FFWY 9- Wrong Interpretation?

584 24 6
                                        

RIELLE'S P.O.V


Katatapos lang nang photoshoot at 8:30am na, mabuti na lang at agad nang nagpaalam si Wayne sa kanila at inakay niya na ako palabas nang studio. Dumeretso na kami sa parking lot, agad niya akong pinagbuksan nang pinto kaya sumakay na rin ako ganoon din naman siya.


Nasa daan na kami papuntang school, nakatingin lang ako sa kanya. Naka school uniform na siya ngayon, malayong-malayo sa ayos niya kanina. Tiningnan ko ang buhok niyang naka bagsak na ngayon di tulad kanina na nakataas dahil sa wax, napalean ang ulo ko sa head rest para mas makita ko ang mahahaba niyang pilik mata, ang tangos din nang ilong niya at ang labi niyang manipis na mamula-mula. Napangiti ako dahil sa kagwapuhan nito at muling pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Gab. Gusto nga kaya ako ni Wayne? Dahil kung totoo nga then napakaswerte ko at iniisip ko pa lang sobrang tumatalon na ang puso ko sa saya. 


Natigilan ako at napaiwas nang tingin nang bumaling ito bigla sa akin na naka kunot ang noo.


"I told you several times already, stop staring" bahagya akong napasimngot mukhang the cold Wayne is back. Napabuntong hininga ako at napatingin sa labas nang sasakyan.


"Why don't you ask him about what Gab said at the photo shoot?" singit ni konsensiya sa isip ko kaya napakagat labi ako saglit bago ko siya muling nilingon.


"Ahm—Wayne" tawag ko sa kanya, lumingon siya saglit bago muling binalik sa daan ang tingin


"What?" walang gana nitong tanong, itatanong ko ba talaga? Wag na lang kaya? Pero what if sasagutin niya naman pala? Bahala na.


"Ano kasi—may itatanong lang sana ako pero wag kang magagalit ha" kinakabahan kong sabi sa kanya


"Go ahead" tanging tugon niya na nagpangiti sa akin kaya naman umayos ako agad nang upo. This is it, sana nga tama si Gab.


"Kasi you told me na you want to test your theory. Anong theory ba yun Wayne?" nakangiti kong tanong, nakita kong napatiim bagang si Wayne kaya agad kong dinagdagan ang sinabi ko "You don't have—to answer kung ayaw mo, curious lang ako" 


"Tinanong mo pa ako kung di ko rin naman pala kailangang sagutin ang tanong mo" suplado nitong sabi na nagpawala sa ngiti sa labi ko kaya umiwas na lamang ako nang tingin sa kanya. Sabi ko naman kasi wag na lang itanong e, dahil mali lang talaga si Gab sa mga pinagsasabi niya. Nasa ganoon akong pag iisip nang muli siyang nagsalita. "I guess my theory's right after all. Ikaw lang pala ang solusyon" halos pabulong na nitong sinabi ang huling tinuran niya na nagpabilis naman nang puso ko dahil narinig ko iyon. Pero malabo parin ang pagkakasabi niya, hindi niya naman sinabing gusto niya ako. Hinarap ko siya at seryoso na ang mukha ko.


"What do you mean? Anong ako ang solusyon?" pangungulit ko sa kanya, nakita kong bahagya syang ngumiti na nagpabuhay sa mga paru-paro sa tiyan ko. Bigla nitong tinigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa paligid, nakita kong nasa school na kami kaya hinarap ko siya ulit bago pa siya makalabas nang sasakyan. "Please answer it" pakiusap ko sa kanya


"I know your smart, I already told you the answer. You figure it out yourself" marahan nitong sabi bago tuluyang bumaba nang sasakyan. Akala ko hahayaan niya na ako since nasa school na kami pero kumabog ang dibdib ko nang pagbuksan niya parin ako nang pintuan at nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Let's go, you'll be late for your class" paalala nito.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon