Hindi pa rin bumabalik si Charles. Mag aalas onse na ng gabi at hindi rin matahimik ang utak ko kakaisip sa anak ko.
"Anak magpahinga kana muna" sabi ni mama habang hinahaplos ang likod ko dahil hanggang ngayon ay umiiyak parin ako sa pag alala sa anak ko.
"Oo nga ate. Kami nalang ni mama ang maghihintay kay kuya Charles" sabi naman ni Tophe.
"Hindi. Hihintayin ko na si Charles. Gusto kong masiguro na maayos lang ang anak ko kapag bumalik na sila"
"Anak tandaan mo meron kapang anak sa tyan mo. Huwag mo rin siyang pababayaan. Magdasal tayong nasa maayos lang na kalagayan si Lilac" pag aalo sakin ni mama.
Hinayaan ko lang ang sarili ko na mag alala sa anak ko.
Maya maya ay naghanda na si mama ng pagkain.
"Heto anak pinaghanda kita. Nakalimutan mo na uminom ng gamot"
Ayaw ko sanang kainin yun dahil wala akong gana pero naisip kong kelangan din ako ng anak ko sa tyan ko.
Kinain ko na nga iyon at uminom na rin ng gamot.
"Ano Tophe? May balita na ba jan sa post?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Wala pa ate eh. Shinare ko na nga sa kung saan saang group para maraming makakita"
Muli na naman akong umiyak. Tinatawagan ko si Charles ngunit hindi ito sumasagot.
Sa sobrang pagod sa pagiyak ay hindi ko napansing nakatulog na pala ako sa sala.
"Anong balita Charles?"
"Wala parin po ma. Naglagay na rin ako ng picture at detalye na missing si Lilac sa buong baranggay dito para kung sakaling may makakita ay matawagan nila ako kaagad. Nag hire na rin po ako ng agent para hanapin si Lilac."
"Mabuti naman kung ganon. Diyos ko sana ay okay lang ang apo ko"
"Sana nga po ma. Si Kassandra po ma kamusta siya kanina?"
"Hindi tumigil sa kakaiyak. Nakatulog nga dahil sa kakaiyak eh. Huwag ka rin mag alala Charles, pinakain at pinainom ko na rin siya ng gamot"
"Salamat po ma"
Akala ko ay nanaginip lang ako na naririnig kong naguusap si Charles at si mama. Minulat mulat ko ang mata ko at naramdaman kong hinahaplos ni Charles ang buhok ko.
"Asawa ko?" Sabi ko at agad napaupo.
"Si Lilac?" Sabi ko habang hinahanap ang anak ko da paligid.
Umiling lang si Charles. Muli na namang tumulo ang luha sa mata ko.
Niyakap naman ako ni Charles at inalo.
"Love don't worry. May mga tao na akong hinire upang maghanap ang anak natin. Naglagay na rin ako ng missing na printed picture ng anak natin at nilagyan ko na rin ng pabuya para mas mapabilis ang paghanap sa anak natin. Kaya huwag kana masyado mag alala, I'm sure na nasa maayos lang ang anak natin"
Mas hinigpitan ko ang yakap kay Charles. Parang pinipiga ang puso ko sa pag aalala sa anak ko. Tahimik akong nanalangin na sana ay nasa maayos na kalagayan ang anak namin at sana ay mahanap kaagad namin siya.
----------------
Dalawang araw na nawawala ang anak ko. Dalawang araw na kaming walang maayos na tulog at walang tigil sa kakahanap. Maging ang mga pulis ay tumulong na rin sa paghahanap ngunit hanggang ngayon ay wala paring balita kung nasaan na si Lilac.
"Dalawang araw na nawawala ang anak natin asawa ko. Dalawang araw na wala parin bang balita sa mga tauhang kinuha mo?"
"Wala pa rin Love. Lagi ko silang fina follow up sa trabaho nila. Kaya huwag kana masyado mag alala okay?"
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...