang Infinity.


Nasa may parking lot na kami sa private area, bababa na sana ako nang sasakyan.


"Wait" pigil niya sa akin, agad siyang bumaba nang sasakyan niya at dumaan sa harapan nang sasakyan papunta sa side ko. Pinagbuksan niya ako nang door, kinuha niya sa may lap ko ang isang malaking paper bag nang Jollibee. "Leave some of your books here, wala ka naman sigurong quiz or anything today?" marahan nitong tanong


"Okay" tanging nasambit ko, nilapag ko sa may headboard nang sasakyan niya ang iilang librong dala ko, nang lumingon ako sa kanya nakalahad na ang kamay niya kaya inabot ko na agad yun at bumaba.


Binitawan niya ang kamay ko at sinara ang pinto saka pina tunog ang alarm nito. Nagsimula na akong maglakad pero agad rin siyang sumunod at tumabi sa akin at agad niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Napaingin ako sa kanya pero naka shades na siya ngayon at naka tingin lamang nang deretso.


Pero sa dahilan lamang na magkahawak kamay kami napangiti ako nang lihim, ramdam ko ang bilis nang tibok nang puso ko. Nang nasa may entrance na sila ay tinanguan niya lamang ang guard at dumeretso kami sa elevator. May mga nakasakay nang iilang mga babae na sa palagay ko ay doon nagtatrabaho sa building nang NIC Recording company na siyang humahawak at nagpoproduce nang album nang Infinity.


Hinila ako ni Wayne papunta sa pinakalikurang bahagi nang elevator, nagbubulungan ang mga babae na akala mo naman di ko maririnig.


"Gosh, sino yang babae? Di sila bagay ha?" sabi nung isang chubby at naka eye glasses na babae


"Sinabi mo pa, baka isa sa mga fling ni Wayne. Sa gwapo niyang yan for sure hindi tulad nang babaeng yan ang papatulan niya" dugtong pa nang isang akala mo may sakit dahil sa kapayatan kaya nagmumukha tuloy silang number ten.


Nakaramdam naman ako nang kirot sa mga sinabi nila. Sabagay tama nga naman sila, gwapo at sikat si Wayne, sino nga lang ba ako para pag aksayahan niya nang atensyon? Sinubukan kong bawiin ang kaliwang kamay ko pero sa halip na bitawan niya ito ay mas humigpit ang pagkakahawak niya rito. Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang pagtiim nang bagang niya. Iiwas na sana ako nang tingin nang magsalita siya.


"Excuse me" seryoso niyang sabi na ikinalingon naman agad nang dalawang babae sa harapan namin na kanina pa kami pinag uusapan.


Napangiti sila na parang kinikilig.


"Yes Wayne?" excited na tanong ni girl na chubby


"Kung wala kayong magawa kundi pag usapan kami, I might file a complain for insulting my girlfriend" may pagbabanta sa tono ni Wayne, kumabog naman ang puso ko at parang gusto kong yumakap sa ginawa niya


"Ah-ano-hindi naman namin iniinsulto yang girlfriend mo Wayne" nauutal nang tugon nito

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon