Chapter 30

600 10 0
                                    

Author's POV



Nakauwi na ng Pilipinas sina Charles at Kassandra. Sobrang saya nila dahil baon nila ang magagandang alala sa lugar na pinuntahan nila.

"Love ano pa kayang kulang sa mga pinamili natin?" Tanong ni Charles habang nag titingin tingin sa mga grocery.

"Tingin ko yung mga seasonings. Paubos na kasi yung supply natin." Sabi niya. Tumango naman si Charles at pinaandar na ang cart sakay ang kanilang anak.

Palabas na sana sila ng mag request ang anak nila.

"Mommy, daddy gusto ko po ng ice cream at chocolates. Please??" Sabi ni Lilac.

Napabuntong hininga naman ang dalawa.

"Baby ko next time po kapag may gusto ka ipabili sabihin mo agad okay po? Para hindi na tayo ulit bumalik sa mall" sabi ni Kassandra.

"Sorry po mommy" sabi ni Lilac at yumuko.

"Oh sige na. Charles samahan mo na muna ang anak mo na bumili. Ako na bahala dito maglagay sa kotse" sabi niya

"Are you sure love na kaya mo na?" Nag aalalang sabi ni Charles.

"Oo naman. Sige na baka maabutan pa tayo ng ulan" tumango naman si Charles at inakay na ang anak na muling bumalik sa mall.

Isa isa ng nilagay sa likod ng kotse ang pinamili nila.

"Kai" napatigil bigla si Kassandra ng marinig ang boses na yun animoy tumigil ang mundo niya. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit matagal niya ng hindi naririnig ang boses na iyon pero hindi siya maaring magkamali. Unti unti siyang lumingon sa likod niya at tama nga siya.

"Alissa?"

Niyakap siya nito. Sobrang higpit. Narinig niya rin itong umiiyak. Hindi niya alam ang irereact sa nangyayari. Paanong ang babaeng sinaktan siya noon ay nandito at niyakap siya.

"Miss na miss kita Kai" sabi nito at inalis ang yakap. Naguguluhan siya.
Inalis niya ang kamay ng babae.

"Teka.. Alissa pasensya kana pero.."

"Kai mahal na mahal kita. Hindi nawala pagmamahal ko sayo" nagsusumamong sabi ng babae.

"Hindi.. hindi na pwede. May pamilya na ako ngayon Alissa. Kasal na ako. May asawa't anak na ako." Sabi ni Kassandra.

Pagkasabi niya ay biglang nag iba ang aura ni Alissa. Galit, pagkamuhi.

"Hayop na lalaking yun. Tama nga lahat ng hinala ko" sabi ni Alissa sa nangagalaiting tono.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.

Magsasalita pa sana si Alissa ng matanaw niya sa malayo si Charles.

"Kung gusto mo malaman pumunta ka sa lugar nato" sabi nito sabay abot ng maliit na papel na may nakasulat na address.

"Diyan ko sasabihin lahat ng kagaguhang ginawa ng asawa mo" sabi ni Alissa. Tumalikod na ito at dali daling umalis. Tatawagin pa sana niya ito ngunit narinig niya na si Charles at Lilac.

"Love sino yun?" Takang tanong ni Charles habang nakatingin sa babaeng tumakbo paalis.

"Ah ano.. nagtanong lang ng daan. Oh nakabili pala kayo?" Pagiiba niya ng usapan.

"Well yeah. Ang dami ngang pinabili ng anak natin eh."

"Nako baby dapat tama lang ha. Sasakit niyan ngipin mo."

"Opo mommy"

Habang binabaybay na nila ang daan ay hindi maalis sa isip ni Kassandra si Alissa. Halo halong emosyon. Maging ang huling sinabi nito ay nagiwan ng katanungan sa isip niya.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now