AUTHOR'S SHORT POV
Hi guys! Thank you sa nagbabasa. Kahit konti palang kayo nakaka inspired parin.Sana dumami kayo soon hehe. Kaya habang may nagbabasa icocontinue ko parin ang pagsulat nito. Thank you ulit and enjoy reading:)
-----------////
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Charles. Grabi parang sumakit na naman ang katawan ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko"Ala dos na?" Langya napasarap ang tulog ko sa pagod.
Naligo na ako at inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko, naabutan ko ang mag ama na naglalaro sa sala.
Napatingin si Charles sakin. Abot tenga ang ngiti nito.
"Love pumunta pala dito si mama kanina" sabi nito at lumapit sakin. Hinalikan ako sa pisngi.
"I know gutom ka kaya nagluto ako ng pagkain kanina. Wait at iinitin ko" sabi niya at mabilis itong pumunta sa kusina. Mukhang ganadong ganado ito. Hindi ko nalang pinansin si Charles. Baka kasi ganun yun dahil may nangyari samin. Naisip ko tuloy yung nangyari kanina.
Namula naman ako sa sinabi ko at iniling iling ang ulo ko. Nababaliw na din ata ako."Mommy you okay po?" Tanong ni Lilac na nakatingin pala sakin.
"Ah yes baby ko." Lumapit ako dito at hinaplos haplos sa buhok.
"Mommy you look pretty. Hindi kana po mukhang boy." Nakangiting sabi nito sakin. Nginitian ko din ito.
"You are more pretty baby ko. At girl naman talaga si mommy. Kaya ito nag change si mommy for you baby ko. Bukas puntahan natin yung mga kaklase mo na nagbubully sayo para makita nila ang mommy mo na hindi boy. Kasing pretty na ng baby ko ang mommy niya" sabi ko at hinalikan ito sa noo.
"Realy mommy? Yeeyy.. sige po" tuwamg tuwa nitong sabi.
Niyakap ko naman ang anak ko. Bumalik na ito sa paglalaro at habang naglalaro ay pinagmasdan ko ang anak ko. Hindi nga maikakailang anak nga ito ni Charles. Napakagandang bata ni Lilac. Kamukhang kamukha ng ama. Wala man lang na nakuha sakin.
"Love.. baby.. come here lets eat." Sigaw ni Charles na nasa kusina.
"Come baby.. tawag na tayo ni Daddy. Eat muna tayo" pag yakag ko sa anak ko.
Pumunta naman kami sa kusina at hinain na ni Charles ang pagkain. Asikasong asikaso ako nito. Ako na sana ang maglalagay sa plato ko ng pagkain pero..
"Ako na love" sabi niya sabay kindat sakin.
Tinaasan ko naman ito ng kilay.
Hinayaan ko na siyang lagyan ang plato ko ng pagkain. Pagkatapos ay nilagyan niya ng palaman ang tinapay na para sa kanila ng anak namin.
"Bat di mo ako ginising ng pumunta sina mama dito" sabi ko habang kumakain.
"Ehh kasi love alam kong pagod ka kaya hinayaan nalang muna kitang magpahinga" sabi niya na may tinging nakakaloko.
"Gago" sabi ko na walang sound. Tumawa naman siya.
"Why po napagod si mommy daddy?" Nabilaukan naman ako sa tanong ng anak ko. Kinurot ko naman si Charles. Kung ano ano kasi sinasabi.
"Ah eh kasi baby tinulungan ako ni mommy sa work kaya mejo napagod si mommy"
"Ganun po ba daddy."
"Yes baby. Ituloy mo na ang pagkain mo at mamamasyal tayo" tuwang tuwa naman ang anak namin sa sinabi ni Charles.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...