Chapter 33

542 17 2
                                    

Author's POV




Matapos ibuhos ni Charles lahat ng emosyon niya sa bahay na yun ay napagdesisyunan niya ng umalis dahil kahit umiyak pa siya ng balde baldeng luha ay hindi na doon babalik ang asawa niya.

Pumasok na siya sa kotse at tiningnan ang cellphone niya at tiningnan kung nasaan ang asawa niya subalit ng tingnan niya ay error na ang lumalabas sa lokasyon. Hinigpitan niya ang hawak sa cellphone at galit itong ibinalibag sa passenger seat. Pinagsusuntok ang manibela at sumigaw. Matapos niyang kalmahin ang sarili ay nagmaneho na siya pauwi. Dumaan muna siya sa mini store at bumili ng isang box ng beer. Pagkabili ay kumuha siya ng isa at iniinom habang nagmamaneho.

Nang makarating siya sa bahay nila ay nakita niyang nakabukas ang mga ilaw. May kung anong tuwa sa puso niya at iniisip na sana ay ang asawa ang tao sa bahay nila. Dali dali niyang binuhat ang beer na binili niya at agad agad binuksan ang pinto. Nagkaroon ng lungkot sa puso niya ng makita niyang wala ang asawa at nakita niya ay nakaupo si Aling Karing at si Lilac na umiiyak.

Napatingin ang dalawa sa kanya. Lumapit siya at ibinaba ang dala niya.

"Daddy" sabi ni Lilac. Lumapit sa kanya at niyakap siya. Nakaramdam naman siya ng awa sa anak ng iyak ito ng iyak. Alam niyang si Lilac ang pinaka naapektuhan sa nangyayari sa kanila.

"Baby, I'm sorry kung hindi kita agad nabalikan. Marami lang inasikaso si daddy" sabi ni Charles na pinapatahan ang anak.

"Miss na miss ko na po kayo ni mommy" sabi ng anak. Nangilid naman ang luha niya. Naiinis siya sa sarili niya, marahil ay kinakarma na siya sa ginawa niya at ang anak nila ang sumasalo sa kasalanan niya.

"I'm so sorry baby.." sabi niya at hinalikan ang anak sa buhok. Samantala ay tahimik naman si Aling Karing na nagmamasid sa mag ama.

Iyak ng iyak ang bata na sumisigoksigok pa. Pinatahan naman ito ni Charles hanggang sa maramdaman niyang nakatulog na ang bata kaya binuhat niya na ito at nagpaalam muna na ipapasok ang anak sa kwarto nito.

Nang masiguradong mahimbing na ang tulog ng anak ay hinalikan niya ito sa noo at bumalik sa sala. Naupo siya at nagbuntong hininga.

"Charles.. nakausap ko kanina si Kai" panimula ng matanda. Napatigil naman si Charles.

"Talaga po ma? Ano po bang sabi niya?" Nagaalalang tanong niya. Napabuntong hininga naman ang matanda bago magsalita.

"Sinabi niya na makikipaghiwalay na siya sayo, huwag ko na raw ibalik dito ang anak niyo dahil kukunin niya si Lilac" malungkot nitong sabi. Pigil naman ang iyak ni Charles at ikinuyom ang kamay.

"Hindi ko sinunod si Kai dahil hirap na hirap na ang anak niyo. Gabi gabi siyang umiiyak at hinahanap kayong dalawa. Sobrang nahihirapan ang anak niyo Charles. Hindi parin sakin sinasabi ni Kai ang dahilan. Ano bang nangyari Charles?"

Hindi niya na napigilan at napaiyak na siya. Wala na siyang pakialam kung makita man ni Aling Karing ang kahinaan niya. Kelangan niya ngayon ng taong makakausap dahil ayaw niyang tuluyang bumigay sa problema.
Lumapit ang matanda at hinagod ang likuran niya.

"Okay lang na sabihin mo Charles. Gusto ko rin makatulong hanggang sa makakaya ko. Makikinig ako, huwag ka mag alala." Pagpapagaan ng loob niya ni Aling Karing.

"Ma.. ako po may kasalanan ng lahat. Patawarin niyo rin po sana ako. Ako po ang dahilan kung bakit naghiwalay noon si Kassandra at Alissa. Plinano ko po ang lahat para mapa saakin siya. Patawad po kung nagawa ko yun sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Nalaman po lahat ni Kassandra at galit na galit po siya sakin. Siguro po ay karma ko na rin ito. Galit na galit po ako sa sarili ko dahil pati anak namin nadadamay sa kasalanan ko. Patawarin niyo po sana ako kung nagkamali ako noon. Ayoko pong masira ang pamilya namin. Mahal na mahal ko po si Kassandra ma. Patawad po sa lahat" sabi ni Charles at napahagulgol na parang bata. Buong puso naman niyakap ni Aling Karing si Charles.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now