Chapter 16

817 14 0
                                    

(3 years had passed)




"Mommyyyy" napatingin naman ako sa anak ko.

"Baby ko" sabi ko at saka tinadtad ng halik sa pisngi ang anak ko.

"Where's daddy po mommy?" Sabi ng anak ko habang tumitingin sa likod ko.

"Naku Baby Lilac ko, may inasikaso si daddy kaya hindi muna siya nakasama sa pagsundo sayo okay?"

"Ay sayang naman po mommy. Gusto ko pa naman sabay ko po sainyo ipakita yung stars na bigay ni Teacher Eva" malungkot na sabi ng anak ko.

Kinurot ko ito sa pisngi at saka hinalikan.

"Pwede mo naman ipakita kay daddy mo yang stars anak. Panigurado tuwang tuwa na naman yun kasi napakatalino talaga ng anak namin" ngumiti na ito pero bigla din nawala ng mapatingin siya sa gawi ng mga kaklase niyang lalaki na nakatingin din samin. Nagbubulungan ang mga batang yun at saka humahagikgik.

Tiningnan ko ang anak ko at parang naiiyak siya na nahihiya.

"Baby Lilac ko.. ano pong problema?" Ng iangat ko ang mata niya ay naluluha na ito.

"Kasi po mommy sabi po ng mga kaklase ko hindi kana man daw po totoong girl. Tomboy ka daw po." Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Hindi ko alam na magiging sanhi pala ako para ibully ang anak ko.

"Don't cry na baby ko. Huwag ka makikinig sa kanila okay? Kasi alam mo naman na hindi yun totoo." Tumango naman ang anak ko.

"Go na baby pasok kana sa kotse. Kakausapin ko lang si Teacher Eva." Sumunod naman ang anak ko.

"Teacher Eva" pagtawag ko sa teacher

"Oh hello po Mrs. Valencio." Ngumiti naman ako sa Teacher na nasa harap ko.

"Gusto ko po sana kamustahin ang anak ko sa klase niyo."

"Ah si Lilac.. nako napakabait pong bata, napakamasunurin pa. Nakakatuwa nga po kasi siya lang po talaga ang pinaka unang nakapasok dito na 3yrs old palang. Napaka advance po kasi ng IQ ng anak niyo. At sa klase naman, tahimik na bata si Lilac pero kapag tinanong mo lahat nasasagot niya."

"Nako buti naman po. Eh sa mga kaklase niya po ba? Kamusta po ang pakikitungo sa kanya?"

"Sa klase.. hmm mejo okay naman po Mrs. Valencio. Pero kasi syempre away bata minsan naabutan ko may ibang kaklase na tinutukso si Lilac. Pero huwag po kayo mag alala. Pinagsabihan ko na ang mga bata, sa ngayon po hindi na ako nakakapansin na tinutukso pa siya" ngumiti naman ako tsaka nagpaalam na umalis.

Habang nasa byahe kami ay hinahaplos ko ang buhok ng anak ko. Napakabilis ng panahon. Dating karga karga ko lang, ngayon heto tatlong taon na si Lilac.

Patawad anak.. napakaraming kasalanan ng nanay mo sayo. Una, ayaw kitang mabuhay sa mundong ito, pangalawa ay dahil sa akin nabully ka. Hindi ko hahayaan na kantyawan pa nila ang anak ko.

------------

Pagkadating sa bahay, wala pa si Charles. Nagtext siya sakin na aasikasuhin niya muna ang resto dahil peak season ngayon.

Binuhat ko na ang anak ko papasok ng bahay. Kaming dalawa lang ng anak ko, gusto sana ni Charles na kumuha ng kasambahay at driver pero ayoko. Si mama at tophe pumupunta dito pero ngayon hindi sila nakapunta dahil may inasikaso sa skwelahan si mama graduating na kasi yung tukmol kong kapatid.

Pakatapos kong ihiga ng maayos ang anak ko. Pumunta ako sa banyo at tiningnan ang sarili ko. Nasa balikat na ang haba ng buhok ko pagka lugay ko nito. Palagi ko kasing tinatago ang buhok ko sa sumbrero at tinatali. Ang damit ko ay ganun pa din. Panglalaki pa din pati ang kilos. Nasa harap ko ang Kai na tomboy. Hinawakan ko ang mukha ko sa salamin.. mula ngayon babaguhin na kita Kai. Hindi pwedeng dahil sayo, umiiyak at nalulungkot ang anak mo.

---------

Kinaumagahan..

Maaga ako nagising kahit walang pasok ang anak ko. Tiningnan ko sa kabilang kwarto si Charles at tulog na tulog pa ito. Hinayaan ko nalang. Naghanda na muna ako ng almusal para sa mag ama. Pakatapos kong maayos lahat ay umalis na ako.

Pagkapasok ko sa mall ay hinanap ko kung saan ang women section. Buti nalang at binigay sakin ni Charles ang atm niya mula ng ikasal kami. Hindi na din kasi ako nagtatrabaho. Tinutulungan ko nalang siya sa resto at hindi naman ako humihingi ng bayad kaya itong atm eto ang kinukuhanan ko ng pang araw araw na gastos namin.

"Hello po.. ano pong hanap natin?" Ngiti sakin ng saleslady. Buti nalang at maaga din tong mall bumukas.

"Ahh miss bibili lang ako ng mga damit na sakto sa size ko." Sabi ko.

Ginaya niya naman ako sa mga panglalaki.

"Ahh hindi miss. Mga pambabaeng damit hanap ko."

"Ayy sorry po. Kala ko po kasi ito po mga type niyo. This way po"

Habang tinitingnan ang mga damit ay gusto ko masuka. Lahat ng to ay ni minsan hindi ko naisuot.

Namili na ako ng mga pambabaeng tshirt na pambahay, mga dress na casual na pwedeng pang labas.

Matapos kong mabayaran dali dali na akong umuwi.

Pagkauwi ko ay tulog parin ang mag ama kaya inayos ko na ang mga damit ko. Inalis ko na ang mga damit ko at bibigay ko nalang sa kapatid ko. Nilagay ko na rin sa washing machine ang mga pinamili ko. Ng ma dryer ko na at may tuyong tuyo na akong damit ay yun na ang sinuot ko.

"Fred, gusto mo bilhin motor ko? Papa three gives ko sayo" text ko kay Fred. Bihira ko na din kasi magamit ang motor na yun dahil madalas kotse na ang gamit ko pang sundo sa anak ko.

Napahinga ako ng malalim.. napakadaming alaala ng motor na yun. Sumagi sa isip ko si Alissa. Wala na akong naging balita sa kanya. Pilit ko na rin siyang kinalimutan sa loob ng tatlong taon. Binaling ko na sa mag ama ko ang atensyon ko. Pero hindi ko pa masabi kung talagang mahal ko na ba talaga si Charles. Kahit sa araw araw lagi niyang pinapakita at pinapatunayan na karapa tdapat siya sa pagmamahal ko.

Sinuklay suklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Nakasando na akong pink at naka shorts. Magpaka nanay at asawa na ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay saktong paglabas din ni Charles. Nagulat ito pagkakita sakin. Inaasahan ko ng ganyan ang magiging reaksyon niya.

"Oh bat parang nakakita ka ng multo." Sabi ko. Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa.

"Well, you look.. gorgeous." Humahangang sabi nito sakin.

"Baliw" sabi ko at maglalakad na sana ako papuntang kusina ng bigla ako nitong niyakap sa likod.

Inamoy amoy niya ang leeg ko. Nagpabango din kasi ako ng pambabae.

"Shit Kassandra.. don't make me feel this way." Sabi niya at ramdam ko ang pagkalalaki niya sa likod ko.

Sa tatlong taon namin magkasama ni Charles, hindi niya ako pinilit sa mga ayaw ko. Na kahit asawa na niya ako ay hindi siya nanamantala. Nirespeto niya ang privacy ko. At naging mabuting ama siya sa anak namin. Hindi mahirap mahalin si Charles. Lalo na may pinagsamahan naman talaga kami. Pero hindi ko alam.. kung talaga bang mahal ko na siya.

Unti unti nitong pinasok ang kamay niya sa loob ng sando ko.

"Shit.." unti unti ng lumalalim ang paghinga niya. Siguro ay nagulat siya dahil hindi na ako umaangal kagaya ng dati na kapag lalambingin niya ako lagi ko siyang tinataboy.

Tinatak ko na sa isip ko na aayusin ko na ang pamilya ko.

Hinarap ko si Charles at ako na ang humalik sa kanya. Ramdam ko ang pagkagulat niya pero napalitan yun ng pananabik. Binuhat niya ako at pinasok sa kwarto. Hindi napuputol ang halikan namin. Kahit na naihiga na niya ako.

"You never know how happy I was right now." Sabi niya na punong puno ng pagmamahal.

WARNING!!!!!!!!

NEXT CHAPTER HAS A RATED SPG

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now