FFWY 37- In Love for Infinity

374 13 1
                                    

CIELO'S P.O.V

Ilang araw na lang ay ang first ever major concert ko at pangalawa naman nang Infinity Band ang title ay "In love for Infinity" kaya this past few weeks ay abala kami sa left and right na rehearsals and promotions. Minsan nga natatarayan ko si Wayne dahil mabilis na akong mapagod at ewan ko ba lately ang bilis kong mainis sa kanya. Ngayon nga may pictorial kami para naman sa Anniversary nang CGC a week after nitong concert naming at kanina pa ako naiinis kay Wayne dahil panay ang hawak niya nang cellphone niya.

"Baby—" pangungulit ko sa kanya habang nakayakap ako sa may braso niya. "Hmm?" tanging sagot niya lamang at abala parin sa pagtatype sa cellphone niya napasimangot na ako.

"Sino ba yang ka text mo at mukhang abalang-abala ka na kanina mo pa ako di pinapansin kahit gutom na gutom na ako?!" inis kong sambit kaya agad siyang napalingon sa akin nan aka kunot noo. "E di ba baby, I already told you na katext ko si Mang Alfonso para doon sa mga kausap niyang gustong magkaroon nang exclusive contract with us para sa mga bulaklak di-ba? At nagsabi na rin ako na magbabakasyon tayo doon nang ilang araw bago dumeretso nang Palawan" marahan niyang paliwanag habang nakahawak sa kamay ko. Pero nakasimangot pa rin ako, I heard him sigh nang binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya and I folded my arms. "Sorry na baby ko—halika na, let's eat" malambing niyang sabi at muling hinawakan ako sa magkabilang braso. "Wag na! Makipag text ka na lang! If I know baka yung Roxanne na yun ang ka text mo!" I spat. Agad na akong tumayo pero bago pa man ako maka alis ay nahawakan niya muli ang braso ko, tumingin muna sa paligid bago ako hinila paalis doon.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" patuloy ko paring sigaw sa kanya. "Baby, di ko alam what's happening with you. It seems like you're always angry or annoyed with me lately" kalmado parin niyang sabi habang hila-hila niya ako. "Please let me go!" muli kong sigaw. I don't care if may mga nakatingin na sa amin.

Bigla naman siyang natigilan sa huling sinabi ko at hinarap ako at kita kong di niya nagustuhan ang huling tinuran ko.

"You mean that? You wan't me to let you go?" naguluhan din ako dahil sa tono nang boses niya parang ako pa may kasalanan. "Bitiwan mo sabi ako e" inis ko paring sambit pero mahina na ang boses ko at umiwas na ako nang tingin sa kanya.

"Sabihin mo na lahat nang gusto mong sabihin pag naiinis ka sa akin. Pero ayaw ko nang marinig ulit na you'll ask me to let you go, because baby—" hinawakan niya ako sa may baba at pinaharap niya ako sa kanya. "I'm not gonna let you go no matter what happens, unless you tell me to" napasinghap ako nang ma realize ang sinasabi niya. Hinawakan naman nang thumb finger niya ang labi kong bahagyang nakabuka. "And close your mouth kung ayaw mong kinabukasan e nasa headlines na tayo nang mga newspapers. Tandaan mo I'm restraining myself everytime we're out in the public because you asked me to. So, don't dare me kissed you because I would gladly oblige" nakangisi niya nang sabi na ikinainis ko. Kanina lang sweet na ngayon nang iinis na naman siya. Tinapik ko ang kamay niyan nasa may labi ko at binawi ko na ang kamay kong hawak-hawak niya. Pero hindi na ako ganoon kainis tulad kanina, ewan ko ba bakit ganito ang mood ko lately.

"Pervert!" marahan kong sambit bago naunang maglakad. Nakaka ilang hakbang na ako nang maramdaman kong di siya sumunod kaya napalingon ako at nakita kong nalilito siya sa nangyayari. "Bab—Wayne! I'm hungry na. Let's eat" sigaw ko sa kanya kaya napalingon siya agad sa akin at naglakad na rin naman palapit sa akin pero nakakunot noo parin. "Ba't parang napipilitan ka ata?" inis ko na namang sambit "Hindi ah!" agad niyang sambit at ngumiti nang malapad. "Halika na baby" agad niya na akong inakbayan na inalis ko naman kaya ipinasok niya na lamang ang magkabilang kamay niya sa bulsa niya at naglakad sa tabi ko.

Forever Fated with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon