Chapter 41

627 21 9
                                    

Author's POV

Unti unting minulat ni Charles ang mata niya. Malabo ang tingin niya sa paligid kung kaya ilang pikit ang ginawa niya upang luminaw ang paningin niya. Bumalik lahat ng alaala sa isip niya at nawala ang pagtataka kung bakit siya nasa hospital dahil naalala niyang naaksidente pala siya. Ang una niyang hinanap ay ang pinakamamahal niyang asawa. Iniwan na kaya siya ni Kassandra?

Tumingin siya sa gilid at nakita ang pigura ng isang babae na nakayuko sa gilid ng higaan niya. Ang asawa niya. Biglang bumuhos ang luha sa mga mata niya. Nawala ang bigat ng nararamdaman at pangamba niya ng makita ang asawa sa tabi niya.

Hinaplos niya ang buhok ng asawa. Sobrang namiss niya ito at ang gaan ng pakiramdam niya dahil muli niyang nahawakan ang asawa.

Maya maya ay inangat na ni Kassandra ang ulo marahil ay gising na ito. Napadako ang tingin sa kanya at mas lalong bumuhos ang luha niya. Gustong gusto niya na itong sungaban ng yakap ngunit hirap pa siyang kumilos. Nakita niyang umiyak din ang asawa niya at agad na lumapit at hinawakan ang kanyang mukha.

"Charles.. salamat naman at gumising kana. Ano may nararamdaman ka bang masakit sayo ha?" Alalang sabi ni Kassandra.

Hinawakan ni Charles ng mahigpit ang kamay ng asawa. Iniisip niyang kung panaginip lang ang lahat ay ayaw niya ng magising. Pumikit siya at tulo ng tulo ang luha.

"Kung.. kung panaginip lang to.. ayoko na gumising pa" sabi niya at minulat ang mata.

Nalungkot si Kassandra sa sinabi ng asawa. Alam niyang malaking trauma kay Charles ang nangyaring pag iwan niya rito kung kaya nasabi niya iyon.

"Charles hindi ito panaginip. Totoong nandito ako at hinding hindi na kita iiwan" sabi ni Kassandra at nilapit ang mukha sa asawa.

Hinalikan niya sa labi si Charles upang iparamdam rito ang sinseredad niya.
Nagulat si Charles dahil totoo nga talagang hindi siya nananaginip. Sobrang saya niya dahil sa wakas.. narinig niya sa asawa ang matagal niyang gusto marinig noong panahong iniwan siya nito.

Napakatamis ng halikan nila. Punong puno ng pagmamahal. Inangat ni Charles ang kamay at hinawakan sa ulo ang asawa upang mas dumiin pa ang halik. Nang maghiwalay na ang labi nila ay idinikit ni Kassandra ang noo sa noo ni Charles.

"Patawarin mo ko Charles sa lahat ng pagpapakahirap ko sayo. Sa pag iwan ko sainyo ni Lilac. Patawad dahil naging matigas ako at hindi kita pinatawad agad." Iyak ni Kassandra.

"Hush now Love.. ako ang dapat humingi ng tawad sayo sa lahat. Naging makasarili ako dahil ayaw kitang makita na hawak ng iba. Sobrang mahal na mahal kita Love. Alam mo yan. Baliw na baliw ako sayo kaya ako nakagawa ng kasalanan."

Inilayo na ni Kassandra ang noo at hinawakan sa kamay si Charles.

"Pinapatawad na kita Charles. Kalimutan na natin lahat ng nangyari. Magsimula tayo ulit. Pangako hinding hindi ko na kayo iiwan"

"I'm so happy Love.. you still choose me. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya marinig lahat ng yan sayo. Siguro kung hindi ako naaksidente, hinding hindi ko yan maririnig sayo. Kaya nagpapasalamat akong nangyari to sakin. Lahat ng paghihirap ko ay nagbunga rin. At ngayon ay totoo na ang lahat."

"Baliw ka Charles. Hindi okay na naaksidente ka ano kaba. Akala ko iiwan mo na kami. Nakakainis ka"

Napangiti si Charles. Sobrang saya ng puso niya ngayon dahil narinig niya ang mga iyon sa asawa. Siya ang pinili nito at magsasama na sila habang buhay.

"Mahal na mahal kita Love. Thank you for staying with me. Huwag mo na ako ulit iiwan ha. Please?" Sabi ni Charles sa nagmamakaawang mata.

Hinawakan ni Kassandra ang kamay ng asawa at muli niyang hinalikan sa labi si Charles.

"Hinding hindi na kita iiwan Charles. Magsasama na tayong pamilya. Magsisimula tayo ulit at kakalimutan lahat ng masasamang bangungot." Sabi ni Kassandra at ngumiti.

"Mahal na mahal kita Charles sobra"

Nanlaki ang mata ni Charles at animoy tumigil bigla ang mundo niya pati na ang tibok ng puso niya.

"What... what did you say Love?" Utal utal niyang sabi.

Ngumiti si Kassandra at linapit ang mukha kay Charles.

"Mahal" sabi niya at hinalikan sa labi si Charles

"Na mahal" muling halik.

"Kita asawa ko" huling halik sa labi. Matagal ang huling halik na iyon.

Tumulo na naman ang luha ni Charles at parang batang humahagulhol. Hindi na iyon iyak nang dahil sa lungkot, kundi dahil sa tuwa.

"Love... sobrang saya ko. Maraming salamat. Ang tagal kong pinagdasal sa Diyos na sabihin mo yan sakin. At sinabi mo na nga na mahal mo rin ako. Sulit lahat ng paghihirap at paghihintay ko. Mabuti na lang at hindi ako sumama sa liwanag sa panaginip ko dahil heto.. gusto ko pang makasama kayo ng matagal. Mahal na mahal kita Love." Sabi ni Charles sa gitna ng iyak niya.

Punong puno ng pagmamahalan ang mata nila. Parehong tinitibok ang puso ng bawat isa. Ang gaan gaan ng pakiramdam ni Charles. Dahil mahal na mahal na siya ng babaeng inakala niyang impossible siyang mamahalin.

Mas lalong napangiti si Charles na nakitang suot suot na ni Kassandra ang kwintas at wedding ring nila. Napansin naman iyon ni Kassandra at maging siya ay napangiti.

"Sinuot ko na ulit.. dahil mahal na mahal ko ang nagbigay nito. Papahalagahan ko na ito ngayon.. asawa ko"

Ang laki ng ngiti ni Charles. Asawa ko. Nang tinawag siyang ganon ni Kassandra ay parang napakagandang musika sa pandinig niya.

"Love.. pwede bang ulitin mo ulit ang tawag mo sakin? Please?"

Ngumiti si Kassandra at sinenyasan si Charles na hihiga rin siya sa tabi nito. Nang makahiga na ay kapwa magkaharap na sila. Nang nahirapan si Charles na humarap ay tinulungan siya ni Kassandra.

"Ang sabi ko kanina... mahal na mahal na mahal kita Charles Iñigo Valencio, asawa ko"

Napaiyak muli si Charles. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at hinalikan.

"Mahal na mahal na mahal din kita Kassandra Araneta Valencio, Love.. asawa ko" sabi ni Charles. Kapwa nagiiyakan sa saya.

"Asawa ko.. may ibabalita ako sayo" malambing na sabi ni Kassandra.

"Hmm.. ano yun Love?" Sabi ni Charles habang inilalagay sa likod ng tenga ang buhok ng asawa.

Kinuha ni Kassandra ang kamay ni Charles at ipinatong sa tyan niya. Nung una ay hindi maintindihan ni Charles hanggang sa..

"Buntis ka Love??" Gulat na gulat na sabi ni Charles. Tumango tango naman si Kassandra.

"Dalawang buwan na asawa ko . Nalaman ko lang nung unang araw mo rito aa hospital. Nahimatay ako at dinugo dahil sa stress sabi ng doktor kaya ayun.. buntis pala ako"

"Mabuti naman Love at ayos lang kayo ni baby." Alalang sabi ni Charles habang hinahaplos ang tyan ng asawa.

"Oo nga eh.. hinihintay ka kasi namin ni baby asawa ko. Kaya hindi niya tayo iniwan." Ngumiti sila sa isat isa.

Muli silang naghalikan ng napakatamis. Sa wakas ay kapwa naging payapa ang puso ng isat isa. Tila ba lahat ng hirap na pinagdaanan nila ay nawala na parang bula. Napalitan ng pagmamahal at punong puno ng saya.






























-Author-

Isa ulit na update para sa mga solid readers ko! Walang hanggan akong magpapasalamat sa inyo guys! Sana ay nagustuhan niyo itong chapter!

Till next update.

Vote and follow ❤️

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now