"Hoy!" Nagulat ako ng may biglang may kamay na humaharang sa harap ko. Si Fred pala. Eto kami ngayon at naka break time.
"Ano ba Fred. Kakagulat ka naman" sabi ko.
"Ke bagong taon nakatulala at nakasimangot ka jan. Ganyan mo ba sinalubong tong taon?" Pagtatakang tanong niya.
Nagbuntong hininga lang ako at umiling iling nalang. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nakita kong wala paring text si Alissa. Kaya mas lalo akong nalungkot.
"Hay nako Kai. Bago magtapos ang taon ganyan kana. Ano bang nangyayari sayo ha"
Huminga ulit ako ng malalim at napatitig sa cellphone ko
"Si Alissa kasi, napansin kong maraming nagbago sakanya."
Kumunot noo naman si Fred."Panong nagbago ba?"
"Bihira na kasi siya mag update sakin. Tapos may mga lakad kaming hindi na siya nakakapunta. Kapag naman sinasabi ko ang mga pagtatampo ko nagagalit siya at napupunta lang sa away" malungkot kong sabi. Napabuntong hininga ako. Ewan ko ba kung anong nangyari sakanya. Minsan naman ramdam ko yung sweetness niya, yung care, pero mas madalas kong nararamdaman ang pagbabago niya, ayoko namang isipin na may iba siya dahil alam ko at naniniwala akong hinding hindi niya ako kayang lokohin.
"Lagi na ba siyang ganyan?" Seryosong tanong ni Fred.
"Madalas. Hindi naman kamo ganto noon eh. Kaya nahihirapan ako" sabi ko at tumingala nalang sa kisami. Ayokong bigla nalang tumulo ang luha ko.
"Alam mo Kai hindi naman sa paninira sa girlfriend mo. Pero base sa kwento mo eh nanlalamig na yan sayo. Kapag nakakahalata kana saka siya nagiging sweet oh kaya balik kayo sa dati. Pero mas madalas ang pagbabago niya. No offense par ha pero alam mo ganyan gawain ko kapag may nahanap na akong bago na mas interesting. Pinapaunti unti ko na para iwanan ang babae ko para sa bagong chix." Seryosong sabi niya. Mas lalo naman akong nalungkot. Alam kong sa mga oras na to hindi ako ginogood time ni Fred. Kahit na gago to eh marunong naman to makiramdam kung kelangan ng tao ng advice.
Naiinis ako kay Alissa. Dahil kung ganun ang nararamdaman niya bakit niya ililihim sakin.
Pumikit na lamang ako para mapigil ang luha ko. Nalulungkot ako sa sitwasyon namin ng girlfriend ko. Gusto kong bumalik ulit kami sa dati. Yung masaya at walang pakialam sa mga mapanghusgang tao.Naramdaman ko namang tinapik tapik ni Fred ang balikat ko.
"Habang maaga pa par, ayusin no ang relasyon niyo, alamin mo kung bat siya nagkakaganyan, ayusin niyo hindi yung nahihirapan ka ng ganyan." Nagmulat ako ng mata saka ngumiti kay Fred.
Nagbuntong hininga na lamang ako. Buong maghapon ay wala ako sa mood magtrabaho. Si Alissa ang tumatakbo sa isip ko. Habang nagdedeliver nga ako ay muntik na akong makasagasa ng aso buti nalang at walang nangyaring masama.
Naisip kong magundertime ngayon para puntahan si Alissa. Gusto kong mag date kami, sosorpresahin ko siya. Tama si Fred na kelangan namin maayos kung ano man ang mali sa relasyon namin.
Kumatok ako sa opisina ni Charles. Magpapaalam kasi ako sakanya.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong may katext siya sa cellphone at mukhang may kalandian na naman ang gago.Pagkakita niya sakin ay agad niyang binaba ang cellphone.
"Yes Kassandra?" Nakangiting niyang sabi.
"Ah Charles magpapaalam sana ako mag undertime."
Napakunot noo naman siya sa sinabi ko
"Why? Masama ba ang pakiramdam mo?" Umiling naman ako sa sinabi niya
"Lately kasi napapansin kong distracted ka. May problema ba Kassandra? Tell me" nagaalalang sabi niya. Ngumiti naman ako.
Umupo na muna ako saka nagbuntong hininga. Mukhang mannerism ko na ata to ngayon.
"Kasi Charles may napapansin lang akong pagbabago sa girlfriend ko. Kaya gusto kong alamin at ayusin ang relasyon namin." Malungkot kong sabi.
"Ganun ba. Bakit Kassandra nawawalan kana ba ng tiwala sa girlfriend mo?"
"Hindi naman. Pero kasi mahirap na hindi ko alam kong nakagawa ako ng mali para magbago siya ng ganun sakin" napabuntong hininga na naman ako.
"Okay sige na. Ayusin mo ang dapat ayusin. Magiingat ka Kassandra sa pag momotor lalo pa distracted ka"
Nagpaalam na ulit ako at dumiretso na sa company na pinagtatrabahuhan ni Alissa.
Bumili ako ng bulaklak at chocolate sa nadaanan kong store para ibigay sa kanya. Mga tatlumpong minuto pa akong naghintay bago naguwian sina Alissa.
Ng makita siya ay lumapad ang ngiti ko. Ngunit taliwas naman iyon sakanya. Tinago ko na lamang ang lungkot ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.
"Sinosurprise ka babe. Namiss kita eh. Gusto kitang maka date ngayon"
Hinila niya na ako at dali dali kaming sumakay sa motor.
"Saan tayo babe?" Tanong ko
"Sa dati lang. May paguusapan tayo"
"I love you" sambit ko habang binabaybay namin ang daan.
"Love you" wala akong emosyon na naramdaman sa pagkakasabi niya.
Ng makarating kami ay umupo na kami pareho. Tahimik kami. Ewan ko ba. Ramdam na ramdam ko ng may iba.
"Alissa bakit?" Kusang naibulalas ng bibig ko. Kusa na ring tumulo ang luha ko.
"Hindi ako tanga, bobo, stupido para hindi maramdaman ang pagbabago mo. Magpakatotoo ka nga sakin. Gusto kong maayos tayo. Ayoko ng ganto babe. Wag mo naman ako pahirapan." Humahagolgol kong sabi.
Tumingin siya sakin na wala man lang reaksyon. Mas lalo akong nasaktan sa mga nakikita ko. Hinahanap ko sa mga mata niya ang dating Alissa na mahal na mahal ako ngunit hindi ko mahanap yun, ang nakikita ko sa mata niya ay blanko na walang ekspresyon.
"Wala na tayong aayusin pa Kai. Kasi ayoko na"
Para akong nabingi sa narinig ko.
"B-Babe?? Ano bang sinasabi mo. Wag ka namang magbiro ng ganyan" sabi ko na iiling iling pa. Parang ayaw mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Sorry Kai pero may mahal na akong iba." Walang reaksyon niya paring sabi. Samantalang ako iyak na ako ng iyan na parang tanga.
"Ganun ganun nalang ba yun Alissa? Itatapon na natin lahat ng pinagsamahan natin?"
"Oo"
"Bakit may nangyari na ba sainyo? Ano? Sino siya ha lalaki ba siya oh lesbian?" Wala pang nangyayari samin ni Alissa. Maraming beses na muntik na pero pinipigilan ko lang dahil hindi ko pa ramdam na iyon na ang tamang panahon.
"Wala pa. Pero for sure na malapit na. Tyaka wala namang nangyari sa atin eh kaya hindi mo na dapat alamin pa" tumayo na siya at akmang aalis ng pigilan ko siya.
"Alissa naman. Babe please ayusin natin to. Wag naman ganito" pagmamakaawa ko na halos makaluhod na sa sahig.
"Bitawan mo ko ano ba!" Marahas niyang kinuha ang kamay niya sanhi ng pagkawala ng balanse ko at natumba. Mga ilang minuto rin akong nakaupo. Nakatulala at ayaw magsink in sa utak ko ang nangyari. Hindi. Panaginip lamang ito. Masaya pa kami nung pasko. Pero bat ganun. Ang bilis naman niya akong iwan. Ang bilis niya akong makalimutan. Ganun lang ba kadali ang lahat. Saktong pagbuhos ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan. Wala na akong pakialam kung mabasa ako at pinagtitinginan. Wala akong lakas tumayo. Hinayaan ko lang muna ang sarili kong umiyak kasabay ng ulan. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganto.
Akala ko sa ginawa ko ay maayos kami. Akala ko madadala pa sa usapan.
Pero..Wala na.. wala na kami ni Alissa. Ayaw niya na sakin. Pinagpalit niya ako. Sa muli.. pinagpalit na naman ako ng taong mahal ko sa iba.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...