Chapter 22

749 20 0
                                    

Kinabukasan...

"Love ngayon na pala yung dating ng passport niyo ni Lilac. Kunin na natin mamaya" sabi ni Charles habang nagpapahinga kami sa sala. Kakatapos lang namin kumain ng agahan. Si Lilac naman ay nandon kila mama kasi gusto niya pumunta sa lola niya.

"Sige Charles. Ano oras ba?" Sabi ko habang kumakain ng mani at nanonood ng tv.

"11 pm love" sabi niya at humiga siya sa kandungan ko.

Tiningnan ko siya at nakatingin siya sakin na nakangiti.

"Oh bakit?" Sabi ko. Umiling naman siya.

"Naalala ko lang yung ginawa natin kagabi. Gawin ulit natin yun pag naka bakasyon na tayo abroad" sabi niya na hindi na matanggal ang ngiti.

Bigla ko naman naalala yung ginawa namin kagabi. Taena nitong lalaki nato pinaalala pa.

"Baliw. Ayoko nga" sabi ko at umusog ako para maalis niya ang ulo niya sa kandungan ko.

"Aray naman love" sabi niya.

"Bakit love may magagawa kaba hmm??" Sabi niya ng inayos niya ang upo at nilapit ang mukha niya sakin. Iniwas ko naman ang mukha ko.

"Pwede ba Charles lumayo ka nga!" Sabi ko pero kinorner niya ako ng kamay niya.

"Mag asawa na tayo ngayon okay. Kaya huwag kana sakin mahihiya love." Sabi niya sabay halik sa labi ko.

Nilayo ko naman ang labi ko sa labi niya. Baka may gawin na naman  tong lalaki nato.

"Don't worry love. Wala tayong gagawin ngayon dito sa sala. Alam ko kasing napagod ka kagabi. Gusto ko lang lambingin ang asawa ko" sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"I love you so much" sabi niya habang malalim na nakatingin sakin. Ewan ko ba, may kung ano sakin na pakiramdam na hindi ko maintindihan.

Nahiga ulit siya sa kandungan ko at natulog.

Pinagmasdan ko si Charles habang natutulog. Hindi ko lubos akalain na ang kababata ko na naging best friend ko at nakasamaan ko ng loob noon, eh asawa ko na ngayon. Akalain mo yun. Dati muhing muhi ako sakanya sa pag amin niya sakin na gusto niya ako. Dahan dahan kong hinaplos ang mukha niya. Ibang iba na ang itsura ni Charles. Gwapo na siya noong bata kami pero mas gumwapo ito ngayon dahil marunong na siya magayos at alagaan ang sarili niya. Hindi parin siya nagbabago, napakabuti niyang tao lalo na sa pamilya ko. Napabuntong hininga ako dahil naalala ko kung ano kami ni Charles noon at ngayon.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na siyang kinagulat ko. Tinapat niya ito sa may puso niya. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok nito.

"Feel my heartbeat love? Yan ang epekto mo sakin. I can feel that you feel the same way too. Pero maghihintay ako hanggang sa masabi mo na mahal mo na rin ako." Sabi niya habang nakapikit ang mata. Hindi ko alam kung tulog ba siya oh ayaw niya lang imulat ang mata niya.

"I'm so blessed dahil sainyo ng anak natin. Mahal na mahal ko kayo" sabi niya.

Napangiti naman ako. Dahil sainyo Charles kaya ako nagbago. Nagbago ako para sa ikakabuti nang pamilya natin.

--------------------

Kinahapunan ay pumunta na nga kami sa DFA para kunin na ang passport namin ni Lilac. Si Charles kasi may passport na kaya hindi na siya kumuha. Hinintay niya nalang kami sa labas.

"Mommy matagal pa po ba tayo?" Sabi ng anak ko.

"Mejo baby. Why po baby ko?" Sabi ko.

"Gugutom na po ako mommy" sabi ni Lilac. Kawawa naman ang anak ko. Kinuha ko sa bag ko ang biscuit. Binuksan ko at binigay ko sa anak ko. Kinain naman iyon ni Lilac.

Pakatapos namin makuha ay lumabas na kami at pinuntahan si Charles kung san niya kami hinihintay. Malayo palang ay nakita ko na may kausap siyang babae. Nakaupo yun sa katabi niya kahit marami namang bakanteng upuan. Napakunot naman ang noo ko. Sino kaya yung babae na yun. Halata kasing nagpapansin kay Charles. Si Charles naman ay parang ilang na ilang sa babae.

"Manong guard pwede dito muna anak ko? Pakibantayan lang saglit balik din po ako agad" sabi ko sa guard.

"Why po mommy?" Sabi ni Lilac na nagtataka.

"Ah kasi baby ko kita mo may kausap si daddy, may aayusin lang ako. Saglit lang ako okay? Dito ka muna sa tabi ni manong guard. Upo ka muna jan. Mamaya punta na kami ni daddy mo okay?" Sabi ko at tumango naman ang anak ko.

Ng makalapit na ako ay narinig kong sinabi ni Charles na may asawa na siya.

"Sino siya?" Bungad ko kay Charles.

"Ahh love. Nga pala miss siya pala ang asawa ko at nasan si Lilac?" Tanong niya ng makita na hindi ko kasama ang anak namin.

"Iniwan ko lang saglit sa guard kasi baka magtaka na naman ang anak mo na may kausap kang babae" sabi ko habang nakatingin sa mukhang higad na babae.

"Ah miss Pasensya na hindi na kasi ako nakikipagkaibigan eh" baling naman ni Charles at tumayo na ito at lumapit sakin. Hinalikan niya ako sa pisngi.
Tiningnan naman ako ng babae na nakataas ang kilay. Aba lokong babae nato ah.

"So siya pala asawa mo. At may baby na kayo. Sayang naman pogi. Pero heto number ko tawagan mo lang ako kapag ayaw mo na sa losyang mong misis" bulong niya at nilapit pa ang tenga niya at may iniabot na papel kay Charles.

Naginit naman ang ulo ko sa narinig ko. Taena ng babae nato.

"Hoy babae sinong losyang pinagsasabi mo? Baka gusto mo makatikim ng uppercut ha?" Sabi ko habang tinataas ang manggas ng damit ko. Langya pinapalabas niya ang tomboy ko na ugali.

Pinigilan naman ako ni Charles at hinarap ang babaeng malandi.

"Don't you ever say that to my wife miss. Cause my wife is more beautiful than you." Sabi niya sabay punit ng papel. Kinuha niya na ang kamay ko at pumunta na kami kay Lilac.

"Siraulong babae yun. Losyang daw. Siya ang losyang!" Sabi ko habang naglalakad.

Napansin ko namang namumula si Charles. Marahil ay nainis din siya sa babaeng yun.

"Don't mind her love. Walang ibang makakapantay sa ganda mo" sabi niya habang saglit na tumingin sakin at ngumiti. Namula naman ako sa sinabi niya.

Bat kasi ang gwapo ng asawa ko. Kaya ayan lapitin ng chix.

Umuwi na kaming tatlo sa bahay.

Kinagabihan ay sinabihan ako ni Charles na iready na ang mga damit namin at ilagay na sa maleta. Kasi sa susunod na tatlong araw ay alis na namin.

Inayos ko na nga ang mga maleta namin para maging maayos na ang lahat. Matapos kong ayusin ang gamit ni Lilac ay gamit naman namin ni Charles ang sinunod ko.

"Excited na excited na ang anak natin love magtravel" sabi ni Charles pagkapasok niya sa kwarto namin.

"Oo nga eh. Excited na rin yun makita ang lolo at lola niya" sabi ko habang tuloy tuloy ang paglagay ng gamit sa maleta.

"Ako love excited na rin ako sa second honeymoon natin sa America at England" napatingin ako kay Charles at nakangiti itong nakakaloko. Tinapon ko sa mukha niya ang brief niya.

"Baliw!" Sabi ko at inirapan siya. Tawa naman ng tawa ang gago. Lumapit ito at hinalikan ako saglit sa labi.

"I love you" sabi niya at inayos narin ang laptop niya.









@hey guys! Keep supporting me para ganahan ako magsulat. Subaybayan niyo ang kwento ni Charles at Kassandra. Thank you!

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now