CIELO'S P.O.V
"No! No! Wayne!!!" sigaw ko nang biglang may yumugyog sa akin kaya napadilat ako at nakita ko si Grace na may pag aalala sa mukha. "What's happening 'cous?" nalilito nitong tanong
Napatingin ako sa paligid, nasa room ko ako. Hinahanap ko siya pero wala siya. Panaginip lang yun di ba? It didn't really happened?
Kaya hinarap ko muli si Grace dahil kinakabahan ako di ko maintindihan. It feels like di ko maalala what happened if totoo bang nawala si Wayne or—
"Nasaan si Wayne?" agad kong tanong rito
"Si Wayne? 'Cous, wala si Wayne na—" di ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin niya dahil natatakot ako. Hindi pwedeng mawala si Wayne. No! Imposible. Tumayo ako agad at hinanap ang cellphone ko. "Where's my phone?" agad kong tanong
"Cous, pina ayos pa natin ang phone mo the other day kasi nga di ba? Nahulog sa pool kaya ayun" paliwanag nito, hinarap ko siya. "Pahiram nang phone mo, I'll call Wayne. At bakit wala siya dito? Sa condo niya ba siya natulog? Alam niya naman di ako nakakatulog nang maayos pag di ko siya katabi e" patuloy ko pang litanya na naiinis.
Nakatingin lang sa akin si Grace na parang nalilito sa sinasabi ko.
"Rielle, let's eat first gutom lang yan. At isa pa highschool reunion natin mamaya and nandoon ang mga kaibigan natin. Isipin mo hapon ka na nagising, naku panigurado gutom na ang baby mo" paalala niya sa akin kaya automatically my hand went to my stomach na medyo may baby bump na nga.
"Oo nga pala, bakit hindi mo ako ginising? And hindi ba dumaan si Wayne kanina?" nakangiti kong tanong, habang inaayos ko ang kama ko.
"Ahm—naku Rielle ha?! Tigilan mo na kakanood nang horror na mga movies at ilang araw ka nang nananag inip nang kung ano-ano" tanging sagot ni Grace kaya napakunot noo ako. It feels like she's not telling me something, something that I myself don't want to know. "Halika na" yaya nito at nauna nang lumabas nang room ko.
Napatingin ako sa may study table ko at nakita ko doon ang ginawa kong scrapbook naming ni Wayne at katabi nito ay ang calendar. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong it's been three months na from that incident, mula nang tumakas kami nang gabing iyon.
Pero pinipilit kong alalahanin dahil wala naman akong maalalang I attended any funeral after that incident. Pero hindi din ako sigurado if wala na nga ba si Wayne. Pakiramdam ko I was asleep after I lost consciousness sa hospital.
Ang maalala ko lang kagabi I was scanning this scrapbook hanggang sa makatulog ako tapos yun na. Nagmadali akong bumaba at hinanap sila Grace. Naabutan ko sila sa dining area na kumakain.
"Ate!" nakangiting bati sa akin ni Nicolo, nginitian ko naman siya agad pero dumeretso ako kay Mama.
"Ma, what happened? Bakit parang di ko po maalala? And bakit parang wala akong ideya sa nangyari for the past 3 months" naliito kong tanong "And—what happened to Wayne? Did he—did he really—"
"Oh my God! Anak! Nakaka alala ka na nga! Akala ko binibiro na naman ako nitong pinsan mo!" naiiyak nitong sabi sabay yakap sa akin. "Akala ko hindi ka na makakabalik. We thought you have lost your memories forever"
"Po?! Ibig sabihin nagka amnesia ako? Pero Ma—" nilayo ako nang bahagya ni Mama "Don't stress yourself first. Naku, anak kumain ka nang marami at siguradong gutom na rin yang apo ko sa tiyan mo" agad na sabi ni Mama
Magtatanong pa sana ako pero hinila na ako ni mama papunta sa dining at pinaupo. Pinaghainan nang pagkain at nag react naman agad ang tiyan ko sa mga pagkaing nakita ko.
BINABASA MO ANG
Forever Fated with you [COMPLETED]
RomanceRielle Gonzales ay isang simpleng babae, she lives a simple and happy life. She lives her life like it was her last, ayaw niya kasing magkaroon ng regrets kapag hindi niya magagawa ang lahat ng nasa bucket list niya. Malapit niya na nga itong matapo...
![Forever Fated with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/28852847-64-k125741.jpg)