FFWY Chapter 2 - Hoping

693 66 19
                                    

RIELLE’S P.O.V

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na umiiyak ditto at sumasakit na rin ang ulo ko sa kakaiyak. Pakiramdam ko nahihilo na ako, sumasama na naman ang pakiramdam ko.

Rielle” tawag sa akin ng ka boses ni Nick kaya napalingon ako at siya nga, agad itong lumapit sa akin at umupo sa harapan ko “Here” sabi nito sabay abot ng panyo niya napakunot ang noo ko sa ginagawa niya kasi naiinis ako bakita kailangan siya ang nandito at hindi ang lalaking dahilan ng pag iyak ko?

Why are—you—here?” nauutal kong tanong dahil sa pag iyak ko

You seemed to be disappointed that I’m the one here for you” malungkot nitong sabi sa akin “I saw what happened at the cafeteria, kaya naman sinundan kita” paliwanag nito “Tanggapin mo na tong panyo ko, nangangalay na ang kamay ko and you might cause flood here you know” biro nitong sabi sa akin

No thanks” agad kong tanggi sa kanya

I know I seemed to be an annoying person to you, but I really want to be your friend” nakangiti nitong sabi “Kaya please tanggapin mo na tong panyo, nagiging uhugin ka na oh and promise malinis yan at mabango pa” masaya nitong sabi sa akin

Napangiti naman ako ng bahagya sa huling sinabi niya kaya naman tinanggap ko na ito at pinunasan ang luhang nasa may pisngi ko.

Hindi ako uhugin ha!” inis kong sabi sabay tingin ng matiim sa kanya

Natawa naman siya sabay taas ng dalawang kamay niya bago nagsalita.

I know! You’re too beautiful to be one” agad naman nitong sabi sabay baba ng dalawang kamay niya at seryosong tumitig sa akin

Kaya naman nailing ako at iniwas ko ang mukha ko, umupo ako ng maayos.

Please stop staring” saway ko sa kanya kasi hindi talaga ako komportable e

Sorry—“ agad naman nitong sabi “Stop crying already, he’s not worth it you know” seryoso nitong pahayag kaya napalingon akong muli sa kanya pero hindi na ito nakatingin sa akin

Hindi na ako nagsalita kasi para sa akin he’s still worth it. Bigla itong nagsalita at napatingin sa akin.

It’s getting late already and I’m pretty sure kanina pa natapos ang class mo. Hatid na kita pauwi” yaya nito sa akin

How did you know na tapos na lahat ng classes ko?” nagtataka kong tanong

Paminsan-minsan kasi tumingin ka rin sa paligid mo, hindi yung whole attention mo binibigay mo lamang kay Wayne. I’ve been your consistent stalker for so long already” natatawa nitong sabi

Alam ko partly nagbibiro si Nick pero nararamdaman ko ring kalahati nun ay totoo. Matagal na siyang nanliligaw sa akin, ilang beses ko na rin siyang sinabihang tumigil na pero hanggang ngayon nandito parin siya. Kaya naman tumayo na ako para sana sumama sa kanya, tumayo rin ito at hinawakan ako sa may braso.

Saan ka pupunta? Kung naiinis ka sa presence ko—“ di ko na siya hinayaang magsalita pa

Hindi, akala ko ba—“ pero di ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating ang pinsan kong si Grace

Chie, my gosh kung saan-saan na kita hinanap, akala ko anon a nangyari sayo!” sermon nito sabay lapit sa akin

Nakita ko naman sa niyang totoong nag aalala ito at mukhang kanina pa nga ako hinahanap dahil pawis ito pero napansin kong may kasama ito.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon