Dalawang linggo nalang ang nalalabi nila sa pilipinas kung kaya'ganun kalungkot si Charles. Napansin naman iyon ni Kai dahil halatang may nagiba sa kilos ng kaibigan. Napansin niya itong madalas ay nakatulala at malungkot.
"Hoy!"
Gulat na gulat naman si Charles sa panggugulat ng kaibigan niya. Kasalukuyan namang nasa paborito ulit silang lugar.
"Ikaw talaga. Pwede naman na batiin mo nalang ako ng maayos eh" kunwaring nagtatampo niya.
"Eh ayoko nga. Tsaka bat parang may iba ata sayo bespren."
"Anong iba naman yun Kassandra?"
"Napapadalas kasi na parang ang lalim ng iniisip mo. May problema kaba?" Umupo na ito sa tabi ni Charles.
Napabuntong hininga naman ng malalim si Charles saka mahinang sinabi
"Two weeks from now kasi.. aalis na kami"
Naguguluhan namang tumingin sakanya si Kai
"Hah? Bakit? San na kayo pupunta?" Sunod sunod nitong tanong
"Sa America. Maghihiwalay na kasi ang parents ko" sabi ni Charles na nakayuko at di na nga niya napigilan ang umiyak
Nahabag naman si Kai sa kaibigan. Dinamayan niya ito at inilapit niya ang ulo ni Charles sa balikat niya upang doon ito umiyak. Pero yumakap naman si Charles sakanya. Nagulat man at naiilang ay hindi na siya umangal dahil kelangan siya ng kaibigan. Mabuti nalang at nagkataon na walang ibang tao sa plaza.
Niyakap niya si Charles pabalik upang patahanin ito. Maging siya ay nalungkot sa ibinalita ng kaibigan. Magkakahiwalay na pala sila sa susunod na dalawang linggo"Tahan na bespren. Andito lang ako. Iiyak mo lang yan. Magiging ayos din ang lahat"
------
Papalapit na nga ang pagalis ni Charles kaya't sinulit nilang dalawa ang bawat minuto na magkasama sila. Pagkatapos ng klase ay minsan doon si Charles nakikitulog sa bahay ni Kai. Ayos lang naman sa mama ni Kai dahil nasa pagitan naman nilang dalawa ang mama ng kaibigan. Kahit mainit sa bahay at Hindi siya sanay na may ibang tao sa kwarto ay ayos lang kay Charles, makasama niya lang ang kaibigan na minamahal niya.
Nabuo na rin ang pasya niya na aminin na ang nararamdaman niya dito. Ayaw niyang magsisi siya sa huli. Alam niyang impossible din na magustuhan din siya ni Kai pero magbabakasali siya.
Dalawang araw bago ang alis nila ay bumuo na ng plano si Charles upang aminin na ang totoo niyang nararamdaman kay Kai.
Nag set up ito ng picnic sa roof top nila, madalas naman nilang gawin iyon ngunit ginawang especial ni Charles ang paghahanda sa gabing iyon.
"Wow bespren ano to ha parang date naman ang tema nitong set up ngayon ah" natatawang pero namamanghang sabi ni Kai.
Ngiti lang ang isinagot ni Charles at naupo na sila.
"Ang ganda talaga dito sa roof top niyo bespren. Balang araw gusto kong bahay ganto din. Alam mo naman ang bahay namin ngayon yero"
"Oo naman Kassandra. Basta tapusin mo pagaaral mo ha. Lalo pa ngayon wala ng magtututor sayo" sabi ni Charles sabay gulo sa nakasumbrerong buhok ni Kai.
Matapos nga silang kumain ay nahiga sila at parehong nakatingin sa buwan at mga bituin sa langit. Napakaganda ng langit idagdag pa ang preskong hangin.
"Tingnan mo bespren ang ganda ng langit noh." Manghang sabi ni Kai na nakatingin sa kalangitan
"Oo nga eh" pagtugon ni Charles pero sa mukha ni Kai ito nakatingin.
"Pag nasa america kana tingin kalang sa kalangitan ha lalo na pagnamimiss mo ang poging bespren mo" nakangiting sabi ni Kai saka ito tumingin kay Charles na buong gabi ay nakatingin lang sakanya.
Nagkatitigan sila at ewan nga ba ni Kai. Kakaiba ang titig na yun ni Charles. Nakaramdam siya ng pagkailang dito at bigla niyang nilamukos ng kamay niya ang mukha ni Charles para mawala ang ilangan sa pagitan nila.
"Aray naman Kassandra" sabi ni Charles na pilit tinatanggal ang kamay niya.
"Para ka kasing baliw. Ano ba trip mo bespren? Aalis kalang eh nagaganyan kana. Oo na alam kong mamimiss mo ako" sabi niya pagkatanggal ng kamay sa mukha ni Charles. Bumalik ulit ang tingin niya sa langit.
"May sasabihin kasi ako sayo Kassandra"
"Ano yun?" Sabi ni Kai na hindi nakatingin kay Charles. Hindi ito nagsalita kaya tumingin na siya dito pero saktong pag lingon niya ay siyang paglapat ng labi ni Charles sa mga labi niya. Pareho silang nagulat. Ang balak sana ni Charles ay sa pisngi niya lang hahalikan ang babae ngunit di niya akalain na lilingon ito.
Pumikit na lamang si Charles at dahan dahang iginalaw ang labi niya sa pagkakahalik sa kaibigan. Hindi agad agad nakakilos si Kai dahil sa pagkagulat. Ito ang una halik nilang pareho.
Ng bumalik na sa ulirat si Kai ay agad niya itong itinulak. Nagalit ito saka tumayo."Gago ka Charles ano bang ginagawa mo ha?" Galit na tanong nito.
"Mahal kita Kassandra. Matagal na" naiiyak na sabi ni Charles at tumayo na rin ito.
Agad na lumapit si Kai at sinampal ang kaibigan. Pakatapos ay kinwelyuhan niya ito.
"Gago ka! Napakagago mo! Alam mong hindi tayo talo! At higit sa lahat Bakit!!! Bakit ako pa na best friend mo!" Sumisigaw na sabi ni Kai. Naluluha na rin ito. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ngunit sinira na iyon ni Charles dahil sa ginawa nito.
"Anong magagawa ko Kassandra? Mapipigilan ko ba ang puso ko? Hindi ko naman kayang diktahan ang sarili ko na wag kanang mahalin eh. Sinubukan ko namang pigilan dahil alam kong impossible. Pero wala eh. Gusto kong magpakatotoo sayo. Mahal na mahal kita" punong punong pagmamahal na sabi ni Charles.
"Kaya pala. Ni minsan hindi mo ko natawag na bespren dahil hindi naman yan ang tingin mo sakin" sabi niya ng binitawan niya na si Charles. Oo nga't ni minsan ay hindi nga siya tinawag ng ganun ni Charles.
"Mahal kita Kassandra. Ayokong magsisi ako sa huli. Lalo pa aalis na ako. Ayokong umalis ng hindi nasasabi sayo ang totoo na mahal kita" tahimik lamang si Kai at nagiisip ito ng isasagot.
"Mahal kita Kassandra. Sana ako nalang ang mahalin mo please? Sobrang mahal kita." Pagsusumamo ni Charles dito saka nito hinawakan si Kai sa magkabilang balikat.
Marahas namang inalis ni Kai ang kamay ni Charles.
"Tanga kaba? Hindi ko din madidiktahan ang puso ko na mahalin ka. At hinding hindi kita mamahalin Charles. Sinira mo lang ang pagkakaibigan natin. Sinayang mo ang lahat. Napakagago mo para ako pa ang mahalin mo. Mabuti na nga't aalis ka. Isama mo narin yang pagmamahal mong yan dahil hinding hindi ko yan masusuklian" galit na sabi ni Kai saka ito tumakbo paalis.
"Kassandra sandali" pagpigil niya sana dito ngunit hindi niya na ito naabutan pa.
Naiwan naman siya na sobrang bigat ng puso. Iyak siya ng iyak ng gabing iyon.
Ng dahil sa pagpapakatotoo niya ay nawala ang kaisa isa niyang kaibigan.Isang araw nalang ang natitira ay hindi niya na nakita pang muli si Kai. Iwas na ito sakanya. Kahit sa bahay nila ay laging sinasabi ng mama nito na wala siya. Sobrang nalungkot si Charles at gabi gabi itong umiiyak. Ayaw niyang magsisi ng hindi siya umaamin pero parang ngayon ay nagsisi na siya dahil sa nangyari.
Hanggang sa makaalis na nga sila ay hindi niya na ulit nakita pa ang babaeng mahal na mahal niya. Nagiwan nalang siya ng isang mahabang sulat para kay Kai na iniwan niya sa mama nito. Umalis ng malungkot si Charles.
Kahit ilang buwan na ang lumipas ay naging malungkutin siya hanggang sa marealize niya na kelangan niya na ngang kalimutan ang kahibangan sa pagmamahal sa isang babaeng impossible mapa sakanya dahil itoy pusong lalaki at eba ang hinahanap.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...