FFWY 16 - First Monthsary/ First LQ?

513 16 9
                                        

RIELLE'S P.O.V

Lumipas na ang ilang araw at linggo and today will be our first monthsary. Grabe parang kalian lang di pa ako sigurado kung kami ba talaga o joke lang ang lahat. Pero so far naman mukhang seryoso naman si Wayne sa sinabi niyang kami talaga at girlfriend niya na ako. Dahil sa araw-araw na magkasama kami he never fail to make me feel special. Kaya naman di ko mapigilang maging excited at masaya kasi nga di ba? Monthsary naming kaya for sure may magandang mangyayari today. Kaya nga nang sinundo niya ako di na maalis ang ngiti sa labi ko kahit hanggang ngayong naglalakad kami ditto sa school papunta sa classroom ko.

"Babe, I'm so excited" masaya kong sabi sabay abrisete sa kaliwang kamay niya. Nasa kanang balikat niya kasi nakasabit yung gitara niya. Lumingon lang siya sa akin na medyo nakataas ang isang kilay which makes me adore him more, ang gwapo lang kasi talaga.

"Pag ganyang tinatawag mo ko sa endearment natin, I can't help but feel nervous. I feel like you're gonna ask me to do something I don't like" medyo nakangiti nitong sabi kaya pinalo ko siya nang bahagya sa braso.

"Grabe ka naman" napa pout na ako, tumigil si Wayne at hinarap ako.

"Quit pouting babe" suway nito sa akin pero mas lalo akong nag pout kaya napabuntong hinga nito "Okay then, what is it that you're excited about?" seryoso na nitong tanong na ikinangiti ko na. Ito ang isa sa mga nagutuhan ko lalo sa kanya, he's more attentive now compared doon sa first few days naming maging kami. Kaso sa ginawi niya bigla akong napipi kasi naman—I'm not even sure if we should celebrate it or not tsaka hindi ako sure if—ah! Bahala na.

"Wala ka bang naalala? Or I mean—don't you remember anything that we should celebrate?" malapad ang ngiti kong tanong sa kanya habang siya nakakunot noon a naman na parang wala talagang naaalala. If I know baka may pa surprise lang talaga siya, kaya medyo hinila ko ulit ang kaliwang braso niya. "It's okay kung ayaw mong sabihin. Basta ha? Dapat mag celebrate tayo, okay?" masaya kong sabi sabay halik sa pisngi niya. "Mauuna na ako, I'll see you later" agad na akong tumakbo palayo.

"Hey wait!" rinig kong sigaw niya kaya lumingon ako at nag flying kiss bago tuluyang tumakbo papunta sa classroom ko. Nakangiti akong pumasok at umupo sa tabi ni Grace.

"Aba! Ang lapad nang ngiti nang insan ko ah? Anong meron?" curious nitong tanong kaya nilingon ko siya at humawak ako sa braso niya. "OMG! Insan! Isang buwan na kami ni Wayne" masaya kong sabi rito na ikinatawa niya. "Sus! Kala ko naman kung ano na" nakangiti nitong tugon at bumaling muli sa cellphone niya kaya pinoke ko siya sa pisngi, pakiramdam ko kasi kasabwat siya sa magiging surprise ni Wayne para sa akin mamaya. "Naku insan, wag ka nang mag kunwari. Alam ko—nafefeel ko may kinalaman ka sa ikakasiya ko mamaya" di ko talaga ma contain ang happiness na nararamdaman ko. Pero itong pinsan kong to ang galing talagang umarte.

Bumaling siya sa akin nan aka kunot noo.

"Anong ipagkukunwari kong sinasabi mo diyan insan? At may kinalaman saan?" taka nitong tanong, as in pati tono nang boses niya aakalain mo talagang wala siyang kinalaman e. Pero syempre hindi ko naman talaga siya mapipilit kaya niyakap ko na lang siya agad. "Basta. Anyways, Thank you na in advance" lumayo na ako nang bahagya dahil dumating na ang professor namin.

"Hoy Chie! Ikaw ba nasobrahan nang ininom na bitamina at kung ano-anong pinagsasabi mo na hindi ko naman alam?" medyo nangangaral nitong tanong pero di ko na siya inimik sa halip ngumiti lamang ako.

Ang bilis nang oras, mabuti na lang din kasi kung hindi naku baka di ko na mapigilan ang sarili ko at mag cut na lamang ako nang class para makita na agad si Wayne. Paano ba naman kasi during lunch time wala ito at ang kasamahan niya sa Infinity band. He texted me na may interview daw silang pupuntahan kaya mamaya na lang daw kami magkita after class. Lalo tuloy akong na excite kasi feeling ko wala talaga silang interview, pakiramdam ko wala sila kasi naghahanda sila for his surprise to me mamaya.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon