Chapter 20

762 15 0
                                    

Maaga ako nagising dahil ipaghahanda ko na naman ang mag ama ko. Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Charles na nakayakap sakin. Bumangon na ako at inayos ang sarili.
Nagluto na ako ng agahan.. mamaya nga ay pupunta ako ng karenderya ni mama. Dun muna ako tutulong sakanya.

Sa tatlong taon ko ang naging set up ko sa buhay ay gigising para magluto para sa mag ama, minsan sasama ako kay Charles tutulungan siya sa resto, minsan din pinapatulong niya ako sa Finance company niya pero yung mga basic lang, at minsan naman pupunta ako ng karenderya at dun tatambay at tutulungan si mama. Kapag naman tinatamad ako ay dito lang ako sa bahay buong araw maglilinis. Hindi naman ako naboboring sa buhay ko ngayon dahil at least, hawak ko ang oras ko.

Pagkatapos ko magluto ay napag pasyahan kong dun naman ako kila mama. Tutulungan ko muna siya sa karenderya.

Tiningnan ko ang oras at alas sais na. Ginising ko na si Lilac at Charles para sabay sabay na kami kumain.

"Ah Charles" pagsimula ko

"Hmm bakit love?" Sabi niya sabay subo ng pagkain.

"Dun muna ako kila mama sa karenderya"

"Okay love" sabi niya at bumalik na sa pagkain.

Si Lilac naman ay ginagabayan ko parin sa pagkain. Nakakatuwa nga at advance na masyado ang utak ng anak ko. Napakatalinong bata.

"Mommy kaya ko na po kumain." Sabi niya at sumimangot. Kinurot ko naman siya sa pisngi.

"Baby ko. Kelangan ko parin ikaw gabayan sa pagkain. Baka kasi mabulunan ka" tumango naman ito. Kapag hindi niya kayang isubo ang pagkain ay ako na ang sumusubo sa anak ko.

"Nga pala love" napatingin naman ako kay Charles.

"Naisip ko kasi na magbabakasyon na sa school si Lilac, bakasyon din tayo sa England." Sabi niya.

"Ikaw bahala Charles" sabi ko at tinuloy na ang pagkain.

"Visit muna tayo kay Dad ng one month and one month din tayo kay Mom" sabi niya. Aba mahaba habang bakasyon pala ang gagawin namin.

"Ikaw kung yan ang gusto mo. Alam ko naman kasing namimiss mo na rin sila."

"Hindi lang naman dahil namiss ko kundi gusto ko rin na magtravel na tayo abroad" sabi niya. Magandang idea nga naman yun, first time ko rin makakaalis ng bansa kung sakali.

"Magtatravel po tayo daddy??" Namimilog ang matang sabi ni Lilac.

"Yes baby. And miss kana rin kasi ng lolo at lola mo"

"Miss ko na din po sila daddy.. excited na po ako. Yeheeyy" pumapalakpak pang sabi ng anak ko. Napangiti naman ako sa reaksyon niya. Nakakatuwang bata talaga si Lilac.

Napatingin ako kay Charles na nakatingin din pala sakin. Nakangiti siya kaya ngumiti din ako.

-------

Pagkahatid namin kay Lilac ay hinatid na rin ako ni Charles sa palengke.

"Call me love kung magpapasundo kana okay?"
Tumango naman ako. Hinalikan niya ako sa labi.

"Sige ingat ka sa pag maneho Charles." Ngumiti siya at umalis na.

Naglakad na ako papuntang karenderya ni mama. Nakasalubong ko pa yung mga nagtitinda ng isda na si Aling Leony at ganun din siya. Namangha sa itsura ko.

"Magandang umaga ma" pagbati ko. Nagtaka naman si mama bat nagbago pananamit ko.

"Oh anak. Himala ata at nakaayos kang pambabae?" Sabi ni mama na nang aasar.

"Ehh kasi ma napagisip isip ko rin po na pamilyadong tao na ako. Kaya eto."

At ayun nga naikwento ko na rin kay mama ang dahilan.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now