FFWY 15- Falling Hard

561 20 3
                                    

RIELLE'S P.O.V

Sobrang ingay nang crowd gawa na rin nang ginawang paghalik sa akin ni Wayne. Kaya hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lamang iyon at sariling imagination ko lamang ang nagsasabi nang three magic words na to.

"I Love You"

Kaya naman agad akong lumayo nang bahagya kay Wayne para tingnan sana ang expression nang mukha niya at maconfirm ko nga kung sinabi niya ba talaga yun. Ayaw kong mag assume mahirap nang umasa. Kaso the moment na napatingin ako sa mukha niya ay saka naman sumara ang theater curtain kaya biglang dumilim.

"Let's go babe" inakay niya na ako papunta sa back stage.

Sumunod na rin ako since pumapasok na rin ang ibang staff para sa muli naming paglabas lahat for the final curtain call. Kaya nang nasa may backstage na kami ay naramdaman ko ang kamay ni Wayne sa may bewang ko kaya nilingon ko siya na ngayon ay nakikipag usap kay Sam.

"Hanep dude! Ang sweet nang sayaw niyo and the kiss--" di nito natapos ang sasabihin dahil agad sumingit si Caleb na naka akbay ngayon kay Sam.

"It was magical" nakangisi nitong sabi habang nakatitig sa akin na nakangiti kaya napaiwas ako nang tingin dahil naiilang ako

"Stop it you guys. You're making Ann uncomfortable" suway ni Wayne sa kanila sa seryosong boses.

"Congrats Wayne and Rielle. Grabe tumayo ang crowd to cheer for you guys" biglang bati sa amin nang kasama nila Grace na dancers.

Ngumiti lamang ako, di ako sure kung anong ginawa ni Wayne pero umalis din naman sila agad.

Tumahimik na rin naman sila, naramdaman kong hinalikan ako ni Wayne sa ulo kaya nilingon ko ito para sana tanungin na siya doon sa narinig ko kanina after the dance.

"Wayne" marahan kong tawag sa kanya

"Hmm" tanging sambit nito, di ko makita ang mukha niya since naka flat shoes ako ngayon kaya halos hanggang panga niya lang ako.

"About--ano--yung--sa sinabi mo kanina" pautal-utal kong sabi dahil kinakabahan ako.

"What? Di ko naiintindihan ang sinasabi mo" nilayo niya ako nang bahagya at pinaharap sa kanya kaya magkaharap na kami ngayon. Hinawakan niya pa ang chin ko for me to be able to meet his eyes.

"About what you said kanina" ulit kong sabi, napansin kong napakunot ang noo nito.

"What did I say?" nalilito nitong tanong.

Seriously? Sasabihin ko yung three magic words na supposed to be siya nagsabi kanina? What if mali pala ako? Nakakahiya namang sabihin sa kanyang sinabi niya yun then at the end pala guni-guni ko lang talaga gawa nang bilis nang tibok nang puso ko kanina. He is still looking intently at me and waiting for what I'm going to say. Kaya napailing-iling na lamang ako kesa naman mapahiya lang ako plus sigurado ako sa sarili kong masasaktan rin ako pag nagkataong guni-guni ko lang pala talaga yun.

"Wa--wala. Nevermind" sambit ko na lamang saka ako tumalikod na at tumingin na sa iba naming kasamang naroroon. Naramdaman ko naman ulit ang kamay niya sa bewang ko and nasa may tenga ko ang bibig niya. I know na may sasabihin sana ito pero bigla nang sumigaw si Miss Cruz kaya nabalin sa kanya ang atensyon naming lahat.

"Okay, all of you get ready" sigaw nito kaya umayos na kaming lahat.

"We'll go ahead. We'll be playing while the casts will have their final bow" paalam ni Sam sa amin.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon