RIELLE'S P.O.V
Napakasakit nang nararamdaman ko. This is much more painful than the pain I've been feeling ever since I was diagnosed. Sobrang sakit pala sa dibdib to see someone you love with his ex-girlfriend.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makaramdam ako nang paninikip sa dibdib and I feel like umiikot ang paligid ko. Pakiramdam ko matutumba ako nang marinig ko ang pagtawag ni Grace sa akin.
"Chie!" sigaw ni Grace. That's when my system breaks down and I decided to close my eyes. I was waiting to feel the roughness of the ground pero di nangyari yun. I felt someone hold me in place at medyo niyakap ako.
My heart beats fast and was hoping na kung sino man ang sumalo sa akin ay siyang gusto kong makita sa oras na to kahit ba siya rin ang dahilan nang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pero bago ko pa man mabuksan ang mga mata ko, narinig kong nagsalita ang taong sumalo sa akin.
"Okay ka lang Rielle?" my heart quits beating wildly the moment I heard Nick's voice. Minulat ki na agad ang mga mata ko at medyo tinulak nang bahagya si Nick pero di niya ako hinayaang makalayo. "Stay put. Napaka putla mo at sigurado akong di mo kakayaning tumayo nang maayos" may pag aalala sa boses nito. Mag rereact pa sana ako nang magsalita naman agad si Grace sa tabi nito.
"Tama si Nick. Let him help you, isa pa naiinis ako nang sobra dun sa boy--" di ko hinayaang tapusin ni Grace ang sasabihin niya at nagsalita ako agad.
"Fine! Tara na maghanap tayo nang mauupuan para makapagpahinga ako" sinubukan kong maglakad para ma emphasize ang sinabi ko at medyo effective naman dahil agad naman akong inalalayan nang dalawa.
"Ano bang nangyari Rielle?" marahang tanong ni Nick.
"Hay naku yang si Wayne kasi napaka---" naiinis na simula ni Grace
"Gracia! Isa!" banta ko sa kanya at tumigil din naman siya.
Tamang-tama nakarating rin kami sa pinakamalapit na kiosk.
"What did Wayne do to you this time?" may inis na rin sa boses ni Nick.
"Wala" walang gana kong sambit habang pinupunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo ko.
"Rielle, alam kong mahal mo si Wayne pero kung parati ka niyang nasasaktan then he's not worthy of your love" patuloy parin sa pagsasalita ni Nick.
Alam kong may punto naman siya pero kasi mahal ko yung tao and kung tutuusin di naman si Wayne ang nag initiate sa yakapang yun. And right now gusto kong kausapin si Wayne about it baka naman may maibigay siyang matinong explanation sa akin.
"I know you're being a really nice friend and I thank you for that pero kasi--"
Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang may nagsalita sa may entrada nang kiosk.
"Babe?" nakita kong pawis at medyo hinihingal si Wayne na kaagad lumapit sa akin, medyo yumuko at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Are you okay? May nakapagsabi sa aking they saw you running and then muntik ka na daw mahilo and--" nilagay ko sa may labi niya ang isang daliri ko para mapatigil siya sa pagsasalita at kaagad akong bumaling kay Grace.
"Grace, pwede bang iwan niyo na muna kami. Mag uusap lang kami ni Wayne" pakiusap ko rito.
"Pero--" singit ni Nick
"Lika na pogi, iwan na muna natin ang mah jowa dito" agad na hinila ni Grace si Nick palayo kahit na alam kung ayaw pa nitong umalis.
Nang maka alis na ang dalawa ay umupo sa tabi ko si Wayne. Alam kong nakatingin siya sa akin pero di ko siya magawang tingnan. Naaalala ko na naman kasi ang nakita ko kanina at naiinis na naman ako.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)