Chapter 29

589 11 0
                                    

Author's POV




Simula nga noon ay hindi na naging maayos ang pagsasama ni Charles at Kassandra. Mas lumala pa si Kassandra dahil minsan ay hindi na ito umuuwi. Gulong gulo si Charles at sobrang nasasaktan siya. Oo nagagalit siya sa asawa dahil hindi man lang naisip nito ang anak nila. Akala ba niya ay parehas sila ng gusto.. akala niya ay gusto rin ni Kassandra na maayos ang pamilya nila. Pero bakit biglang nagiba ang lahat.. ni wala siyang nakuhang sagot ng huli niyang nakausap si Kassandra.

Napansin ni Charles na kapag umuuwi ang asawa ay parang bumalik na naman ito sa dati. Hindi na nito sinusuot ang mga pambabaeng damit. Kapag naman kinakausap niya ito ay lagi itong iwas sakanya. Kaya maging siya ay napabayaan niya na ang sarili. Gabi gabi na rin siyang lasing. Subalit kahit ganun eh hindi niya parin pinapabayaan ang anak nila.

Sobrang bigat ng nararamdaman ni Charles. Wala siyang mapagsabihan sa problema nilang mag asawa. Ayaw niyang mag kwento sa mommy niya dahil baka magalit ito kay Kassandra at ayaw niya iyong mangyari.

Bago niya sunduin ang anak ay dumaan ulit siya sa paborito nilang lugar ng asawa. Kagaya ng dati ay duon muli siya umupo sa may lilim ng puno. Napaka presko talaga ng hangin.. nakaka relax.

Napakaraming tumatakbo sa isip ni Charles. Baka nakahanap na ang asawa niya ng iba. Baka pinagpalit na siya sa babae. Napabuntong hininga si Charles sa nangyari. Ayaw niya ng mga iniisip niya dahil panigurado hindi niya kakayanin.

Tiningnan niya ang cellphone at tiningnan ang tracking app niya kung nasaan ang asawa niya. Oo alam niya kung na saan ang asawa niya. Trinack niya ang cellphone ng asawa noong huling may nangyari sa kanila. Sa tuwing gusto niya itong puntahan ay nanghihina siya. Dahil naduduwag siyang malaman kung may iba na nga ba ito. Napabuntong hininga siya at sumandal sa upuan. Napatingala siya at napatitig sa kalangitan. Napakaganda ng panahon.

---------

"Hey Ash may plano kana ba after graduation natin?"

"Hmm.. no wala pa eh. I think papahinga muna ako then I'll figure it out if I'll pursue my dream at states or here"

"Ohh that's great. Maybe I'll do that too. Nakaka stress kaya mag aral. Kaya papahinga na rin muna ako" sabi ng kaibigan ni Ashley.

Pagkatapos nga mag bonding ng magkaibigan ay naglakad lakad muna sila sa park. Nagkekwentuhan ng kung ano ano dahil wala pa naman ang sundo ni Ash.

Habang naglalakad ay muling nakita ni Ash sa malayo si Charles.

"Si sungit" bulong niya.

"Ahh Kim I think mauna kana muna umalis. May imemeet lang akong friend."

"Why? Akala ko ba movie marathon tayo sainyo?"

"Maybe next time. Sige na" sabi niya habang tinutulak tulak ang kaibigan palabas ng park. Napataas na lamang ang kilay ng kaibigan saka umalis na nga.

Dahan dahang lumapit si Ash sa tabi ni Charles.

"Ohh Hi kuya!. Ikaw pala yan. Remember me?" Sabi niya. Napalingon sakanya si Charles. Kagaya ng dati ay wala itong ka emosyon emosyon. Tumabi siya rito at iniabot ang 200.

"Eto nga pala yung utang ko nung nakaraan." Sabi niya pero tiningnan lamang iyon ni Charles.

"I told you bigay ko na yun sayo" sabi ni Charles at muling bumalik ang tingin sa tanawin.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Gusto sana daldalin ni Ash ang lalaki pero parang wala ito sa mood. Pero hindi siya nakatiis dahil likas sakanya ang pagiging madaldal na tao.

"Ang ganda dito no" panimula niya.

Hindi sumagot ang lalaki. Kaya tiningnan ito ni Ash. Napatitig siya sa mukha nito. Napakaganda ng mukha. Mahahaba ang pilik mata na bumagay sa maamong mata nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng korte ng labi. Makinis ang mestizong balat kahit ang katawan nito ay maganda rin.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now