Chapter 38

532 14 9
                                    

Pagkatapos na makalabas ng bahay ni Kassandra bitbit ang anak at maleta ay dali dali na siyang nagtungo kung nasaan ang kotse ni Alissa. Piglas ng piglas ang anak niya at iyak ng iyak pero wala na siyang pakialam dahil ang gusto niya lang ay makaalis na sa lugar na iyon.

Nakahinga siya ng maluwag ng makapasok na siya ng kotse. Agad niyang nilock ang pinto dahil baka maabutan pa sila ni Charles.

"Ibalik mo ko kay daddy!" Iyak na sabi ni Lilac

"No baby. Simula ngayon ako na mag aalaga sayo"

"No! Nooo!" Iyak pa ring iyak na sabi ni Lilac.

Naawa siya sa anak pero wala siyang magawa.

Maya maya pa ay nagpaandar na si Alissa ng kotse samantala si Charles naman ay nagtatakbo papunta sa kanila. Nakita ni Kassandra si Charles sa malayo kaya kinabahan siya dahil baka abutan sila nito. Natanaw niyang tumakbo ito at napamura siya dahil hindi niya na alam kung papano pa papaalisin sa buhay niya si Charles oras na mahuli ulit siya nito.

Papalapit ng papalapit si Charles sa kinaroroonan nila hanggang sa nanlaki ang mata niya ng may rumaragasang truck at nabangga si Charles. Kitang kita niya kung pano nito itinilapon si Charles.

"CHARLES!!" Sigaw niya.

Agad niyang tinungo ang nakahandusay na katawan ng asawa. Biglang bumuhos ang luha niya. Sinisisi ang sarili kung bat napunta sa ganung sitwasyon si Charles.

Samantala sumunod sa kanya si Lilac at Alissa.

Iyak ng iyak si Lilac habang yakap ang duguang ama.

Samantala ang driver naman ng truck ay tumakas sa takot na makulong.

"TULONG!!" sigaw ni Kassandra.

Nang makita ni Kassandra si Alissa ay agad niyang pinakiusapan ito na dalhin na si Charles sa hospital.

"Alissa dalhin na natin siya sa hospital!" Taranta niyang sabi sa babae.
Napakunot noo namam si Alissa sa sinabi niya.

"Hayaan mo na yan Kai. Umalis na tayo. Diba ang pinunta lang natin dito eh anak mo?" Inis nitong sabi.

"Alissa naririnig mo ba yang sinasabi mo? Naaksidente si Charles! Mamatay siya kapag hindi pa natin siya naisugod doon!"

"Hindi! Halika na!" Sabi ni Alissa sabay hila sa kamay ni Kassandra.

Marahas naman iyong tinanggal ni Kassandra.

"HINDI AKO SASAMA SAYO ALISSA! KUNG GUSTO MO UMALIS, UMALIS KANA!"

Nagulat naman si Alissa sa ginawa niya.

"Mas.. mas pipiliin mo yang hayop na yan kesa sakin?" Sabi ni Alissa at unti unti ng bumuhos ang luha.

Inis na inis na si Kassandra dahil baka maubusan na ng dugo si Charles at wala man lang dumadating na tulong.

"Ano Kai? Pipiliin mo siya? Mahal mo na ba yang hayop na yan??" Sabi nito habang niyuyugyog ang balikat niya.

Sa inis ni Kassandra ay tinulak niya ang babae kung kaya 't napatumba ito. Para namang natuod si Alissa sa ginawa ni Kassandra. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon sa kanya ng mahal niya.

"Tigilan mo nga yang pinagsasabi mo Alissa! Pinapapili mo ko?? Ha? Sige! Para matigil kana! Si Charles ang pinipili ko hindi ikaw! Buhay niya ang nakataya dito kaya kung ayaw mong tumulong umalis kana!" Galit na sigaw ni Kassandra sa kanya.

Galit na galit si Alissa sa sinabi ni Kassandra. Matapos ang lahat ng ginawa niyang pagmamahal dito ang pipiliin din pala nito ay ang lalaking sumira sa kanila. Ikinuyom niya ang kamay. Punong puno ng galit ang puso niya

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now