Chapter 21

801 14 0
                                    

Author's Short Pov

Hey guys! Salamat sa pagbasa ng story ko. Sensya na kung ngayon lang naka update. Mejo tinamad lang hahah. Anyways continue reading para mas mamotivate pa akong icontinue itong story nina Charles at Kassandra. Kindly vote and follow nadin po heheh.

Enjoy!

--------------------

RATED SPG!!!





Walang pasok si Lilac ngayon kaya dito lang kami sa bahay nag bonding. Naglaro muna siya ng laruan niya. Si Charles kasi hindi niya pinayagang humawak ng cellphone ang anak niya dahil ayaw niyang masanay ito.

"Baby ko stay kalang diyan ha. Mamaya ligo tayo sa swimming pool." Tumango tango naman ang anak ko at tuwang tuwa sa sinabi ko.

Naglinis na ako ng bahay at nilabhan ang mga labahang damit. Maya maya ay narinig kong may nag door bell.
Agad kong tiningnan kung sino. Si mama at Tophe pala. Pinagbuksan ko naman sila.

"Oh mama, Tophe" sabi ko at nagmano. Ginulo gulo ko naman ang buhok ni Tophe.

"Ate ano ba! Mama si ate oh" sabi ni Tophe at nagtago sa likod ni mama. Tumawa naman si mama at sinita kaming magkapatid.

Pumasok na kami sa loob. Sabado at linggo pala ay dito sila natutulog kaya tuwang tuwa ang anak ko dahil nakakalaro niya ang tito at lola niya.

Pinaghanda ko na sila ng pagkain habang nasa sala sila. Pagkatapos ko ay nilapag ko na ang hinanda kong pancake at juice.

Ganadong ganado naman ang anak ko kumain habang nanonood ng tv na pambata ang palabas.

"Oh Tophe magka college kana. Ano balak mong kunin na kurso?"

"Gusto ko sana engineering ate kaso baka hindi kayanin ng pera" sabi niya na may halong lungkot.

"Ano kaba. Kung yan ang gusto mo gagawan natin yan ng paraan. Magtutulungan tayo. Huwag kana tumulad sakin na hindi nagtapos ng pagaaral"

"Eh ate pano ka naman tutulong eh hindi kana man na nagtatrabaho?" Takang tanong niya.

"Tutulong ako sa resto. Makikiusap nalang ako sa kuya Charles mo para magkapera ako ng malaki laki para makatulong sayo. Kaya ikaw huwag ka mag aasawa agad." Halos mailuwa naman ni Tophe ang iniinom niyang juice.

"Ate naman! Wala pa yan sa isip ko noh"

"Aba dapat lang. Mabuti at nagkakaintindihan tayo." Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Tumawa naman si mama.

"Hindi paba pinapaalam nitong kapatid mo Kai? May girlfriend na kaya yan si Tophe." Sabi ni mama na siyang kinalaki ng mata ni Tophe. Aba talaga naman.

"Kelan pa ma? Tophe?" Hiyang hiya naman si Tophe na nakayuko na.

"Ehh kasi ate.. alam kong magagalit ka eh"

Huminga naman ako ng malalim dahil alam ko naman na payag na si mama na magka jowa tong mokong na to.

"Tutal binata ka naman. Natural naman na yang magkaron ng relasyon eh wala na kong magagawa. Basta ang payo ko lang sayo Khristopher Araneta, wag na wag kang gagawa ng ikakasama ng loob namin ni mama naiintindihan mo? Payag kami na magka girlfriend ka pero hanggang inspirasyon mo lang sila. Huwag maging mapusok at piliin mong mabuti ang babaeng gugustuhin mo ha" mahabang sabi ko.

Ngumiti naman si Tophe at niyakap ako.

"Hoy ano ba Tophe para kang sira" sabi ko na natatawa. Tawang tawa naman si mama.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now