Kassandra's POV
Pagkatapos ko magpahinga ay bumalik ulit ako sa kwarto ni Charles. Naabutan kong tulog na tulog na si Lilac at buhat buhat ito ni mama.
"Anak uuwi na muna kami. Doon na muna si Lilac sa bahay para mas makapag pahinga ka din dito." sabi ni mama sakin.
"Sige po ma. kayo na po muna bahala kay Lilac."
"Sige anak. Sabi nga pala ng doktor bukas na ang operasyon ni Charles."
Napabuntong hininga ako at nakaramdam ng kaba para sa asawa ko.
"Mama"
"Bakit anak?"
"Buntis po ako. Dalawang buwan na"
Nanglaki ang mata ni mama at tuwang tuwa sa ibinalita ko.
"Talaga anak? Nako.. magkaka apo na ulit ako" sabi niya at niyakap ako.
"Oo nga po ma. Kanina ko lang po nalaman sa doktor. Nahimatay kasi ako kanina at dinugo dahil sa stress"
"Oh eh mabuti anak at okay lang kayo ng anak mo. Sa susunod umiwas kana sa stress" sabi ni mama. Tumango naman ako.
Nagpaalam na nga si mama at hinalikan ko muna si Lilac sa noo bago sila umalis.
Nang ako na lang ang mag isa ay lumapit ako kay Charles at hinawakan ang kamay nito.
"Charles... buntis ako. Magiging dalawa na ang anak natin." umiiyak na sabi ko.
Ngumiti ako at muli na namang tumulo ang luha ko . Masaya ako dahil may muling biyaya ang dumating sa amin at malungkot dahil nakaratay ang asawa ko dito sa hospital .
"Bukas na ang operasyon mo. Magpagaling ka ha. Hihintayin ka namin ni baby at Lilac." hinaplos ko ang mukha ni Charles. Napansin kong may tumulong luha sa mata niya.
Napangiti ako dahil kahit papano alam kong naririnig niya ang sinasabi ko.
"Charles.. patawarin mo ko sa pagpapakahirap ko sayo. Dahil sa galit ko nangyari to sayo. Pinapatawad na kita Charles kaya sana bukas pagkatapos ng operasyon mo.. gumising ka ha"
Hinalikan ko ang kamay ni Charles at nilapit sa mukha ko.
Maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay tumatawag si Alissa. Pagtingin ko ay nakaparami na nitong tawag at text sakin. Pinatay ko na ang cellphone at binalik ang atensyon kay Charles. Nagsisi ako kung bakit pa ako sumama kay Alissa dahil alam kong una palang hindi ko na ito mahal mula ng muli ko itong magpakita. Niloko ko lang ang sarili na mahal ko pa ito dahil sa galit ako kay Charles. Pero napagtanto kong wala na sa puso ko si Alissa.
------
Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala. Sakto pag ka gising ko ay pumasok na ang mga doktor at nurse na magoopera kay Charles. Sinabihan nila ako na magsisimula na sila kaya pinalabas muna nila ako. Bago ako lumabas ay hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Charles at bumulong sa tenga niya na lumaban siya para saming tatlo.
Naisip ko na hindi pa pala ako kumakain. Pumunta na ako sa canteen upang kumain dahil hindi pwede ako magutom lalo pa buntis ako.
Pagpasok ko ay nalanghap ko ang mga luto kaya biglang kumalam ang sikmura ko. Napakarami kong inorder, gutom na gutom ang baby ko.
Pagkatapos ko kumain at magpatunaw ay dumaan ako sa chapel at muli kong pinagdasal si Charles.
Sana talaga maging okay na si Charles. Pinapangako ko na magiging mabuting asawa ako sa kanya at ina sa mga anak ko.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...