Chapter 36

548 17 3
                                    

Author's POV

Sobrang lakas ng ulan na animoy walang balak na tumigil. Basang basa na si Charles at lamig na lamig na pero wala siyang pakialam sa paligid dahil manhid na ang pakiramdam niya at ang gusto niya ay makasama na ang asawa. Kung iyon lamang ang tanging paraan para maawa ito sa kanya ay gagawin niya.

Ilang oras na siyang nakaluhod at tulala. Samantala si Kassandra naman ay napatingin sa labas at gulat na gulat ng makitang naroroon pa ang asawa.
Napamura siya sa isipan. Nginig na nginig na ang katawan ni Charles at sobrang putla na. Nakaramdam siya ng konting awa sa asawa. Agad siyang lumapit kay Alissa.

"Alissa nasa labas parin si Charles" sabi niya. Tinigil naman ang babae sa paghuhugas ng pinggan at saglit na sumilip sa labas.

"Oh ginusto niya yan. Hayaan mo siyang mamatay jan" natatawang nakakalokong sabi ni Alissa.

"Alissa naman. Mukhang kanina pa siya doon sa pwesto niya."

"Anong gusto mong palabasin Kai? Na naawa ka sa hayop na yan? Siya sumira satin Kai" Padabog nitong tinigil ang paghugas at hinarap siya.

"Ang sinasabi ko lang eh patigilin na natin siya sa ginagawa niya. Magpatawag na tayo ng baranggay para paalisin siya dahil hindi kaya ng konsensya ko. Oo galit ako sa kanya pero ayoko ng ganito"

"Bakit Kai? Mahal mo na ba ang lalaking yan? Kaya ka nakokonsensya at naawa?"

Napabuntong hininga naman si Kassandra at naihilamos ang palad sa mukha.

"Alissa naman ang hina mo naman umintindi. Ang sinasabi ko ayokong makitang nahihirapan ang gagong yun ng dahil sakin. Kahit nagkaroon siya ng kasalanan, hindi maatim ng konsensya ko na makitang unti unti siyang mamatay. Hindi dahil mahal ko siya kundi dahil ayokong bagabagin ako ng konsensya. Kung tutuusin hindi lang naman siya nagkasala sakin eh. Pati na ikaw! Dahil kung hindi ka nagpadala sa pang aakit niya at mas inisip mong ako ang mahal mo hindi sana-" hindi niya na natapos ang sinasabi ng sinampal siya ni Alissa.

Naiyak naman ang babae at napatakip sa bibig. Nakonsensya ito at hinawakan siya sa kamay.

"I'm... I'm sorry. I'm sorry babe. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. I'm sorry" iyak na sabi ni Alissa at niyakap siya. Para namang natuod si Kassandra at hindi alam ang mararamdaman.

Maya maya pa ay lumayo na si Alissa sa yakap at nagpunas ng luha.

"Sige babe tatawag na ako ng baranggay para paalisin ang hayop na yun. Please huwag kana magalit sa akin. Sorry" sabi niya at hinawakan siya nito sa mukha.

Tumango naman si Kassandra at pilit na ngumiti. Ngumiti naman si Alissa at hinalikan siya sa labi.

Tinawagan nga nito ang baranggay upang ireport si Charles at mapaalis na sa lugar nila.

Gabing gabi na at wala paring tigil ang ulan. Si Charles ay sobrang putla na at malapit ng himatayin. Maya maya pa ay dumating na ang mga tanod at pinapaalis na siya. Pinilit siyang itayo ng mga ito.

"Sir nababaliw na ba kayo? Ulan ng ulan tapos nakaluhod kayo jan at nanggugulo pa kayo."

"Hindi.. hindi ako nanggugulo. Hinihintay ko ang asawa ko" nangangatal na sabi niya at pilit na bumabalik sa pagluhod.

"Sir nakatanggap kami ng report na wala kang asawa dito. At balak mo lang manggulo. Kaya kung ayaw niyong ideretso namin kayo sa pulis, sumama ka nalang." Sabi ng mga ito.

Nagpupumiglas pa si Charles at paulit ulit na bumabalik sa pwesto niya kahit hinang hina na siya.

"Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko. Mabubuo pa kaming pamilya. Parang awa niyo na tulungan niyo ko" sabi niya na animoy wala na sa sarili dala ng gutom, pagod, at sakit.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now