FFWY 20 - Silhouette from the Past

473 18 18
                                    

WAYNE'S P.O.V

"Wayne! Wake up!" malambing na boses ni Anne ang naririnig ko na gumigising sa akin. Sa simpleng boses niya palang bumibilis agad ang tibok ng puso ko. Ayaw ko pang dumilat, gusto ko damhin at itatak sa isipan kong mabuti ang boses niya. "Hoy! Wayne bumangon ka na diyan kung ayaw mong buhusan kita nang tubig na may yelo! Gising na!" napabangon ako at napadilat ng mga mata nang wala sa oras sa gulat. Sumalubong sa akin ang nakapameywang na si Venus at ganoon na lamang kabilis naglaho ang katiting na kasiyahang naramdaman ko kanina. Akala ko totoo na talaga, akala ko Anne's back.

Napangiti na lamang ako ng mapait, umaasa na naman ako sa isang bagay na malabo nang mangyari. Pero di ko maalis sa sarili kong kahit sa panaginip at least dinalaw niya ako—and I feel happy kahit sandali lang.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?! Natutuwa ka pa atang tumataas altapresyon ko sayo araw-araw Wayne!" galit na nitong puna sa akin kaya tumayo na ako agad at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigang mabuti. "Oo—oy—teka" nauutal nitong sabi kaya napangisi ako ng bahagya at pinisil ko ang ilong niya. "Ano ka ba? Wag ang ilong ko baka tumabinge yung pinalagay ko!" marahan na nitong suway sa akin sabay tapik sa kamay ko. Napatawa ako ng bahagya bago ko siya binitwan at sinimulang ayusin ang kama ko. "Teka! You laughed!" mabilis itong lumapit sa akin at siya naman ngayon ang humawak sa magkabilang balikat ko. Sumimangot ako at umiwas sa kanya.

"Leave me alone" pagsusuplado ko rito pero di niya ako tinantanan.

"No! You laughed! You actually laughed!" masaya nitong sabi, inalis ko ang magkabilang kamay niya sa mga balikat ko at tinalikuran siya.

"Ano ngayon kung tumawa ako? What's new?" walang gana kong tanong

"What's new?" nagtataka nitong tanong "Wala! But the old you—mukhang bumabalik na. Kanino ko utang ang pagtawa mong iyon?" pangungulit parin nito, di ko siya pinansin. "Hoy! Sige na! Kanino ko utang ang pagtawa mo at bibigyan ko siya ng share sa PF ko para lang mapatawa ka niya parati" pangungulit parin nito, naalala ko na naman tuloy siya.

Napahinga ako ng malalim at hinarap siya na ngayon ay nakapameywang na namang nakaharap sa akin. But this time di na irritado ang expression sa mukha niya but curiosity. Ngumiti ako ng mapait.

"Malabo yang balak mong gawin. Di niya pwedeng tanggapin yang sinasabi mong share mo sa PF mo" walang gana kong sabi at lalabas na sana ako ng room ko pero humarang siya.

"H—ha? Bakit? Mababa ba ang presyo? I can always double it, anytime—anywhere. Para lang marinig at makita kita muling tumawa at ngumiti" nakangiti na ito ngayon sa harapan ko. I tried to avoid Venus' gaze pero I think I have to be true to myself.

"No. She can't accept anything from you dahil di naman niya kailangan ng pera sa langit e" malungkot kong sabi, bago ko siya iniwang tulala sa sinabi ko. Lumabas na ako agad ng room ko, at dumeretso sa baba. Naabutan ko si Manang Lolit whom I often call "mananay" na naghahanda nang breakfast. Lahat yata nang nangyari sa buhay ko nasaksihan niya, pati pagkawala ng parents ko and even those times I was really happy. Nandoon siya—actually she would have left me a long time ago, lalo na nung mag kokolehiyo na ako kung di lang siguro nawala sila mommy. Niyaya na kasi siya nang mga anak niyang umuwi ng probinsya para magretiro na at magpahinga pero she decided to stay. Sabi niya sa akin, she can't leave me knowing na I have no one to turn to anymore. And knowing that no one's going to take care of me at alam niyang kailangan ko raw siya more than ever. At tama naman siya, siguro kung iniwan niya ako that time, hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa akin. Kaya kahit saan man ako pumunta kasa-kasama ko siya maliban kay Venus.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon