Chapter 25

771 13 0
                                    

-Author-
Dahil inspired ako sainyo ay nag update agad ako♡️

----///


RATED SPG







Kagaya sa England ay namasyal nga kaming pamilya dito sa America kagaya ng plano namin ni Charles. Pupunta kami sa Glacier Canyon National Park,Moab,Lake Tahoe,at marami pang iba. Nakakatuwa nga kahit na parehas busy si Ma at Cheryl ay nakakasama sila sa pamamasyal.

"Ang ganda dito Charles. Parang sa England" sabi ko na namamangha sa tanawin.

"Yes daddy ang gaganda po ng mga rocks" sabi ng anak namin.

Ngumiti naman si Charles at kinurot sa pisngi ang anak niya.

"Mas maganda kayo ni mommy mo jan baby ko" humagikhik naman si Lilac.

"San na pala si Ma at Cheryl?"

"Bumili lang ng pagkain maiinom natin. Tara love dun tayo maupo" sabi ni Charles at pumunta na nga kami dun.

"Pagod kana ba baby ko maglakad?" Tanong ko sa anak namin.

"Hindi po mommy. Hungry na po ako" sabi ni Lilac sabay himas ng tiyan niya.

"May dala na rin si Lola mommy ng foods baby ko okay?" Sabi ni Charles.

Maya maya ay dumating na ang dalawa at may bitbit na inumin at pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad na kami para matunaw naman ang kinain namin. Si Lilac ay humawak sa Lola at Tita niya kaya kaming dalawa ni Charles ay nasa likod. Marami rami ang tao dito sa park at muntik na ako mabangga nung lalaki dahil sa bilis nito maglakad. Buti nalang at nahawakan ni Charles ang balikat ko at inusog niya ako palapit sa kanya.
Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti sakin. Ngumiti naman ako.

Tumigil si Cheryl at mama ni Charles dahil. May nakita pala silang kakilala. Mga babae ito. Tiningnan ko naman ang asawa ko at heto na naman siya. Kunot na kunot ang noo na nakatingin sakin.

"Ano na naman yang tingin Charles?"

"You're looking to them" sabi niya sa seryosong boses

"Malamang eh may mata ako" pagkasabi ko nun ay inalis niya ang kamay sa bewang ko.

Napabuntong hininga naman ako dahil parang natulala siya sa kawalan na animoy may iniisip na kung ano.

Hinawakan ko ang kamay niya at mabilis na hinalikan siya sa labi.

"Sayo lang ako titingin Charles. Kaya tama na ang pagseselos mo jan." Sabi ko na nakangiti. Siya naman ang napabuntong hininga.

"Sorry love. Siguro natatakot parin ako hanggang ngayon na baka ipagpalit mo ako sa lalaki oh babae. Hindi ko kakayanin kapag nangyari yun" sabi niya. Bigla namang lumungkot ang mata niya.

"Charles hindi yan mangyayari dahil sabi ko nga kayo na ang buhay ko ngayon."

Nagbuntong hininga siya at ngumiti.

"Thank you love. I love you" ngiti lang ang isinagot ko sakanya.

"Hey kuya ate. Lets go" pagtawag samin ni Cheryl. Gumayak na kami para umuwi na.

WARNING!!!! READ AT YOUR OWN RISK! BAWAL ANG KIDDOS!









Gabi na at magpapahinga na naman kaming lahat. Nag iisnow sa labas. First time ko makakita ng snow at  nakakatuwang pagmasdan.

"Baby.. do you like to sleep to your lola mommy 's room?" Rinig kong sabi ni Charles. Nagtaka naman ako.

"Yes po daddy. Gusto ko po siya katabi"

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now