Chapter 10

756 17 0
                                    

Halos ilang linggo na akong hindi pumapasok. Sobrang naapektuhan ako sa paghihiwalay namin. Si Alissa ang pinaka seryosong relasyon ko. Akala ko siya na. Ilang beses na tawag at text pero ni isa sa mga yun ay walang nagpatinag kay Alissa.

Alam na rin nila mama ang nangyari. Maging sila ay nagalit at nalungkot sa nangyari. Hinayaan lang muna ako ni mama. Alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Ilang beses na din ako dinalaw ni Charles dito dahil maging siya ay nagaalala din sakin.

Buong linggo akong lugmok na lugmok at napabayaan ang sarili.

Isang araw naisipan kong sundan si Alissa. Gusto ko ulit siya makausap.

Binaybay ko na ang daan papunta sa bahay nila. Ng malapit na ako ay may nakita akong auto na nakaparada sa harap ng bahay nila, kitang kita ko kung pano halikan ng lalaki si Alissa. Hindi ko mamukhaan kung sino ang hinayupak na yun. Mabilis kong pinaandar ang motor ko pero hindi ko na naabutan yung lalaki. Bumaba na ako at hinigit sa braso si Alissa.

"Ano ba!" Pagpupumiglas niya

"Yun na ba ang pinalit mo sakin Alissa ha!" Galit kong sabi.

"Oo ilang beses ko ba yan sasabihin Kai. Wala na tayo kaya wala kanang pakialam sa buhay ko"

"Babe please. Ayusin naman natin to oh. Nagmamakaawa ako" nagmadali na siyang sinara ang pinto kaya hindi ko na siya naabutan. Sinipa ko ang gate nila at galit na galit sa sarili.

Napagpasyahan kong pumunta sa bar. Naghanap akong bukas na bar kahit alas tres palang ng hapon. Mejo malayo malayo itong nahanap kong bar. Dito ako nagiinom. Hindi ko na maramdaman ang pait ng alak dahil mas mapait ang nararamdaman ng puso ko.

Alas syete na ng gabi ay inom parin ako ng inom. Nagpakasaya ako. Wala na akong pakealam sa sarili ko. Naramdaman kong may tumatawag sa cellphone ko. Akala ko si Alissa pero si Charles pala.

Nanlalabo ang matang sinagot ko ang tawag.

"Hello Kassandra. Where the hell are you!" Pasigaw na sabi ni Charles kaya nailayo ko ng bahagya ang cellphone ko.

"Ano ba Charles istorbo ka naman eh. Andito ako sa bar nagpapakasaya tutal wala na kami ni Alissa" sabi ko habang lasing na lasing na tumatawa.

"Saang bar yan" mariing sabi niya. Sinabi ko naman kung san ako. Binaba niya na ang tawag. Bumalik ulit ako sa pag party. Nakipagsayaw at nakipaginuman kung kani kanino.

Maya maya ay naramdaman kong may humila sakin at nilayo ako sa nagkukumpulang grupo

"HHoy annoobbaaa" sabi ko hababg hawak hawak ang baso kong puno ng alak. Kinakaladkad ako ng estrangherong ito kung kayat natatapon na alak.

Pinasok niya ako sa isang pribadong room na may karaoke sa harap.

Ng makaupo ako ay agad kong tinungga ang nangangalahati kong alak. Nagakanda tapon tapon na iyon sa damit ko.

"The hell Kassandra. Baliw kana ba ha. Pinagaalala mo kaming lahat sa ginagawa mo eh" may galit na pagaaalala sa tono ni Charles.

"Ehh pasensya na. Broken ako eh bat ba ha mag cheers nalang tayo Charles" sabi ko sabay abot ng bote ng alak.

"Ng dahil sa babae nagaganyan ka what the fuck" pigil na inis niyang sabi. Mejo nawala ang pagkalasing ko sa pagkakasabi niyang yun.

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko Charles. Napakadaling sabihin pero napakahirap gawin. Palibhasa kasi hindi mo pa nararanasan magmahal" pasigaw kong sabi sakanya. Sumeryoso naman siyang tumitig sakin

"Are you sure na hindi ko pa nararamdaman yan? Na hindi pa ako nagmamahal?" Titig na titig niyang sabi sakin. Umiwas naman ako ng tingin. Parang ulan na bumuhos ang luha ko. Tuloy tuloy at walang tigil. Napabuntong hininga na lamang si Charles saka ito lumabas. Akala ko iiwan niya na ako pero pagbalik niya ay kasama niya iyong waiter na may dalang tatlong case na beer. Inayos na din yung videoke para may tugtog kami.

"Ayan. Mahirap uminom magisa. Sana tinawagan mo man lang ako para kanina pa kita nasamahan" sabi niya. Lalo akong naiyak sa sinabi niya.

Wala akong ibang ginawa kundi paulit ulit ikwento kay Charles ang masaklap na nangyari sa buhay ko. Wala namang sinasabi si Charles kundi ang lumagok din ng alak. Pareho na kaming nalalasing.

"Mahal na mahal ko siya Charles. Sobrang mahal" sabi ko habang iyak ng iyak. Inaalo niya naman ako

"Sabi ko kasi sayo Kassandra ako nalang mahalin mo" sabi ni Charles na tumatawa.

"Baliw. Lasing kana"

"Aba nagsalita ang hindi" sabay naman kaming tumawa.

Nagenjoy na lamang kami ni Charles. Kantahan. Inuman. Asaran. Kabaliwan. Hanggang sa inabot na kami ng alas dose ng umaga.

"Hoy Charles sigurado kabang kaya mo pa magdrive ha?" Inaantok na lasing na lasing kong sabi. Akay akay niya ako samantalang pareho kaming pasuray suray na palabas sa bar.

"Hindi mag tataxi tayo. Ihahatid na kita pauwi"

"Ayoko sa bahay. Ayokong makita ako ni mama sa gantong itsura" sisinok sinok kong sabi "

Pumara na siya ng Taxi at binaybay na ang daan.

WARNING THE NEXT CHAPTER IS RATED SPG. I REPEAT THE NEXT CHAPTER IS RATED SPG

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now