FFWY 41 - Beyond Reason

412 16 3
                                    

CIELO'S P.O.V

Kanina pa ako inaayusan nang mga pinadalang make-up artist na kinuha nila Nick. Wala akong magawa sa ngayon dahil baka mamaya ipakulong niya ang mga magulang ko. Umaasa na lamang ako na nakausap ni Tito Dee si Wayne. Sana makarating sila mamaya, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"Iha, ano na? May balita na ba?" pabulong na sabi ni Mama sa tabi ko nang umalis na ang make-up artist. Umiling na lamang ako bilang sagot dahil tinago ko ang cellphone ko baka mamaya kunin din nila yun e.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni mama kaya agad na lamang akong nagsalita.

"Let's just wait ma, I'm sure naghahanap nang paraan si Tito" pabulong kong sabi rito at tumango na rin ito.

Maya-maya ay bumalik na ang make-up artist kasama ang stylist.

"Ms. Cielo, you have to change already. The program is about to start" nakangiti nitong sabi at inalalayan na nila ako papunta sa may dressing area. Sumama sila dahil pareho naman silang babae kaya nagpaiwan na lamang si mama doon sa may sala. "Alam mo miss Cielo medyo nalulungkot kami kasi akala talaga naming totoo yung sa inyo ni Wayne e" malungkot na chika nung make-up artist

"Hay naku Chel manahimik ka nga diyan. Mamaya marinig ka nang mga bodyguards nila sir Nick. Pero di na rin naman lugi si Ms. Cielo, pogi naman si sir Nick" mataray na sambit nang stylist.

Tumahimik na lamang ako habang abala ako sa nagbibihis at tinutulungan naman nila ako.

Di nagtagal ay natapos rin kami, napatingin ako sa salamin at mas nalungkot ako lalo. Dapat nag aayos ako nang ganito at nakangiti ako dahil engagement party naming ni Wayne pero iba ang mga nangyayari. Talaga bang ayaw ni tadhanang kami ang magkatuluyan ni Wayne? Ilang beses niya ba kami balak paghiwalayin at pagtatagpuing muli?

============================

May small pouch na kasama ang dress kaya nilipat ko doon ang ilang gamit ko pati ang cellphone ko. Chineck ko ulit pero wala paring text.

"Ms. Cielo, labas nap o daw tayo. Nauna nap o sa bababa ang parents mo" anyaya sa akin ni Chel. "Just give me a few minutes—sabihin mo sumakit lang tiyan ko saglit please" nakangiti kong pakiusap, agad naman itong tumango. Sinara ko agad ang dressing closet at nilock saka ko nilabas ang cellphone ko.

Tinawagan ko agad si Tito Dee at buti na lang sa ikalawang ring ay agad na nitong sinagot.

"Hello Cielo!" agad na sigaw nito "Tito, what happened? Did you contact Wayne? Nasaan nap o kayo?" tuloy-tuloy kong tanong medyo maingay sa background nito kaya di ko masyado maintindihan.

"Nandito—di ko—si Wayne—" di ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil nagiging choppy ang line.

"What tito? Ano po? Di kop o maintindihan" balik kong tanong "Wait" tanging sambit nito at mukhang lumayo sa ingay. "Iha, di ko ma contact si Wayne. Pero wag kang mag alala tinawagan ko na si Venus na tawagan ito at patawagin sa iyo o sa akin" agad nitong sabi kaya para akong naubusan nang lakas. Paano na ito ngayon?

"Ms. Cielo, okay na po ba kayo? Kailangan nap o talaga nating bumaba" sigaw ni Cielo mula sa labas nang pinto. "Oo palabas na" balik ko na lamang na tugon at muling kinausap si Tito. "Sige Tito, I makausap mo si Wayne soon. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag. I'll call you soon" tanging sambit ko at binaba ko na ang call. Tinago ko na muli ang cellphone ko saka ako lumabas nang room.

Pagkalabas ay naroon na agad ang mga bodyguards nan aka bantay sa magkabilang side ko. Pakiramdam ko isa akong babaeng dadalhin na sa bitay. Yung tipong most wanted criminal na bawal makawala.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon