FFWY Chapter 1 - Fighting!

1K 64 26
                                        

A/N: Magandang hapon po sa inyong lahat! ^___^ Nais ko lamang pong ipaalam sa inyo na ang magiging theme song po ng story na to ay "Thinking Out Loud" ni Ed Sheeran. Dahil po sa kantang yan kaya nainspired at may naisip na akong isulat sa chapter na to hahahahaha XD kaloka! I love the song! Paki play na lang ng media sa side kung hindi pa po kayo familiar sa song na yan. Salamat! :) Enjoy Reading. Sa mga nais pong magpa dedicate ay iPM niyo lamang po ako o mag comment lang kayo. hehehehe 

Nilagay ko na rin ang picture ni Wayne Ordonez sa tabi :)

====================================

RIELLE’S P.O.V

**Present**

Ang bilis lang ng panahon parang kalian lang nasa senior high school pa kaming mag pinsan ngayon nasa 3rd year college na kami. Kumuha ako ng entrepreneurship samantalang si Grace naman ay kumuha ng HRM. Tulad nga ng sabi ko sa inyo nagging isang masugid na akong fan ng Infinity band lalong lalo nan i Wayne. Nandito kami ngayon sa canteen kasi inaabangan namin si Wayne Ordonez dito kasi yun parating pumupunta tuwing break niya sa klase or wala silang mall tour.

Naku insan ha? Nakaka ilang siomai na ako wala parin yang love of your life mo! Tingnan mo nga nandiyan na lahat ng mga kasama niya pwera sa kanya” inis na sambit ni Grace

Nakangiti parin ako habang palinga-linga at inaabangan ang pagdating nito.

Wag ka nang mainis diyan, maging happy ka kasi tingnan mo naman isang table lang from us nakikita mo na ang crush mong si Dave na sa tingin ko naman halos kasing gwapo rin ng kaibigan niyang si Wayne” masaya ko paring sabi sa kanya

Alam mo Chie? Malala ka na, nakausap at hinawakan ka lang ni Wayne sa kamay sa mall tour nila, nasiraan ka na rin ng bait” pagsesermon nito sa akin

Sira! Hindi kaya!” sabi ko sa kanya sabay hampas ng marahan sa may braso niya

Nasa ganoon kaming tagpo ng biglang nilapitan kami ng mga varsity players na pinangungunahan ng kanilang captain ball na si Nick.

Hello Rielle” nakangiting bati ni Nick

Nawala ang ngiti ko sa labi, ang tagal na kasi akong kinukulit nito. Tulad nga nangsabi ko sa inyo noon, hindi ako nerd dahil isa ako sa mga popular girls ditto sa school. Simula kasi first year talagang lahat ng pwede kong salihan na club ay sinalihan ko pati na rin mga contests na kaya ko sinalihan ko rin. Kasi umaasa akong through sa mga activities at pag nagging popular ako sa school mapapansin niya ako pero wala effect e. Ewan ko nga ba diyan sa Wayne Ordonez nay an, ang labas pa tuloy ibang boys ang pumoporma at humahabol sa akin. At isa sa mga consistent sa kanila ay si Nick.

Hi Nick” simple kong bati sa kanya

Pwede ba kaming maki join sa inyo ditto?” tanong ng isa nitong kaibigang si Raymond.

Ha? Naku wag na masisira lang ang araw naming ng pinsan ko” pagtataray ni Grace, nayayabangan kasi it okay Raymond.

Magbebehave naman kami, pwede ba Rielle?” pakiusap ni Nick

Napatingin naman ako sa pinsan ko at tiningnan ako nito ng matalim at parang sinasabing subukan ko at aalis siya. Kaya naman hinarap ko muli si Nick at ngumiti ng bahagya.

I’m sorry Nick ha? Pwedeng next time na lang? May pinag uusapan kasi kaming importante nitong pinsan ko” marahan kong sabi

I see—sige, next time na lang” alanganin nitong ngiti bago sila tuluyang umalis ni Raymond

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon