FFWY 39 - Nick's version of Truth

373 13 0
                                    

WAYNE'S P.O.V

"Talaga? Kahit na sabihin ko sa'yong nakaplano ang lahat? Pati ang pag uwi niya rito and pati ang pagkakaroon niyo nang projects together? Ang pagkaka recruit sa'yo nang TZ?"

"Tama na ang paliguy-ligoy Nick! You tell me the point of asking me to come here besides all these lies that you are telling me?!" galit ko nang tanong

"Lies? If all of these are lies you won't be feeling what you're feeling right now. Hindi ka makakaramdam nang sakit! Plinano lahat ni Cielo ang pag uwi niya pati ang pagkikita niyong muli and you know why?" balik nitong tanong

Tumahimik ako and I immediately closed my fist ready to punch him.

"Because she wanted to have her revenge on you! Sa'yo na sobrang nanakit sa kanya at nanloko!" sigaw niya sa akin kaya di na ako nakapag pigil at agad ko na siyang sinapak sa mukha. Napayuko siya sandal at napahawak sa may labi niya. Nakita kong dumugo iyon pero wala akong pakialam.

"Stop lying! Sabi mo kanina nagka amnesia si Cielo tapos ngayon sasabihin mong umuwi lamang siya at bumalik siya sa akin dahil gusto niya akong gantihan?" sigaw ko parin

"Look at this" tanging sambit niya. May ibang video siyang plinay. Dito mukhang ilang buwan na ang nagdaan o lampas na nga isang taon dahil mukhang okay na siya. But the only difference is that she was looking different and even feeling different. This woman on the screen is far from being Riello or even Cielo na kasama niya ngayon. Di na ito kagaya nang video kanina na nasa hospital, ito parang friend night out at medyo nakainom na pati mga kasama niya.

"Why are you still coming back to Manila? You are happy here, your boyfriend is here—" di natapos nang blonde na babae ang sinasabi niya dahil agad na umupo sa tabi ni Cielo si Nick, sabay akbay at halik sa pisngi nito. "You're right about that Tina!" nakangiting sabi ni Nick sabay hi-five sa bonde girl.

"Boyfriend? Not yet" tatawa-tawang sagot ni Cielo sabay pabirong tinakpan nang kamay niya ang mukha ni Nick. "You know why I have to go back. I just can't close my eyes without getting even. He deserve to feel all the pain I went through and so much more. Wayne must suffer the same way I did. I know it's wrong to take revenge but still—I'm not the old Rielle that he can trampled easily, I am Cielo now and I'm a fighter that know how to avenge my pain and sufferings." Deklara ni Cielo.

Tumingin pa ito deretso sa camera. Hinwakan niya ito gamit ang dalawang kamay niya kaya parang napaka close nang kuha sa mata niya.

"Wayne Ordonez. Wait for my comeback which will make you suffer in pain for Infinity!" galit na sabi niya.

"She regained her memory?" confused kong tanong "If she did she should have remembered that I said I love her before the accident and that—" di ko natapos ang sasabihin ko dahil agad sumingit si Nick. "During that time she doesn't remember everything yet but as of this moment I know she does remember dahil kung hindi she won't enough reason to take her revenge on you. She would have just walked away. We could have gone back to the states by now" paliwanag ni Nick.

"You know what? This is crazy...she—Cielo won't do this to me. She loves me at kung siya nga si Rielle sigurado akong mahal niya ako. Noon hanggang ngayon she does. Maybe at one point she did think to get her revenge but right now? Right now I don't think so. I won't trust what you said Nick. Iisang tao lamang ang pagkakatiwalaan ko at yun ay si Cielo. Pag siya na ang nagsabi nitong mga sinabi mo—maybe just maybe I'll believe this crap" tumayo na ako at akmang lalabas na nang office nang magsalita siya muli.

"Then attend my birthday party tomorrow night and see for yourself" huling tinuran ni Nick. Di na ako lumingon at tuluyan na akong umalis doon.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon