Chapter 32

545 8 0
                                    

KASSANDRA'S POV

Nang makatakas ako kay Charles ay agad kong kinontak si Alissa. Tinext ko siya na umalis na siya sa bahay niya at pumunta sa ibang lugar, susunod na lamang ako. Tinext niya naman ako kung san kami magkikita para hindi na kami masundan pa ni Charles. Pagkatapos ay si mama naman ang kinontak ko.

"Ma. Kamusta po kayo jan? Nanjan ba ang anak ko?" Sabi ko. Ilang araw ko na hindi nakikita ang anak ko at miss na miss ko na si Lilac.

"Aba, Kai ano ba nangyayari sayo ha. Alam kong kahit hindi mo sabihin, alam kong may problema kayo ni Charles. Napapabayaan niyo na ang anak niyo. Iyak na ng iyak dito si Lilac dahil gusto niya na umuwi. Mamaya ihahatid ko na siya sa bahay niyo. Nasan kana ba ha? Ang tagal mong hindi nagpapakitang bata ka" mahabang sabi ni mama. Napahilot naman ako sa noo ko. Naiinis ako sa sitwasyon namin. Napakagulo na. Napabuntong hininga naman ako para mabawasan ang pagod na nararamdaman ko.

"Ma ipapaliwanag ko nalang sainyo kapag nakapunta ako jan. Huwag niyo na po ibabalik si Lilac sa bahay dahil di na po ako babalik dun. Maghihiwalay na po kami ni Charles at kukunin ko po jan ang anak ko."

"Ano kamo Kai? Bakit?" Alalang alala si mama sa kabilang linya.

"Ma sabi ko po ipapaliwanag ko nalang po lahat kapag nakapunta ako jan. Sa ngayon po kasi kelangan ko lang po magpalamig ng sitwasyon. Sige na po ma at ibaba ko na po ang tawag." Sabi ko at hindi na hinintay na sumagot si mama.

Nakarating na ako sa tagpuan namin ni Alissa at bitbit niya na ang gamit niya samantalang ako wala man lang na naidalang gamit dahil sa pagmamadali ko na makatakas sa lalaking yun.

Agad akong niyakap ni Alissa at hinalikan sa labi. Ngumiti siya at ngumiti na rin ako.

"Mag simula tayo ulit babe. I love you" sabi niya.

"I.." hindi ko alam kung bakit pero parang ang hirap ng bigkasin ang salitang yun. Para akong napipi na hindi ko masabi iyon pabalik.

Nalungkot naman si Alissa at pilit na ngumiti sakin.

"Okay lang kung hindi mo pa ulit masabi ang I love you too sakin. Naiintindihan ko naman. Pero gagawin ko ang lahat para bumalik ang tiwala mo sakin" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry Alissa.. at salamat" sabi ko at ngumiti. Ngumiti na rin siya at sumakay na kami ng bus papuntang probinsya nila Alissa.

Habang nasa byahe ay hindi mapakali ang isip ko dahil gustong gusto ko na makasama ang anak ko. Miss na miss ko na si Lilac.

"Babe.. ang lalim ng iniisip mo, okay kalang ba" sabi ni Alissa at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Napatingin naman ako sakanya at pilit ngumiti.

"Naalala ko lang ang anak ko. Gustong gusto ko na siya makasama. Alissa, kapag mejo okay na ang sitwasyon babalikan ko ang anak ko at kukunin ko." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya at tumango.

"Teka" sabi niya

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Akin na ang cellphone mo" Naguluhan naman ako pero inabot ko naman sakanya ang cellphone ko.

Ewan ko kung anong pinagpipindot na dun at bigla nalang siyang napailing.

"Sabi ko na nga ba" sabi niya at patuloy parin sa ginagawa.

"Bakit ano yun?" Sabi ko. Tumingin naman siya sakin at pinakita ang cellphone ko.

"Tracking device?" Gulat na tanong ko.

"Oo, kaya pala nalaman ng hayop na yun kung nasan ka." Sabi niya na may halong galit ang boses.

"Okay na. Inalis ko na lahat para hindi na tayo gambalain ng gagong yun" sabi niya. Napahinga naman ako ng maluwag.

Dalawang oras pa ang byahe namin kaya tulog na tulog na nakasandal si Alissa sa balikat ko. Sinubukan ko namang matulog pero hindi ako dalaw dalawin ng antok.

Napatingin ako sa labas. Papagabi na at napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw. Iniisip ko kung tama ba lahat ng gagawin ko. Napabuntong hininga ako ng maalala lahat ng pangyayari sa buhay ko. Akala ko okay na ang lahat, masaya na sana kami ni Charles at buo na ang pamilya. Pero lahat pala ng pangyayaring yun ay galing sa mali. Galit na galit ako sakanya dahil siya ang dahilan bat ako nasaktan noon. Linoko niya ako. Ginago!

Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Ayoko na maalala pa ang bwisit na lalaking yun. Hindi ko na naalala ang masasaya, puro kasalanan niya ang namumutawi sa puso ko.

------------

Nang makarating na kami ay namangha naman ako sa linis ng bahay nila Alissa.

"Ang ganda naman ng bahay niyo" sabi ko na manghang mangha.

"Alam mo naman babe si mama. Gusto niya lahat ng rest house namin maayos" sabi ni Alissa.

Maya maya ay niyakap niya ako at pinaghahalikan sa pisngi.

"Sobrang saya ko, Kai. Ako ang pinili mo" sabi niya at tumitig sa mata ko.

"Kapag nakuha mo na ang anak mo ituturing ko rin siya na parang anak ko na rin. Mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko sayo" sabi niya. Natuwa naman ako sa narinig ko sakanya.

"Maraming salamat Alissa. Salamat dahil ginagawa mo ang lahat para maging maayos ulit tayo. Hindi man madali, pero nagiging matyaga ka sakin."

Ngumiti siya at hinalikan ako. Hinalikan ko rin siya pabalik. Hanggang sa naging mainit na ang tagpo at may nangyari samin sa salang iyon. Hindi ko alam kung masaya ba ako kapag ginagawa namin to ni Alissa. Basta ang alam ko lang sa ngayon ay sumasabay ako sa agos ng buhay ko. Alam kong babalik rin ng buong buo ang pagmamahal ko sakanya.

Paulit ulit niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako. Paunti unti ring bumabalik ang tibok ng puso ko para sa kanya.












-Author-

Hello silent readers! Short update lang ito dahil inaantok na ako XD. Sana ay nagustuhan niyo. Maraming salamat ulit sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa story ko.

Vote, follow, and share! Keep reading everyone!

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now