(Author 's POV)
Bago magsimula ang programa ay saktong nakarating na si Charles kaya agad siyang inasikaso ng isang HR assistant. Naupo naman ang lalaki sa katabi ng mga manager ng restaurant nila.
"Welcome back Sir Charles" malanding tugon ng katabi nitong si Lyra na isang area cashiering supervisor.
Nginitian at kinindatan lang ito ni Charles na lalo namang nagpakilig sa babae.
Nakatungo lang si Charles sa harap upang pagmasdan ang mga manlalahok dahil isa sya sa pipili kung sino ang mananalo.
Nang magsalita na ang emcee na si Edna sa susunod na magpapakita ng talento ay parang tumigil ang mundo ni Charles ng makita niya ang babaeng matagal niya ng hindi nakikita.
"Kassandra.." bulong nito sa sarili. Bigla namang nabuhay muli ang pagtibok ng mabilis ang kanyang puso.
Nagulat siya sa itsura nito. Babaeng babae ito pero ang gupit ay nakapang syete. Sumayaw na ito na animoy pinipilt lang palambutin ang katawan. Tuwang tuwa ang mga tao sa paligid sa pinakita nila dahil sila lamang ang nakaisip ng ganung tema. Hindi na maalis ang tingin niya sa babaeng kilos lalaki na iyon
Oo.. si Kassandra, ang kanyang kababata na una niyang pag ibig. Magmula ng makilala niya ito noong walong taong gulang siya ay hindi na ito maalis sa isip nya. Hindi niya akalain na magpahanggang ngayon pala ay may nararamdaman parin siya sa babaeng iyon.
Lahat ng kilos ng babae ay pinagmamasdan lamang ni Charles, hanggang sa nakita niyang lumapit ito sa isang lalaki ng may binulong ito. Kumunot naman ang noo niya dahil pagkakaalam niya ay tomboy ito inakala niya na nagbagong buhay na ito at naging straight na ulit.
Bata palang sila kasi sila ay alam niya ang pagkatao ng babaeng yun pero pusong lalaki naman.
Nang ihayag na nga ang pagkakapanalo ng grupo ni Kai ay hindi naman mapigilan ni Charles ang sarili na hindi titigan at hawakan ang kamay nito.
Ewan niya ba dahil base sa ekspresyon ng mukha ng babae ay mukhang hindi siya nito natatandaan. Sabagay ay malaki na nga ang ipinagbago niya matapos ang pagalis nila sa Pilipinas sampung taon na ang nakakalipas. Ngunit napatunayan ni Charles na ang hindi lang nagbabago sakanya ay ang nararamdaman niya sa kanyang kababata.Samantala...
Tuwang tuwa naman lahat ng empleyado ng kompanya ni Charles dahil sa mga premyo at mga malaking bonus at mga gamit galing abroad na natanggap mula sa kanya. Di mapagsidlan ang mga ngiti ng mga tao kaya naging maingay ang selebrasyon Nang matapos nga ang lahat kumain at matanggap ang kanilang mga regalo ay tila naging disco naman ang pinag ganapan ng kanilang party. Nagsi sayawan ang lahat at nagkaron ng malakas na musika at may mga nakahain na beer at kung ano ano pang inumin na siyang lalong nagpabuhay sa lahat.
Pinagmamasdan padin ni Charles sa malayo si Kai habang iniinum niya ang beer. Lumapit naman sakanya si Lyra at inaaya siyang sumayaw. Ngumiti lang siya dito
"I'm fine honey. Just enjoy your self tonight" muli niya itong kinindatan. Tila naman may mahika si Charles na nagpatiklop sa babae at buong ngiti na itong umalis.
Nakita niya naman na lumabas si Kai kaya sinundan niya agad ito.
Naabutan niya naman itong may kausap sa cellphone at mukhang masayang masaya ito sa kausap niya."Ay butiki" gulat na sambit ni Kai ng mapansin niyang may nakatayong bulto sa may gilid niya. Halos mabitawan niya pa nga ang cellphone niya sa gulat. Akala niya kasi ay siya lang ang mag isa sa parking area dahil lahat ay nasa loob at nagkakasayahan.
"Sino ka ha" maangas na tanong niya dito. Hindi niya pa kasi maaninag kung sino ang walang hiya na nanggulat sa kanya dahil nasa madilim ito.
Naglakad naman ito papalapit sa kanya at nakita niya ang nakangiting si Charles.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomansaPossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...