-Author-
Road to 3k reads na:) Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta sa story na ito at salamat din sa nag follow, nag votes, and nag add sa library nila. Hindi niyo alam kung gano niyo ko napasaya at mas nainspired akong ipagpatuloy to. Just a short flashback, last year March 20, 2022 ko sinimulan tong isulat na story and then wala masyadong reads kaya tinamad na ako ipagpatuloy. But this May 2023, naisip ko ulit bumalik sa wattpad and something in me that says na magsulat parin kahit na wala masyadong reads. And yeah ginawa ko nalang is libangan nalang ito whenever I write this. But something came unexpectedly that you guys appreciated my story. Marami na ang nag aadd sa library nila and it lighten my inner self to continue writing. Mas nag uupdate na ako agad unlike before na nagsusulat lang ako rito kapag bored or frustrated ako sa buhay.You guys don't know how much it means to me.
Thank you guys sa suporta at gagawin ko pa ang best ko para mas mapaganda ang story ni Charles at Kassandra.
Enjoy reading guys, mahal ko kayo♡️
-xTinayy-
Author's POV
-------------
"What's up?" Sabi ni Charles sa kabilang linya. Tinawagan niya ang agency dahil dalawang araw na ang nakalipas wala pa ring balita kung saan ang asawa niya sa Quezon.
"Sir wala pa pong eksaktong address kaya hindi pa po ako nag fefeedback sayo, pero base po sa agent ko namataan siya sa Candelaria" sagot naman ng nasa kabilang linya.
"What The hell? Hanggang ngayon yan lang ang source na nakukuha niyo?" Napahilot naman si Charles sa sentido dahil sumasakit ang ulo niya dahil bukod sa stress na nga siya at sleepless dahil sa kakaisip sa asawa ay dumagdag pa ang mga kinuha niyang agency na akala niya ay magagaling.
"Pasensya na Sir, ginawa naman po namin ang lahat pero.." hindi niya na pinatapos ang nagsasalita sa kabilang linya.
"That's enough. Kalahati lang ang idadagdag ko sa bayad ko. Hanggang diyan nalang ang serbisyo niyo" sabi niya at pinatay agad ang tawag.
Napasandal siya sa upuan niya at linuwagan ang necktie na suot dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Ininom niya ang beer habang iniisip ang asawa. Habang tumatagal na hindi niya nakikita ang asawa ay unti unti na rin siyang namamatay lalo pa at kasama nito ang kabit nitong babae.
Napahilamos siya sa mukha ng maalala ang sinabi sa kanya ng asawa na may nangyayari sa kanila ng babaeng yun. Ilang beses siya nag mura sa isip niya at parang naninikip ang dibdib dahil hindi niya kayang tanggapin na may ibang umaangkin sa katawan ng asawa niya. Sa kanya lang ang asawa niya, sa kanya lang!
Inubos niya ang beer at napagdesisyunang umalis. Dahil hindi niya na kaya pang maghintay ng oras. Sapat ng alam niya kung saang lugar naroroon ang asawa at siya na lamang bahala kung papaano niya hahanapin.
Inihabilin niyang muli sa assistant niya ang lahat habang wala siya at dali daling umalis sa resto.Habang binabaybay niya na ang daan ay hawak hawak niya ang kwintas na bigay niya sa asawa. Sobrang lungkot niya ng hinubad na ng asawa ang kwintas na simbolo ng pagmamahal niya.
"We'll see each other again love. I'll make you mine again" bulong niya sa sarili.
------------
Masayang masaya naman si Ash habang papasok sa resto. Naisipan niyang dalawin si Charles dahil kaibigan niya na ito at gusto niyang kamustahin ang lagay niya.
Nang makapasok na ay binati siya ng mga empleyado. Lumapit siya sa counter at tinanong ang isa sa mga crew.
"Hi! San ba dito ang office ni Charles?" Ngumiti naman ang crew at itinuro siya sa daan.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...