Chapter 2

1.2K 29 2
                                    

Alas dyes na at papasara na ang resto ng pinatawag lahat ng empleyado para iorient kami sa paparating na Christmas party. Ganto talaga dito tuwing paparating ang party namin, nagpaplano ang lahat kung ano na naman ang magiging set up at kung ano ang magiging theme. Hinati hati na kami ng HR namin na si Ms. Edna para maigrupo.

"Kai di tayo magkagrupo ngayon. Sayang naman" pagkukunwaring malungkot ni Fred.

"Baliw!"
Sabi ko at sumabay na ako sa mga kagrupo ko. Dalawa lang kasi kaming rider dito sa resto. Kaya kahit papano nakagaanan ko na ng loob si Fred. Mabait naman siya kaso nga lang ang lakas mang trip.

Nagusap usap na kami kung ano ang gagawin at kung anong talent ang ipapakita. Bale lima kaming magkakagrupo at dalawa sa kanila ay kagaya ko na lgbtq+a din pero gay sila. Hindi ko sila kaclose pero nakakangitian ko naman sila tuwing nasa trabaho. Naasign sila sa Dining, yung dalawa naman na babae sa cashiering.

"Okay guys isip na kayo ng plano nyo kasi 5mins nalang uwian na tayo" sabi ni Ms Edna na naka mikropono.

"Uy girl ako walang talent eh. Sa kabayo ang boses ko." Sabi ni Hershey

"Ay same beks, ako pagsumayaw parang stick" sabi naman ni Ariel

"Nako pano yan anong talent naman papakita natin?" Sabi ni Shane na kumakamot sa ulo

"Maging ako walang talent eh. Talent ko ang kumain" sabi ko na tumatawa. Napatawa naman silang apat.

Tahimik naman si Anne. Hindi kasi to palakibo.

"May naisip na ako bakla. Pano kaya kung..."

Tumingin sakin si Hershey na animoy may binabalak na masama.

"Kung?" Tanong namin sakanya.

"Kung tayong mga bakla at kayong dalawang bebe magdamit lalaki tapos ikaw Kai ay magdamit babae. Oh diba pak!" Sabi nito sabay pumapalakpak pa.

"Ano! Ayoko nga!" Mariin kong sabi. Abat pagtitripan pa ako ng mga to.

"Oo nga Kai tsaka tayo lang makakaisip nun. Kakaiba ang talent natin. Pang comedy" sabi ni Shane.

"Ayoko, di nalang ako sasali sa Christmas party." Sabi ko at aalis na sana ako.

"Huy bakla. Sige na naman. Eh pare pareho tayong walang talent eh. Tsaka ano kaba hindi lang naman ikaw ang mapapahiya noh, kami din kaya"

"Truth ka jan Hersh, tsaka once a year lang naman beks. Sayang premyo natin kung manalo tayo. 30k yun!" Sabi ni Ariel.

Tiningnan ko sila isa isa at pare pareho ang mga mukha nila. Nagsusumamo na pumayag ako.

"Hays! Kainis kayo. oo na nga lang" nag group hug naman sila sakin.

At ayun nga plinano na nila. Ako tamang nakikinig lang. Sayang din kasi ng premyo malaking tulong na din yun samin.

Napagplanuhan nila na rarampa nga ako na nakasuot na pambabae at naka bra at short na maikli. At sasayaw ng bulaklak. Sabay sabay namin yung gagawin pero ako at ang mga bakla ang pinaka magiging highlight.
Gagawin kong tanga ang sarili ko neto pero hayaan na. Mas iiisipin ko nalang yung mapapanalunan.

"Before we end our planning of our Christmas party. Nais kong ipaalam sa lahat na mas magiging masaya ang Party this year dahil dito na mamalagi ang anak ni Sir Enrico na si Sir Charles. At syempre malay nyo may bonggang pamasko satin si Sir Charles dahil siya ay fresh from England "

Naghiyawan naman ang lahat sa announcement ni Ms Edna lalong lalo na ang mga kababaihan. Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko pa kasi nakikita yung sinasabi nilang Sir Charles dahil simula nang makapasok ako ay di ko pa naabutan na umuuwi yun dito.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now