Chapter 51

879 12 1
                                    

Author's POV




"Sir! Tumabi ho kayo at matatamaan kayo ng bala!" Sigaw ng isang pulis at agad nitong hinila si Charles.

Doon naman nahimasmasan si Charles at bumalik siya sa ulirat. Agad niyang nilapitan ang anak niya.

"Baby gumising ka please.. huwag mo kaming iiwan ni mommy" naiiyak na sabi ni Charles sa anak.

Nawalan na ng malay si Lilac at walang tigil ang dugo sa pag daloy sa kanyang likuran.

"TULONG!!" sigaw niya.

"Sir papunta na po dito ang ambulansya huwag po kayo mag alala" sigaw ng isang pulis.

Napatingin naman si Charles sa kinaroroonan ng asawa. At ginawang hostage ni Alissa ang asawa niya.

Binuhat niya si Lilac habang pinpigilan niya ang dugo sa pagdaloy sa likuran ng anak.

"SIGE!!! LUMAPIT KAYO AT BABARILIN KO TO!!" Sigaw ni Alissa habang hawak sa leeg ang asawa at nakatutuk sa sentido ang baril.

Nang makalapit si Charles ay mahinahon niya itong kinausap.

"Alissa tama na. Sumuko kana parang awa mo na. Tigilan mo na ang paghihiganti mo dahil nakaganti kana" pagmamakaawa ni Charles sa babae.

"AT BAKIT AKO MAKIKINIG SAYONG GAGO KA? HINDI PA AKO TAPOS GUMANTI SAYO! PAPABAGSAKIN KO PA LAHAT NG KOMPANYA MO AT HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KO NAKUKUHA ANG DAPAT AY AKIN!" Galit na sigaw ng babae.

"A-alissa.. patawarin mo na kami. Tanggapin mo nalang ang katotohanan na hinding hindi na babalik ang nakaraan satin" iyak na sabi ni Kassandra habang nakatingin ito sa mag ama niya.

Awang awa si Kassandra ng makitang duguan ang anak dahil sa pagkakabaril ni Alissa. Naiinis siya dahil ang tagal dumating ng ambulansya dahil papano nalang kung may mangyari na sa anak niya.

"EH KUNG HINDI KA NA RIN PALA ULIT MAPAPA SAKIN AY WALA NG IBANG MAKIKINABANG SAYO!" Galit na galit na sigaw ni Alissa at ikinasa na ang baril.

Nagpupumiglas naman si Kassandra dahil babarilin na siya ni Alissa.

Samantalang si Charles naman ay labis ang pagmamakaawa sa babae na huwag barilin ang asawa.

Nang malapit ng paputukin ni Alissa ang baril ay bigla nalang nakakuha ng tyempo ang isang pulis at binaril siya sa braso.

Doon nabitawan ni Alissa si Kassandra at agad lumapit ang mga pulis sa babae.

Agad naman tumakbo si Kassandra kay Charles at sa anak niyang si Lilac.

Nagiyakan at nagyakapan sila. Kapwa takot na takot sa mga nangyari.

"HINDI PA AKO TAPOS SAINYONG MGA HAYOP KAYO!! HINDI KO KAYO HAHAYAANG MAGING MASAYA!!!! AHHHHHH!!!!!!" nagsisigaw at nagpupumiglas si Alissa habang pinu posasan ng mga pulis.

Ilang saglit pa ay dumating na ang ambulansya at agad na silang pumunta ng hospital.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ng mag asawa habang agaw buhay ito at itinatakbo papuntang ER ang kanilang anak. Nang makapasok na si Lilac ay pinigilan na sila ng nurse na pumasok.

Iyak ng iyak si Kassandra sa kalagayan ng anak.

"Love.. magiging ligtas din ang anak natin" pagpapalakas ng loob ni Charles.

Nagyakapan naman sila at walang tigil sa pag iyak at pag aalala si Kassandra.

Tatlong oras na at wala paring lumalabas sa ER. Labis ang kaba at takot nilang mag asawa.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now