"Charles" tawag ko sakanya habang nagaayos siya ng sapatos.
"Yes love?" Sabi niya habang inaayos ang tali ng sapatos.
"Hindi muna ako sasabay ngayon"
"Why?" Takang tanong niya at napatingin na sakin.
"Kasi magmomotor ako ngayon. Kaya ikaw na muna maghatid kay Lilac"
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya.
"Bakit san ka pupunta? Are you seeing someone else?" Sunod sunod niyang tanong at magkasalubong na ang kilay.
"Baliw hindi ah. Binenta ko na kasi kay Fred yung motor. Ihahatid ko lang sa kanya sa resto."
Bigla ay nagbago na naman ang expression ng mukha niya. Kumalma na ito."Bakit mo pala love ibebenta? Alam kong importante yun sayo"
"Kasabay sa pagbabago ko ang pag benta ko nun. Maraming memories sakin ang motor na yun na gusto ko ng kalimutan para sainyo ng anak natin."
Lumapit siya at niyakap ako. Niyakap ko na rin siya pabalik.
"Thank you so much love. Sobrang na aappreciate ko lahat ng effort mo para maging maayos tayong pamilya." Niluwagan niya ang pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko.
"Salamat love kasi sa amin mo lang tinutuon ang atensyon mo. Hindi madali pero ginagawa mo at kahit hindi mo pa masabi sakin na mahal mo ako.. ramdam ko na unti unti mo na ako pinapapasok sa puso mo."
Ngumiti naman ako. Oo.. pinili ko to dahil ito ang tama. Alam kong darating din ang araw na mas magiging totoo na ang kasiyahang nararamdaman ko sa piling ni Charles.
"I love you so much love" sabi niya at hinalikan ako sa labi. Pumikit ako at sinabayan ang labi niya.
Tinigil niya ang halik at muli akong tiningnan. Napakatamis ng ngiti ni Charles. Punong puno ng pagmamahal.
"I love you" sabi niya at hinalikan ulit ako.
Nilayo ko na ang mukha ko sakanya dahil baka kung saan na naman mapunta to.
"Tama na nga. Sige na at baka malate pa si Lilac." Sumimangot naman siya at hinalikan ulit ako bago ito kumilos muli.
"Love alis na kami.."
"Bye po mommy"
Hinalikan nila ako at niyakap bago umalis.
"Bye din ingat kayo. Ihahanda ko lang tong motor at susunod din ako agad"
----------
Pagkatapos ko icheck ang motor at okay naman lahat, nag drive na ako papuntang resto.
Pagkarating ko ay pinark ko na muna at pinunasan ang mga alikabok.
Tiningnan ko at huminga ng malalim.
"Paalam.. " sabi ko at pumasok na.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagulat sila, malamang ay dahil sa itsura ko.
"San si Fred?" Tanong ko kay Jeremie na isang dining crew.
"Ahh mam Kai nasa employees room po."
"Sige salamat"
"Nga pala mam ang ganda mo po" nakangiti niyang sabi. Nginitian ko nalang siya pabalik.
Mula ng ikasal kami ni Charles ay hindi na ako nagtrabaho. Tumutulong tulong nalang ako dito sa resto. Nagulat silang lahat kasi sino ba naman ang hindi? Ang alam nila magkaibigan kami tapos biglang kinasal. Lalo pa ako na mula pagpasok ko sa resto eh tomboy ako. Kabi kabilang chismis pero hinayaan ko nalang. Binalaan din sila ni Charles na huwag akong papakialaman oh pagsasalitaan ng masama kung hindi ay masisisante sila.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...