Prologue

2.6K 89 23
                                    

A/N: WARNING! There are still some typhographical error or some wrong grammar that needs to be corrected with this story and I apologize for that. Di ko pa po nasisimulang iedit to since busy po sa work. So, pagpasensiyahan niyo na po. ^___^

===============================

RIELLE'S P.O.V

**Three Years Ago**

Ang ganda ng view, papalubog na ang araw nandito ako ngayon sa beach. Sinusulit ko ang sariwang hanging nalalanghap ko, hindi ko naman kasi ito parating mararanasan. Niyakap ko pa lalo ang sarili ko gawa na rin na nakakaramdam na ako ng lamig. Tatayo n asana ako para umalis ng biglang may naglagay ng jacket sa akin.

"Hindi ka dapat nagpapalamig masyado" sabi ng isang malamig at malambing na boses ng lalaki, napalingon ako pero sa di ko maipaliwanag na kadahilanan hindi ko makita ng maayos ang mukha niya.

"Si-sino ka?" nauutal kong tanong, agad ko naming narinig ang pagtawa niya at ang sarap pakinggan nito, para bang matagal ko na itong naririnig

"I think the cold got into you already" natatawa parin nitong sabi "Halika na, we still have to do the other things on your bucket list" marahan nitong sabi sabay lahad ng kamay, sinusubukan ko paring tingnang mabuti ang mukha niya pero hindi ko talaga makita. And bakita niya alam ang tungkol sa bucket list ko? Walang ibang may alam nun kundi ako lang. Kaya naman inabot ko na ang nakalahad niyang kamay at mas makikita ko na sana ng malapitan ang mukha niya ng biglang parang may bumuhos ng malamig na tubig sa mukha ko.

"Whoa!" napadilat ako ng mata, nakita ko ang nakangiti kong pinsang si Grace na nakangisi habang naka fold ang arms sa harapan.

"Gising ka na ba Rielle Gonzales?" nakangiti parin nitong tanong

Napakunot ang noo ko at saka ko lang na realize na basang-basa ang mukha ko and water is still dripping from my face.

"Grace!!! Bakit mo ako binasa?" inis kong sabi sabay punas ng mukha ko gamit ang kumot ko

"Well, I have no other choice, you were acting like you're having bangungot mahal kong pinsan" natatawa nitong sabi at mas lumapit sa akin "May pa taas-taas ka pa ng kamay na parang may inaabot, at hindi lang yun ha? You're smiling so sweetly—hmm hulaan ko, siguro lalaki yang nasa dream mo noh?" pang iinis nito sa akin

Ginawa ko ba talaga yun? Pakiramdam ko namumula na naman ang cheeks ko, ganoon kasi ako kabilis mag blush basta nahihiya ako.

"Uy Hi—hindi ah! Ga—gawa-gawa mo lang siguro yan" nauutal kong tanggi rito, agad na akong bunagon sa kama at pumunta sa may vanity mirror ko. "What brought you here anyway? Weekend ngayon and—" natigilan ako ng mapatingin sa alarm clock ko sa may side table ko "OMG! Insan!!!" sigaw ko rito. Paano ba naman kasi, it's just eight in the morning sayang e. Ang ganda pa sana ng panaginip ko. "Arggh! An gaga-aga nambubuluhaw ka na naman!" inis kong sabi rito

Natawa naman ito at umupo sa may edge ng bed ko facing my back and looking directly at the vanity mirror kaya parang magkaharap lang kami.

"Kasi insan, I need a small favor from you and—" di ko na siya pinatapos kasi mukhang alam ko na kung anong favor na naman ang hihingin nito sa akin.

"I'm busy and this is my beauty rest day kaya I'm not in the mood to join you in your addict fan mode thing with that infinity band" mabilis kong sabi, agad na akong pumunta sa bed ko par asana humiga pero humarang si Grace.

"Please insan? Alam mo naming hindi ako papayagan nila Mama pag hindi kita kasama e, isa pa di-ba? Gwapo naman talaga sila, sabi ko nga sa'yo, I'm willing na ishare sila sayo if ever na may magustuhan ka sa kanila and—" puputulin ko na naman sana ang sasabihin niya pero agad siyang tumayo at nilagay ang isang kamay niya sa labi ko kaya di ako nakapagsalita. "I'll give you my allowance next week para mabili mo na yung gusto mong bag sa mall at sasamahan pa kita, plus I'll treat you today" nakangiti nitong sabi sabay alis ng kamay niya sa bibig ko

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon