Rielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
"Ayan! Kahit talaga napaka simple nang pag make up ko sayo Miss Cielo ang ganda-ganda mo talaga. Kahit saang anggulo" puri sa akin nang make-up artist ko na ikinangiti ko naman
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Salamat po. Pero syempre magaling ka rin kasi talagang make-up artist noh" balik kong puri dito na ikina ngiti naman ni Ate Agnes.
"Sus! Nagbolahan pa kayo. E ang point naman talaga kung bakit baliw na baliw sa'yo yang jowaers mong ang pogi e ang mala dyosa mong kagandahan Cielo" biglang singat nang stylist kong si Japh.
Agad namang nag init ang pisngi ko sa tinuran nito. Kasi naman akala nang mga ito e kami talaga ni Wayne. Kaya bago pa man sila mag isip na kami talaga ay nagsalita na ako.
"Di po kami ni Wayne" mahina kong sabi sa kanila
"Correction ate girl. Di "PA" kayo pero doon na rin kayo papunta" agad na sagot naman ni Japh na muli kong ikinangiti.
"Ahy oh! Kinilig si Cielo" masaya namang sabi ni Ate Agnes
"Okay na ba kayo?" biglang pumasok si Tito Dee kaya napalingon kaming tatlo. "Ang ganda talaga nang alaga ko oh" agad na lumapit si Tito at tiningnan ako sa salamin.
"Syempre naman Tito, ang pretty ni miss Cielo" sang ayon naman ni Japh
"Kaya nga bakod na bakod kay Wayne e" biglang sabi ni Tito Dee "Tito talaga" saway ko rito
"But I'm happy to see you happy iha" seryosong sabi ni tito. Sa halip na sumagot ay nginitian ko na lamang siya. "O siya, let's go. Nasa living room na si Wayne at kanina pa ako kinukulit na wag ka na daw masyado pagandahin baka balutin ka na lang daw niya at ikulong na lang dito sa room para walang ibang makakita sa ganda mo" napatawa naman kami sa sinabi ni Tito. Di ako sigurado kung nagbibiro ba ito o talagang sinabi nga yun ni Wayne.
Ngayong umaga kasi binago ang schedule. Ngayon na lamang daw gagawin ang pictorial para sa cover nang album naming kaya heto at nagmadali sila Ate Agnes at Japhn na ayusan ako.
Agad na rin kaming lumabas nang room at totoo nga ang sinasabi ni Tito Dee dahil nandoon nga si Wayne at naghihintay sa akin. Naka black shirt lamang ito at jeans and kahit ganoon ka simple lumalabas parin talaga ang gandang lalaki nito.
"Ay ang pogi mo ngayon Wayne!" bati ni Japh sa kanya "Ngayon lang ba Japh?" biro naman nitong tanong pabalik na nakangiti "Syempre araw-araw gumagawapo ka sa paningin ko—ay este kay Cielo pala" sabay tawa ni Japh
"Totoo ba yun baby?" agad siyang tumabi sa akin at nagpacute na ikinatawa ko na lamang "O ba't tinatawanan mo lang ako? Di ba ako gwapo?" pangungulit parin nito.
"Oo na pogi ka na" kunwari e napipilitan kong sabi na mas ikinalapad nang ngiti niya.
"Wag muna kayo magalaw kukunan ko kayo nang litrato at an gaga-aga nangungulit ang mga fans niyo. Nag trending kaya kayo sa twitter kahapon dahil sa naging biglang pictorial niyo with the fans" masayang sabi ni Tito Dee