FFWY 42 - Gone

473 14 26
                                    


CIELO'S P.O.V

Hindi ko alam kung anong ginawang magic ni Tito Dee at nagging mabilis ang pag aasikaso niya nang billing ko. Pagkalabas ko pa lang nang hospital room ko ay nakasunod na agad sa amin ang mga guards na iniwan nila Nick. Dumretso kami sa basement parking kung saan naghihintay ang sasakyan. Di na lamang ako umimik at nagkunwaring natutulog para maireserba ko ang energy ko. Hindi ko alam kung ano pa baa ng mga mangyayari.

But I can't also help but feel excited kasi ngayon na lamang ako ulit makakabalik sa bahay naming mula nang umalis ako nang gabing iyon. I just hope walang binago ang bumili para kahit papaano nandoon pa lahat nang ala-ala ko mula pagkabata.

Mabuti na nga lang di na sinama nila Mama at Papa si Raiku pag uwi e kasi di ba? Paano na lang kung nandito din ang kapatid ko, di ko na alam kung paano pa ako magpapakatapang para sa amin. Di nagtagal ay naaninag ko na ang bahay ganoon parin ang mukha nito sa labas although medyo madilim kaya di ko masabi if wala bang binago. Pero ang gate at lahat ganoon parin. Kaya nga naalala ko agad ang mga panahong hinahatid ako ni Wayne ditto sa amin.

"We're here iha" masayang sambit ni Mama "We're finally home Ma" nakangiti ko ring tugon rito.

Tumigil na ang sasakyan, agad namang binuksan nang guards ang door kaya bumaba na kami. Naunang pumasok si Daddy pero pinigilan siya nang guard.

"Kami po muna mauuna sir. We'll just make some inspection" sambit pa nung malaking kalbo kaya napatitig ako nang masama sa kanya. Inspection daw baka mamaya lagyan na naman nila nang mga camera ang loob nang bahay.

"Sige, go ahead" sambit naman ni Daddy at binigay ang susi sa kanila.

Naghintay pa kami nang ilang minuto bago muling lumabas ang kalbo kasama ang mga alagad niya.

"Sige po, pwede na kayong pumasok" abiso sa amin nang kalbo

"Uuwi na ba kayo?" curious kong tanong "Dito po kami 24/7 maliban na lang po pag sinabihan kami ni sir Nick na pwede na kaming umalis" seryosong tugon nito

May sasabihin pa sana ako pero hinila na ako ni Tito papasok sa bahay at ganoon na lamang ang pakiramdam ko na parang naiiyak na di ko maintindihan.

"Wow. This—this is still how it looks like before" namamangha kong sabi

"Parang hindi man lang kami umalis. Walang nabago kahit kaunti" masaya ring sabi ni Mama habang nakahawak siya sa kanan kong balikat

"Hindi lang yun tingnan mo 'to sweetheart" tawag ni Papa kay Mama kaya lumapit kami sa kanya. Nandoon parin ang lahat nang photo albums na naiwan naming noon. Ang pwesto ang ayos walang binago.

Napalingon ako kay Tito na nakangiti lang na nakatingin sa amin.

"Curious lang ako tito, nakausap o nakilala mo man lang ba ang bumili nitong bahay pagka alis namin?" nakangiti kong tanong

"You'll meet him soon iha. Sa ngayon, let's all rest at maaga pa tayo bukas" masaya niyang sabi sa amin, natigilan ako. Wait, anong matutulog na? I mean—hindi ba kaya nga kami pumunta ditto para mapag usapan na naming ang pagtakas? Pero bakit parang balewala lang kay Tito Dee?

"Rest? Pero tito—" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil agad niya na akong hinila papunta sa hagdan at pumanhik na kami papunta sa taas. "Di ka man lang ba curious kung may nagbago ba sa room mo?" masaya niyang tanong kaya naman nagpa giya na ako sa kung saan ang room ko.

Pagkabukas naming ay naka off ang ilaw kaya di naming maaninag sa loob.

"Tingnan na muna natin ang room ni Rielle" yaya ni Tito Dee kina Mama at Papa. Kaya naman sumunod din sila sa amin. Pumasok kami sa room, kinapa kona kung saan ang dating switch nang ilaw sa room ko nang may maramdaman akong humawak sa kamay ko.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon