Christmas Day Author's POV
Araw ng kapaskuhan kung saan masayang masaya ang lahat dahil marami ang makakatanggap ng regalo, mga bonus, at mga 13th month pay.
Masayang masaya rin sa bahay ng pamilyang Araneta kung saan kahit simple lang ang mga handa ay puno naman ng kagalakan sa kanilang puso. Walang pasok si Kai sa resto at sarado naman ang karenderya ni Karing kung kayat tulong tulong sila sa paghahanda. Nasa bahay rin nila si Alissa na tumutulong din. Abala ang lahat dahil mag aalas sais na.Biglang may kumatok sa pinto nila.
"Tophe buksan mo nga muna kung sino ang ating bisita""Opo"
Naglakad naman si Tophe uoang pagbuksan kung sino ang kumakatok.
"Oh kuya Charles. Tara pasok"
Si Charles ang bisita at may mga dala itong pagkain at mga regalo.
Sabay na silang pumasok at masaya nilang sinalubong si Charles.
"Iho mabuti naman at nakapunta ka. Sakto at kakatapos lang namin maghanda. Nako nagabala kapa nakakahiya na saiyo" Pagtutukoy ni Aling Karing sa mga dala ni Charles.
"Okay lang po Aling Karing. Pasko naman po eh" sabi niya ng nakangiti.
"Oo nga pala bespren ito nga pala ang girlfriend ko. Si Alissa" sabi ni Kai ng nakaakbay sa kanyang nobya. Ngumiti naman si Charles sabay abot ng kamay kay Alissa. Kanina pang tameme ang itsura ni Alissa dahil sa pagkamangha sa lalaking kaharap niya. Sino ba namang hindi ang tatamaan sa makisig at napaka gwapong lalaki na ito. Hindi niya lang pinahalata dahil nasa bahay siya ng girlfriend. Inabot din ni Alissa ang kamay ni Charles at nagkamayan sila.
Nakakalunod ang titig ng lalaki kung kayat nakaramdam ng kilig si Alissa. Oo alam niyang mali ngunit di niya rin masisi ang sarili. Humahanga lamang siya sa lalaki.
Nagpatuloy na ang pagsalo salo at masaya silang nagdiwang ng kapaskuhan. Si Alissa naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Ayaw niyang magtaksil dahil mahal niya si Kai. Hindi niya akalain na magkakagusto pa pala siya sa lalaki. Lihim na lamang siyang tumititig kay Charles.
Napapansin naman iyon ni Charles na iba ang titig sa kanya ni Alissa. Napapailing na lamang siya sa kanyang isipan dahil maging ang babae ay nadale niya ng karisma.
Hating gabi na ng matapos ang kasiyahan. Nagkaroon ng exchange gift at para bang sinasadya ng tadhana na regalo ni Charles ang makukuha ni Alissa. Kung kayat palihim na napangiti ito.
-----
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...