FFWY 24 - Let's make it real

463 19 3
                                    



CIELO'S P.O.V

Naglalakad ako ngayon sa may dalampasigan habang kumakanta, sinusundan ko ang recorded music na pinapatugtog nila. Actually, kanina pa ako naiilang dahil sa dalawang rason. Una, dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa pagkakatitig ni Wayne sa akin. Kahit naka shades siya alam kong malalim na naman ang pagkakatitig niya and that smile. Argh! Pangalawa, dahil sa director na meron kami ngayon for the shoot. Pang ilang ulit na tong take na ito dahil gustong kumuha nang director naming nang iba't ibang anggulo pero I doubt if that really is the reason.

"Okay, cut!" sigaw ni direk, at agad nagpalakpakan ang mga naroroon. "That'll be all for today. Let's wrap things up" nakangiting sabi ni direk sa lahat. Agad itong lumapit sa akin. "You've done well Cielo" bati nito sa akin. Medyo naiilang ako dahil halos tatlo o apat na taon lang ata ang age gap naming dalawa at di miminsang napapansin kong he treats me differently. Hindi naman sa nagfefeeling ako or kung ano man. Pero kasi I feel awkward simula nang may mga kung ano-ano siyang pinapadala sa room ko and calls me every night just to chitchat.

Naiilang akong ngumiti bago ako sumagot. "Salamat direk. Mauna na po ako direk Tito Dee is already waiting for me" paalam ko rito, pero bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya ako sa may braso nang marahan kaya napatingin ako sa kanya "I hope we could chat later tonight. I called you last night pero di mo na sinasagot ang call ko" pakiusap nito, ayan na naman yung feeling na di ko gusto. I feel crept out. I also felt awkward every time nandiyan si Wayne but with direk it is a different thing.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa may braso ko. Iniisip ko pa kung anong sasabihin ko or paano ko siya tatanggihan na di ko siya ma ooffend. Kaya napag isipan kong sumang ayon na lang pero di ko na lang sasagutin ang call niya mamaya at gagawa na lamang ako nang ibang rason. Magsasalita na sana ako nang biglang may umakbay sa akin, napalingon ako at nakita ko si Wayne na nakangiti at nakatingin sa akin.

"Let's go na babe. You need to prepare for our group date later" napataas ang kilay ko dahil wala naman kaming usapan na lalabas at wala akong naaalalang nagyaya siyang lumabas or anything like that.

"Babe?" litong tanong ni director sa amin. Nabaling ang atensyon ko kay direk na nakakunot noo na ngayon. Mag rereact pa sana ako pero naramdaman kong bahagyang pinisil ni Wayne ang balikat ko na parang sinasabihan akong sakyan na lamang ang pinagsasabi niya. Hindi kaya lumapit siya to save me from this guy? Pero—

"Yes direk, I call her babe. We are exclusively dating" deklara nito na ikinalaki nang mga mata ko at nilingon ko siya agad at pinanlisikan nang mga mata.

"Is this true Cielo? I mean—ang alam ko kailan lang kayo nagkakilala. How come you—you guys are dating already?" nalilito nitong tanong pero halata sa boses nito na hindi nito nagustuhan ang narinig kay Wayne kaya hinarap ko siya. If itatanggi ko ang pinagsasabi ni Wayne, malaki ang chance na I won't be able to dodge any acts that direk is planning towards me. Pero if sasakyan ko ang trip ni Wayne I might just have a more peaceful stay here while we are having our shooting.

Kaya naman napakagat labi ako at dahan-dahang tumango.

"I told him to keep it low for a while, I don't want the media to keep on following us. And I want to keep it private direk. I hope you keep all about this a secret." Dere-deretso kong sabi, baka mamaya kasi mabulol ako or iba masabi ko. I saw his jaw literally dopped after I confirmed it. Kaya bago pa siya matauhan ay agad nang nagsalita si Wayne.

"Direk, we'll go na po. See you tomorrow" paalam nito at inakay na ako palayo doon. Pinagtitinginan na kami nang mga staff gawa nang pagkaka akbay niya sa akin. Even his friends can't help but look at us. Kaya naman di nako nakatiis at inalis ko ang braso niyang naka akbay sa akin. I thought I would be free pero nagkamali ako, naalis ko nga ang kamay niya sa balikat ko pero agad niya namang hinawakan ang kamay ko. Hila-hila niya parin ako palayo doon.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon