Chapter 15

728 14 2
                                    

Author's POV


"Fck it Charles. Sayo ko pimamana yan dahil naniniwala akong kaya mo yan sulosyunan. Now you'll tell me na hihingi ka ng tulong?"

"Dad I-"

"Hanapan mo yan ng sulosyon or else I'll force you to comeback here!"

Pasigaw na sabi ng tatay ni Charles.

"Dad- hello? Dad! Shit" naibato niya ang cellphone dahil sa inis. Hinilamos niya ang palad sa mukha . Umupo siya at saka sinandal ang ulo sa sofa.

Huminga siya ng malalim. Napakadaming problema at naiinis siya dahil bakit ngayon pa kung kelan inaayos niya ang sa kanila ni Kassandra. Sumulyap siya sa cellphone at tiningnan kung merong message galing sa babae. Pero wala. Ilang tawag at message na ang ginawa niya pero hindi ito sumasagot.

Inis na inis siya dahil hindi na niya naasikaso ang resto dahil mas inuuna niya ang finance business nila na papalugi na. Tumawag siya sa tatay niya upang humingi sana ng tulong pero sa halip na tulong ay sermon ang ginawa.

Matapos ang malalim na pagiisip ay napagdesisyunan niyang umalis at pumunta sa lugar na paborito nilang puntahan ni Kassandra.

Ng makarating siya ay nakaramdam agad siya ng kaginhawaan. Kahit papano ay marerelax siya rito. Naupo siya sa may damuhan. Sakto at wala masyadong tao. Malaya siya sa kung ano mang gustuhin niya.

Tahimik niyang pinagmamasdan ang buong lugar. Napakaganda. Bigla ay nakaramdam siya ng pagka miss sa babaeng mahal niya.

Huminga siya ng malalim at pumikit. Ninanamnam ang sarap ng hangin na tumatama sa mukha niya.

"Andito ka rin pala" napamulat siya at kilala niya kung sino ang nagsalita.

"Kassandra.."

Naupo rin ito pero hindi gaya ng dati na magkalapit na magkalapit sila.

Siguro ito na yung pagkakataon para magusap sila.

Pinagusapan nga nila ang mga nangyari at nagulat siya na pumayag na itong magpakasal sakanya.

Hindi maitago sa mukha niya ang saya na sa wakas.. magiging legal ng sakanya ang babae.

Mula non ay nagkaroon ng inspirasyon si Charles para galingan pa at di nga nagtagal ay nakahanap rin siya ng investors na nakatulong sa papalugi nilang kompanya.

----------------------------

Araw ng kasal...

Mabilis ang araw na lumipas at heto na nga ang araw na pinakahihintay ni Charles.

Pero..

"Charles honey... relax. Baka na traffic lang si Kassandra okay? Don't worry." Sabi ng ina ni Charles.

Si Charles naman ay halos hindi na malaman kung anong gagawin dahil bukod sa hindi niya macontact si Kassandra ay late na ito ng 30 minutes.

Niyakap naman siya ng kapatid niyang si Cheryl.

"Please Kassandra .. magpakita ka, dahil baka mabaliw ako pag hindi ka sumulpot." Sabi niya sa isipan.

Limang minuto pa ang nakalipas ng sumigaw ang isa sa nagorganize ng kasal na dumating na ang bride.

Bigla naman ay napaluha si Charles dahil nakahinga siya ng maluwag na dumating na ang mapapangasawa niya.

Naglakad na nga si Kassandra.. tila tumigil ang mundo ng masilayan niya ang ganda ni Kassandra. Naka make up ito na mukhang natural lang. Mas lalong bumagay sa kanya ang gown. Heto ang babaeng matagal niya ng pinapangarap. Ng makarating na si Kassandra ay makikita mo sa mata nito ang lungkot kahit na pilit itong ngumingiti.

"I thought.. umatras kana." Naluluhang sabi ni Charles.

"May usapan tayo" sabi niya ng hindi tumitingin sa lalaki

Dinaos na nga ang seremonya ng kasal. Labag man sa kalooban ni Kassandra inisip niya na heto na ang kapalaran niya.

---------------------------

Umuwi na ang bagong kasal matapos ang kainan sa reception. Halos mapunit na ang labi ni Kassandra kakapilit na ngumiti sa mga bisita.

"I choose here na dito na tayo mag stay for good kasi maganda dito at makakarelax ka. Hindi rin hassle kung gusto pumunta nila Aling Karing este Mama dito."

Tumango lang si Kassandra.

"San dito ang kwarto ko?" Sabi niya na halatang pagod na pagod na.

"There. That's our room." Pagturo ni Charles sa kaliwang pinto.

"Our room? Gago kaba Charles? Baka nakakalimutan mong mag asawa lang tayo sa papel." Inis na sabi ni Kassandra.

"But-" napahinga naman ng malalim si Charles.

"Okay diyan kana. Dito nalang ako sa kabila." May lungkot sa boses na sabi nito.

"By the way love.." muling pagsasalita ni Charles

"Anong love sinasabi mo diyan? Pwede ba Charles kung ayaw mo ng gulo, ayus ayusin mo mga sinasabi mo" naiinis ng sabi ng babae.

"Kassandra.. we agreed to this marriage para sa anak natin. Sana naman hayaan mo akong gawin ang dapat para sainyo. Let's learn to love each other.. for the sake of our child." Hindi na sumagot si Kassandra at dumiretso na pumasok.

Pagkapasok niya sa kwarto ay ni lock niya ang pinto. Baka pumasok pa ang lalaki.

Tumulo nalang luha niya at bago paman siya humikbi ay narinig niyang kumatok si Charles.

"Good night love."

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now