FFWY 10-First Photo

621 22 11
                                    

RIELLE'S P.O.V


Napatingin ako sa relo ko it's 5:29pm isang minuto na lang matatapos na ang class namin. Excited ako na nalulungkot kasi naman di ako nireplayan ni Wayne. Ibig sabihin mali talaga nang pagkakaintindi si Gab sa theory na sinasabi ni Wayne. 


"Okay class, remember the deadline of your report will be next week. Class dismissed!" sabi nang professor namin bago ito tuluyang lumabas.


Walang gana na akong nagligpit nang gamit ko, nilagay ko na ito sa lady bag packbag ko na color white. Agad na akong lumabas nang room nang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong nilabas sa bag ko at tiningnan, baka kasi si Wayne na yun. Pero I feel disappointed nang makita kong si Grace lang pala.


From: [Grace]


Cous, nauna na akong umuwi ha? Susunduin ka naman nang pogi mong boyfriend kaya I'm sure you'll be fine. By the way yung pinapadala mong damit pampalit nasa locker mo na. See you tomorrow! Love you! :*


Napangiti na lamang ako sa text nito, kahit kailan talaga masyado nila akong inaalagaan. Kaya naman nag reply na lamang ako agad rito baka mag alala pa e.


To: [Grace]


Thank you so much cous! Love you too! :*


Dumeretso ako sa locker ko at tulad nang sabi ni insan, merong jeans, yellow blouse, tsaka flat shoes na vans. Nag decide akong magpadala kanina kasi I feel so uncomfortable sa uniform ko and for sure naka civilian na si Wayne. Nagbihis na ako agad, nang matapos na ako nilagay ko sa paper bag ang uniform and school shoes ko. Nag ayos ako saglit, tinali ko ang buhok ko at napatingin muli ako sa phone ko at napasimangot ako lalo. Wala paring text mula rito, kaya naman sinara ko na agad ang locker at naglakad na papuntang parking lot.


"Paano na lang pala kung nakalimutan nitong susunduin niya pala ako? Maghihintay ba ako sa wala?" sambit ko pa sa sarili ko habang naglalakad 


Nang nasa may parking lot na ako ay tumingin ako sa paligid at ang kaninang nagluluksa kong mga paru-paro at puso ay nabuhay muli dahil nakita ko si Wayne. Naka jeans lang din ito, naka dark blue T-shirt, gray hoodie at naka cap. Naka lean ito sa itim niyang dodge challenger habang naka fold ang arms sa harapan. Kahit napaka simple nang ayos niya pero ang lakas parin nang dating.


Di ko maipagkakailang namiss ko siya kahit saglit lang kaming nagkahiwalay. Mabilis na akong naglakad palapit sa kanya, mukhang oblivious naman ito sa presence ko dahil nakatingin ito sa kabilang direksyon, pero nang malapit-lapit na ako ay napatingin ito sa gawi ko na nagpa doble nang bilis nang tibok nang puso ko. Tumayo ito nang maayos at agad akong sinalubong. Kinuha niya ang paper bag na hawak ko saka niya hinawakan ang kaliwa kong kamay at hinila papunta sa sasakyan niya. Nakatingin lang ako sa kanya, mukhang bagong ligo pa ito, ang bango-bango niya.


"Kanina ka pa?" marahan kong tanong


"Kadarating ko lang din, let's have dinner first bago kita ihatid sa inyo. Okay?" tanong nito, pero di naman nakatingin sa akin. Nang nasa may sasakyan na kami ay binitawan niya kamay ko na ayaw ko pa sanang bitawan.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon