Chapter 13

770 17 0
                                    

Author's POV

Nanakit ang sentido ni Charles pagkabasa ng liham ni Kassandra sakanya.

"The heck.." pabulong niya sa sarili.
Ilang linggo na silang hindi nagkakausap ni Kassandra mula ng may mangyari sakanila. Inis na inis siya dahil sumakto pang nagkaproblema ang business nila na kelangan niyang unahin kesa sa babaeng mahal niya.

Tinapon niya ang liham at saka napagdesisyunang umalis.

Hindi.. hindi ito pwede mangyari.. ngayon pa na naangkin niya na ang babaeng mahal niya. Hindi niya na papakawalan ito.

"Eric. Please do me a favor. Ikaw na muna bahala jan. May aasikasuhin lang ako. After I settle this, ako naman magaasikaso jan. Please do your best okay" sabi niya sa tawag sa isa sa mga namamahala sa kompanya niya.

Pakatapos ay dali dali siyang umalis sa resto.

Ng makarating na siya sa tapat ng bahay nila Kassandra ay huminga siya ng malalim at humakbang na palapit. Ng makatapat na siya sa pinto ay bubuksan niya na sana nga marinig niya ang usapan ni Aling Karing at Kassandra.

"Bakit ba anak hindi ka magkwento sakin? Nanay mo ako. Linapastangan ka ba ng kung sino? Sabihin mo sakin para mapakulong natin" galit na nagaalalang si Aling Karing

Parang may kung ano kay Charles na nagsasabi na pakinggan muna ang usapan ng magina.

"Ma hindi na importante yun. Hindi ko alam kung sino ang ama nitong bata sa tiyan ko kaya hayaan na natin"

Nanlamig si Charles pagkarinig niya. Bata? Buntis si Kassandra?

"Ma ayoko ng batang to. Ipapalaglag ko to" umiiyak na may diing sabi ni Kassandra

"Diyos ko anak! Alam mo ba yang pinagsasabi mo. Hindi kita pina-"

Hindi na natapos ni Aling Karing ang sasabihin dahil binuksan na ni Charles ang pinto at galit na galit ang mukha nito

Gulat na gulat naman ang magina sa biglang pagsulpot ng lalaki.

"DON'T YOU DARE KASSANDRA! DON'T YOU EVER DARE KILL MY CHILD!" napasigaw na si Charles sa galit.

"Teka anong ibig sabihin nito? Charles?"

Naguguluhang tanong ni Aling Karing.

Huminga ng malalim si Charles at sinabing

"Aling Karing.. ako po ang nakabuntis kay Kassandra. At hindi po ako papayag ipalaglag niya ang anak ko" tumitig ito ng malalim kay Kassandra.

Inis na inis naman si Kassandra at saka dinuro duro ang lalaki.

"Hoy sino ka para diktahan ako? Yung nangyari? Wala lang lahat yun. Kalimutan mong may nangyari satin. At bat ka ba nagpunta pa dito? Isang malaking pagkakamali ang nangyari satin Charles!" Galit na sabi ni Kassandra

"Sandali.. naguguluhan ako sainyong dalawa. Hindi ko alam sainyo kung pano nangyaring nalagay kayo sa sitwasyong ganyan. Pero Kai, wag ka padalos dalos ng desisyon. Hindi kita pinalaking mamatay tao. Charles magusap muna kayo. Ayusin niyo yan"

Nadidismayang sabi ni Aling Karing.

"Thank you and pasensya na po" humingang malalim si Charles pagkaalis ni aling Karing.

Sandaling Nanahimik ang dalawa. Tila parehong maraming iniisip.

"Kassandra.." lalapit na sana ito sa babae ng

"Potangina Charles! Bat kapa pumunta dito ha!"

"Kassandra hindi lang wala lang yung nangyari. Gusto kong ayusin ang nangyari satin. Papanagutan kita. May mga inasikaso lang ako pero ngayon hindi ko matatanggap na aalis ka sa resto kaya pumunta ako dito. At.. at buntis ka.. kaya mas lalong hindi pwedeng wala akong gawin"
Malumanay ng sabi ni Charles.

"Hindi! Wala kang magagawa sa desisyon ko! Ipapalaglag ko to at Hindi mo ako mapipigilan!" Tumayo na si Kassandra at pinagtutulakan si Charles palabas.

"Umalis kana dito! Bakit ba kasi bumalik balik kapa! Sinira mo ang buhay mo! Nagulo lahat ng bumalik balik kapa!" Sigaw nito sa lalaki.

Tinanggap lahat ni Charles ang pananakit na ginawa ni Kassandra hanggang sa mapagod ito. Niyakap niya ang babae. Hindi naman ito pumalag dala ng panghihina.

"Ayoko ng batang to.. ayoko nito.. ayoko" humihikbing sabi ni Kassandra.

"Ako nalang saktan mo Kassandra. Huwag ang anak natin please?" Hinawakan niya ito sa balikat at pilit na hinarap sa kanya.

"I know may kasalanan ako. Kasi nagpadala ako sa nangyari. Pero hindi na natin to mababalik. Huwag mo sana idamay ang anak natin. Wala siyang kasalanan dito." Naiiyak na ding sabi ni Charles.

"Hindi! Ayoko manganak! Ayoko nito!" Nagpupumiglas si Kassandra at pinagsusuntok ang tiyan niya.

"Hindi pwede mabuhay ang batang ito! Isa siyang pagkakamali!"

"Kassandra! Shit!" Pinigilan naman agad ni Charles ang kamao nito na sinusuntok ang tiyan.

Galit na galit na si Charles at pinagyuyugyog nito ang balikat ng babae.

"Kassandra! Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko! Ako ang saktan mo! Ako! Suntukin mo ako hanggat gusto mo! Huwag ang anak ko!" Humahagolgol niya ng pakiusap

Parehas na silang umiiyak. Parang natauhan naman si Kassandra sa ginawa niya kaya tinigil niya na ang pananakit sa kanyang tiyan.

"I know.. you hate me. But please.. ako nalang. Alam ko na nadadala kalang ng galit mo sakin. Sakin mo ibuhos lahat. Papanagutan ko tong nangyari satin. Hindi kita iiwan."

Niyakap ni Charles si Kassandra, hindi naman umangal ang babae dahil sa pagod na nararamdaman.

Ilang minuto silang nasa ganong position. Namalayan na lamang ni Charles na nakatulog na si Kassandra. Binuhat niya ito at pinasok sa kwarto.

Matapos niyang masigurado na mahimbing na ang tulog ni Kassandra ay lumabas na siya ng kwarto.

Naabutan niya sa sala si Aling Karing kaya't nagusap sila.

Huminga ng malalim si Aling Karing bago ito nagsalita.

"Charles anak. Ano bang nangyari? Alam kong tomboy ang anak ko at impossibleng pumatol siya sayo. Alam ko din na matagal kanang may gusto kay Kai. Umamin ka sakin Charles, pinilit mo ba ang anak ko na makipag talik sayo?" Mahinahon pero may diing sabi ni Aling Karing.

"Patawad po Aling Karing, opo minahal ko po si Kassandra pero kelan man hindi ko po siya pipilitin sa mga ayaw niya. Nangyari po yun dahil parehas po kami lasing, sinamahan ko po siya at dinamayan dahil masakit po ang loob niya sa ex girlfriend niya. Humihingi po ako ng pasensya kung hundi ko po napigilan ang sarili ko." Mahabang paliwanag ni Charles.

"Ano pa nga ba ang magagawa natin. Nandiyan na yan. Ayoko lang Charles na mapahamak ang mga anak ko. Kahit na gustong gusto ko na magkaroon ng anak si Kai at magkaroon ng sariling pamilya, ayoko na mangyayari iyon sa kalapastanganan. Naiintindihan mo naman siguro ang pinupunto ko Charles."

"Opo."

"Ano ng plano niyo ngayon?" Sandaling natahimik si Charles sa tanong ni Aling Karing.

"Gusto ko po sana hingiin sainyo ang kamay ni Kassandra. Papanagutan ko po lahat ng nangyari samin. Pati po ang magiging anak namin. Ayoko po na magaya ang anak namin saming dalawa na hindi buo ang pamilya. Kaya sana po matulungan niyo po akong kumbinsihin at ipaintindi kay Kassandra ang mga plano ko para saming dalawa."

"Naiintindihan ko Charles. Maging ako ayoko na may mangyaring masama sa apo ko. At ayoko na matulad sa kanilang magkapatid ang sitwasyon ng apo ko. Kaya huwag kang magalala. Hindi madali pero naniniwala akong maiintindihan niya ang lahat."

"Salamat po Aling Karing" niyakap ni Charles ang matanda.

"Oh sige na umalis kana muna, bigyan mo muna ng panahong makapagisip isip si Kai."

"Pero po.. natatakot po ako na baka po ituloy niya ang sinasabi niya kanina na-" hindi niya na naituloy ang sinasabi

"Huwag kana mag alala Charles. Hinding hindi ako papayag na gawin niya yon sa apo ko"

Nakahinga naman ng maluwag si Charles sa sinabi ng matanda.

"Sige po Aling Karing. Balik nalang po ako kapag lumamig na ang sitwasyon. Maraming salamat po ulit"

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now