Chapter 24

598 18 0
                                    

Simula nga ng nagselos si Charles sa mga babae dito sa England ay lagi niya na akong binabantayan kapag may nakakasalubong kaming mga babae. Ewan ko ba sa lalaking to napaka seloso. Kagaya na lang nung isang araw ng pumunta kami sa Cambridge, may nadaanan kaming dalawang magandang babae na naka bra at maikling shorts lang, napatingin sakin si Charles na nakakunot noo. Tiningnan ko rin siya ng naka kunot noo. Kapag ganun ang scenario namin ay palagi ko sakanya pinapaalala na nagbago na ako at hindi na ako kagaya ng dati.

Mabilis lang lumipas ang mga araw at di namin namalayan na malapit na kaming umalis rito sa England.

"Ma kamusta kayo jan ni Tophe?" Sabi ko habang nagpapahinga sa kwarto. Ka video call ko si mama para kamustahin ang lagay nila sa pinas.

"Nako anak mabuti naman. Kakatapos lang namin ni Tophe maglinis ng bahay ninyo"

"Ganun po ba ma. Sa ikalawa na nga pala ang alis namin dito mama"

"Oh eh magiingat kayo. Teka asan ba ang asawa mo at si Lilac?"

"Si Charles po kausap ng papa niya. Ang apo niyo naman po eh ayun nakikipaglaro sa Tito at Tita niya."

"Ahh ganun ba anak." Tumango tango naman ako.

"Masaya ako anak na na experience mo ang mga bagay na iyan. Na nakapunta ka jan sa mga magagandang lugar" sabi ni mama na nakangiti.

"Oo nga po ma. Parang panaginip nga lang to. Ang gaganda ng mga lugar."

Ngumiti naman si mama.

"Bumili nga din po kami ni Charles ng mga pasalubong para sainyo. Hindi ko na muna ipapakita para surprise" sabi ko na mejo natatawa.

"Ang pinaka gusto kong pasalubong anak ay ang ikalawang apo" sabi ni mama at ngumiting nakakaloko.

"Ma ano ba! Puro ka biro eh" sabi ko na napasimangot. Tumawa naman siya.

"Oh siya sige na anak at maghahanda pa ako ng pagkain namin ni Tophe"

"Sige po mama ingat po kayo."

"Sige anak. Asikasuhin niyo narin ang pagbuo ng ikalawang apo ko ha" sasagot pa sana ako ng ibaba na ni mama ang tawag. Napailing iling nalang ako.

Inasikaso ko na ang mga gamit namin para sa susunod na araw na alis namin.

----------------

Mabilis lumipas ang araw at umalis na nga kami ng England. Nalungkot rin ako sa pagalis namin dahil kahit isang buwan lang kami rito ay napamahal na rin sila sakin. Naalala ko pa nga ng pasakay na kami ng eroplano ay umiyak si Lilac dahil mamimiss niya ang lolo at lola pati mga tito at tita niya. Ramdam ko rin na malungkot ang asawa ko. Pero babalik pa naman kami dito para magbakasyon, at sinabihan rin kami ng papa ni Charles na bibisita rin sila sa pilipinas.

Pagkalapag nga ng eroplano ay sumalubong samin ang lamig ng hangin.

"Kuya Charles!" Narinig namin ang boses ni Cheryl sa kabilang gilid sa arrivals area. Agad naman itong yumakap sa kapatid niya. Sunod ay si Lilac at ako.

"Where's mom?" Sabi ni Charles.

"Ayun may biglaang meeting kaya di nakapunta. Alam mo naman si mommy" tumango naman si Charles at gumayak na kami sa bahay nila. Napakadaldal talaga nitong si Cheryl at napakakulit. Tuwang tuwa siya dahil nakita na naman niya ang pamangkin niya.

Habang nasa kotse kami papuntang bahay ay nagkekwentuhan ang magkapatid. Kandong ko naman ang anak ko na mahimbing ang tulog.

"So may boyfriend kana ba ngayon Chichi?"

"Suitor kuya. Papakilala ko siya mamaya sainyo" sabi ni Cheryl.

"Siguraduhin mong matino yang lalaki na yan" natawa naman si Cheryl

"Off course kuya. Kelan ba ako pumili ng lalaki na pipitsugi lang"

Pagkarating namin sa bahay nila ay namangha na naman ako. Kagaya ng bahay ng papa ni Charles ay napakaganda rin ng bahay ng mama niya. Pagkapasok namin ay nagulat kami dahil nasa sala ang mama niya at maraming nakahandang pagkain at may pa banner pa na we miss you at nakalagay ang pangalan naming tatlo.

"Mom? I thought may meeting ka?" Sabi ni Charles na gulat na gulat din at lumapit sa mama niya at niyakap ito ng mahigpit.

"Well surprise son" sabi ng mama niya. Bumaling naman ang mama niya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Good to see you my daughter-in-law" niyakap ko na rin siya ng mahigpit.

"My darling apo" sabi niya sa apo niya at mangiyak ngiyak itong niyakap si Lilac.

Kahit si Charles ay nangilid rin ang luha.

"Oh tama na ang drama mommy. I'm sure pagod na sina kuya at ate"

At ayun nga matapos ang mumunting iyakan ay inayos na muna namin ang gamit namin sa magiging kwarto namin.

"You know what love?" Sabi ni Charles habang nagaayos kami ng gamit. Ang anak naman namin ay nagpaiwan sa sala kasama ang tita at lola at lolo niya na bagong asawa ng mama ni Charles na kakarating lang.

"Ano yun?"

"I'm so happy. Wala na akong mahihiling pa" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Napangiti naman ako dahil kahit ako ay masaya rin. Napaka kontento ng puso ko sa pamilya ko.

"I love you" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Sunod sa labi ko. Matagal niya bago inalis ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ulit ako na parang may gusto siyang gawin. Tong lalaki na to kakarating lang namin gusto agad maglabanan eh.

Pinipigilan ko siya pero hinawakan niya lang ang kamay ko.

"Kuya Ate kakain.. na" napalayo lang si Charles sakin ng buksan ni Cheryl ang pinto. Natulak ko naman si Charles sabay hampas sakanya.

"Ohh... ang aga naman niyan kuya ha" pagbibiro ni Cheryl. Hiyang hiya naman ako.

"Shut up" sabi ni Charles na ikinangiti ng nakakaloko ni Cheryl.

Sabay na nga kami bumaba para kumain. Nagkwentuhan at nagkatawanan. Napakabait rin ng aasawa ng mama ni Charles. Binigyan pa ng regalo si Lilac kaya tuwang tuwa ang bata.

Pinakilala na rin ni Cheryl ang boyfriend niya na Australiano. Nakakatuwa nga at parang sinisindak ni Charles ang lalaki.

Isang buwan kami rito mamalagi at nakakatuwa lang dahil mas makikilala ko pa ng maigi ang pamilya ni Charles kagaya ng sa papa niya.







-Author-

Hey my dear readers! Salamat sa mga nag add sa library nila nitong story ko. Sana ay maging matyaga kayo sa paghintay sa mga updates ko. Nakakainspire super! Pag bubutihan ko pa na mapaganda ang kwento ni Charles at Kassandra.

Follow, votes, comment if you want ♡️

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now