"Ano ho ma? Magpapakasal ako kay Charles?" Napasigaw na sabi ko.
Ilang araw mula ng pumunta dito si Charles ay naging tahimik si mama yun pala ay may pasabog na sasabihin.
"Makinig ka kasi, Kai. Unang una gusto mo ipalaglag ang anak mo. Ganyan ba kita pinalaki? Na mamatay ng isang inosenteng bata? At pangalawa huwag mong isipin ang sarili mo lang. Ikaw na nagsabi sakin na kung magkakapamilya ka ay ayaw mong matulad satin ang magiging anak mo na hindi buo." Mangiyak ngiyak na sabi ni mama. Natahimik naman ako.
"Pero ma, hays. Patawad po kung nakapagisip po ako ng ganon. Nadala lang po ako ng galit ko. At pwede naman na hindi na kami magpakasal ni Charles, magsustento nalang siya sa bata. May buhay din po ma si Charles, baka nga may girlfriend pa yun." Pangungumbinsi ko sa mama ko
"Nagusap na kami ni Charles, iyon din ang plano niya. Gusto niyang magpakasal kayo para maging buo ang pamilya niyo. Ayaw rin ni Charles na magaya ang anak niyo sa nangyari sa pamilya niya. Pareho lang kayo anak. Ayaw niyong may bata na mararanasan ang naranasan niyo. Kaya sana pagisipan mo."
"Ma hindi ko po mahal si Charles. Parang niloloko ko lang ang sarili ko niyan" dismayado na ako sa nangyayari. Yun nalang ba talaga ang option ko na magpakasal sa hindi ko naman mahal lalong lalo na hindi kami talo.
"Hindi mo mahal si Charles ngayon. Pero anak, natuturuan ang puso. Mabuting tao si Charles, alam kong mahal na mahal ka niya. Naniniwala ako na hindi nawawala ang pagmamahal ni Charles sayo. At kapag mas nakilala mo siya ng lubusan dun mo husgahan ang puso mo kung mahal mo na ba siya oh hindi. Kasi pwede mo naman anak subukan. Para sa anak mo. Alam kong ayaw mo na matulad sayo ang bata."
Napaisip ako sa sinabi ni mama. Oo ayaw ko na matulad sakin ang anak ko. At possible din na mahalin ko si Charles. Pero sa ngayon kasi napaka impossible ng lahat ng yon.
"Magusap kayo anak. At hindi away ang sulosyon. Matatanda na kayo. Alam niyo na ang tama. Huwag sanang pairalin ang pagiging makasarili natin. Ikaw Kai, magiging nanay kana ngayon. At ang pagiging ina ay kapakanan ng anak ang laging inuuna."
"Sige po ma. Pagiisipan ko po."
Pumasok na ako sa kwarto at napaiyak. Tangina mo kasi Kai. Kasalanan mo din kasi bat buntis ka ngayon. Nahihirapan ako dahil totoo lahat ng sinabi ni mama. Gusto niya lang mapabuti itong bata na nasa sinapupunan ko. Ang sakit sakit na ng ulo ko. Ang hirap magdesisyon.
Lumabas muna ako ng kwarto at napag pasyahan na umalis.
"Anak san ka pupunta?" Nagaalalang tanong ni mama.
"Ma huwag po kayo mag alala. Inalis ko na po sa isip ko ang pagpapalaglag sa anak ko. Gusto ko lang po sana pumunta sa isang lugar kung saan makakapagisip po ako ng tama"
"Oh siya sige. Magiingat ka anak. Ingatan mo ang apo ko ha"
"Opo ma."
Pinaharurot ko na ang motor ko saka ako pumunta sa lugar na alam kong payapa at tahimik.
Pagkarating ko ay inalis ko na ang helmet ko ng may maaninag akong pamilyar na tao.
"Charles?" Bulong ko sa sarili ko.
Aalis na sana ako pero napagisip isip ko na ito narin siguro ang panahon para magkausap kami. Huminga ako ng malalim saka naglakad na papalapit kay Charles.
Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita. Dahan dahan ako naglakad..
"Andito ka rin pala" sabi ko sabay upo, linagyan ko ng distansya ang pagitan namin.
"Yeah.. sobrang gulo na ng mundo. Here, i feel at peace." Mahinahong sabi nito.
Hindi ako umimik. Tahimik lang ako at nag isip isip. Ilang minuto kaming tahimik. Kapwa malalim ang iniisip.
"I'm sorry Kassandra." Sabi ni Charles. Hindi ko siya tiningnan. Nakatitig lang ako sa tanawin sa harap ko. Kahit papano gumaan gaan ang pakiramdam ko sa lugar na ito.
"May kasalanan din ako. Kung hindi ako naglasing ng gabing yun, wala sanang mangyayari satin." Natahimik siya at narinig kong nagbuntong hininga.
"Alam mo ayos na ulit sana ang pagkakaibigan natin. Pero sa pangalawang pagkakataon masisira na naman." Sabi ko at tumingin sakanya. Nakatingin din siya sa mata ko.
"I know. Pero gusto kong ayusin lahat. Gusto kitang panagutan. Para sa anak natin.Kaya sana pumayag ka. "
Matagal bago ako nakasagot. Hindi ko alam pero bahala na. Nagbuntong hininga muna ako..
"Sige. Pumapayag ako magpakasal sayo. Pero hindi ko mapapangako na magiging maayos tayo. Magsasama lang tayo para sa anak natin at sa papel. Hanggang dun lang." Mariing kong sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko gusto ko sanang iiwas pero wala na akong lakas. Heto na.. wala ng atrasan to. Alam kong ito na ang magbabago ng buhay ko. Kelangan ko ng tanggapin na magkaka asawa't anak na ako.
------------------
Mula ng magkausap kami ni Charles ay bumalik ulit ang sigla niya. Balita ko rin na nasulosyunan na niya ang problema niya sa kompanya nila. Simula rin ng malaman ni mama na pumayag na ako, kitang kita ko sa mukha niya na masaya siya para sakin. Busy na nga sila mag asikaso ng para sa kasal namin. Hinayaan ko lang sila. Ako heto, nakatanaw sa labas ng bahay ni Alissa. Wala na sila dito. May nakalagay ng for sale sa labas. Biglang tumulo ang luha ko. Ewan.. ewan ko ba. Ang bigat sa pakiramdam. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Ilang linggo nalang at ikakasal na kami ni Charles. Merong naguudyok sakin na umatras. Pero pinipigilan ko. Dahil ito na ang buhay ko ngayon.
"Paalam. Mahal kita Alissa." Sabi ko tsaka umalis na. Iiwan ko na lahat dahil haharapin ko na itong binigay sakin ng Diyos na buhay. At kahit kelan hindi na ako makakawala pa.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...