I was up early since maaga daw kaming aalis today pauwi nang Manila. And I immediately smile upon remembering na kay Wayne nga pala ako sasabay today. Pagkahatid niya kasi sa akin kagabi ipinagpaalam niya kay Tito Dee na kung pwedeng sa kanya na ako sumabay since officially day off ko naman daw today and gusto niya pa daw ako mas makasama. Di naman na tumanggi si Tito Dee since obviously ay boto ito kay Wayne.
Agad na akong naligo at naghanda, kagabi pa lang nailigpit ko na ang gamit ko para di na rin ako mahirapan pa today. After taking a bath I immediately got dressed at lumabas na ako nang room dala-dala ang maleta ko. Naabutan ko naman sa sala si Wayne habang may kausap sa cellphone nito.
"Yes—I know Venus. Don't worry I'll be careful" napalingon ito at ngumiti nang makita niya ako. "Hey Venus, I need to end this call. I'll see you and Mananay later okay?" pagpapaalam nito at agad nang itinago ang cellphone niya sa bulsa niya bago lumapit sa akin.
Bago pa ako naka react ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Kagabi lang naman kita huling nakita baby pero bakit pakiramdam ko miss na miss kita" marahan niyang sabi na nagpabilis nang tibok nang puso ko. At hindi ko maiwasang mas ilapit ang mukha ko sa dibdib niya dahil ang bango-bango niya talaga at tulad niya namimiss ko rin siya kahit parati naman kaming magkasama this past few days.
Di nagtagal ay inilayo niya rin ako at tinitigan habang nakangiti ito.
"I prepared some sandwiches for you. Kumain na tayo" yaya niya sa akin. Hinila niya na ako agad papunta sa may dining table. Pinaupo niya na ako agad at tumabi na rin naman siya saka niya tinanggal ang takip sa dalawang platong nasa mesa. Nakita kong gumawa siya nang tuna sandwich with cheese.
"Thank you for doing this pero Wayne—" di ko natapos ang sasabihin ko dahil agad niya nang itinapat sa may bibig ko ang sandwich.
"Just eat baby. We'll have plenty of time to talk about anything later" seryoso niyang sabi kaya naman kinuha ko na sa kamay niya ang sandwich at kumain na. "Kumain ka na rin" yaya ko rin sa kanya. Agad din naman niyang kinuha ang sandwich sa plato niya at nagsimula na ring kumain.
==============================================================
Pagkatapos naming kumain at magsipilyo ay agad na rin kaming umalis sa hotel room. Siya ang may dala nang dalawang maleta habang magkasabay kaming sumakay sa elevator. Mabuti na lang at walang tao sa elevator dahil baka mamaya pagkaguluhan na naman siya tulad nang nangyari kagabi nang ihatid niya ako. Lalo na ngayon na kahit naka black jeans at white shirt siya with shades ay ang hot at gwapo niyang tingnan.
Dumeretso na kami sa VIP parking nang resort at pagdating naming doon, naroroon pa sila Tito Dee, ang ibang Infinity Band pati na rin ang ilang staff na kasama namin sa ilang linggo naming shoot dito. Papunta na dapat kami sa may sasakyan ni Wayne nang biglang may tumawag sa akin.
"Cielo!" natigilan at napalingon ako agad sa tumawag dahil bigla akong kinabahan sapagkat kilala ko ang boses na iyon at di nga ako nagkamali. "Ni—Nic?" naglalakad na ito palapit at halata sa mukha nitong galit ito at alam kong pag nakalapit siya nang tuluyan pwedeng magkagulo lalo pa at nasa likuran ko lang si Wayne.
Kaya naman agad na akong naglakad palapit sa kanya at niyakap siya.
"Please Nic. Don't make a scene here" pakiusap ko sa kanya. Sinusubukan niya akong ilayo sa kanya pero mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko. "Please" pakiusap ko pang muli
"You better explain it thoroughly Cielo" mariin nitong sabi. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at agad na akong tinalikuran at sumakay na agad sa sasakyan niya. At alam kong wala akong ibang choice ngayon kundi ang sumabay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)