Tinotoo nga ni Charles lahat ng sinabi niya. Gamit na namin ang bagong sasakyan na bili niya at pagkauwi namin ay nakahanda na sa bagong bahay namin ang mga gamit.
"Wow mommy it so big!" Manghang sabi ng anak ko.
"Oo nga baby ko. Ang ganda nga"
Nagtatakbo ang anak namin sa bahay.
"Asawa ko salamat at kahit papano mapapanatag na ang loob ko" sabi ko kay Charles.
"Good to hear that love. Gagawin ko ang lahat para sainyo ng mga anak natin" sabi niya at hinaplos ang tyan ko.
Inayos na namin yung ibang gamit. Mabuti nalang kaunti nalang ang aayusin dito.
Nakakatuwa nga at maging sa ref ay may groceries na rin. Nagluto na ako ng hapunan namin.
Masayang masaya kaming kumain. Nakakatuwa lang at ito na ulit ang bagong simula naming magpapamilya. Maninibago dahil medyo malayo ito sa bahay nila mama. Pero masasanay rin kami. Para na rin ito sa kaligtasan namin lalo pa ibang tao na si Alissa, kaya niyang manakit.
Bago kami matulog ay nagusap muna kaming mag asawa.
"Love do you feel safe naman ba dito sa bagong bahay natin?" Tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango naman ako at ngumiti. Hinalikan niya naman ako sa noo.
"Medyo naninibago lang asawa ko. Pero masasanay rin ako. Medyo malungkot rin lalo na malayo layo to sa bahay nila mama"
"Don't worry Love. Bibisitahin naman natin sila or pwede naman na sila ang bumisita satin dito. Kapag nahuli na si Alissa, babalik ulit tayo sa bahay natin. Okay Love?"
Niyakap ako ni Charles. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya. Nakaramdam rin ako na safe ako, kami ng mga anak niya sa piling ni Charles.
"Nga pala asawa ko. Pano mo ba nakilala yung Ashley na yun?" Sabi ko na nakabusangot. Naalala ko na naman yung babae na yun.
"Well nameet ko siya sa favorite place natin. I'm wasted that time. Umiinom ako then suddenly lumapit siya sakin para makitext dahil naiwan niya raw phone niya sa bahay nila"
"Sus. Palusot niya lang yun. Type kalang niya eh" sabi ko na nakaunguso.
Natawa naman si Charles at mabilis akong hinalikan sa labi.
"I love it when you get jealous Love" sabi niya at mahigpit akong niyakap.
"Oh tapos. Tuloy mo na"
"Seriously Love? Paguusapan ba talaga natin si Ash?"
"Oh bakit masama bang malaman kung pano mo nakilala yung kaibigan mo?"
Napabuntong hininga si Charles.
"Ang gusto ko sana pagusapan eh yung tayong dalawa."
"Mamaya na. Pagtapos kana magkwento"
"Alright. If that's what you wish my Love sige na tutuloy ko na. Ayun nga after that incident, we met again there. I'm so exhausted at nawawalan na ko nun ng pag asa dahil yun yung araw na nahanap ko kung saan kayo tumutuloy ni Alissa. Hindi ako ang pinili mo kaya sobrang depressed ko that time. Inom lang ako ng inom at pati si Lilac ay napabayaan ko na kaya mabuti nalang at nandoon si mama para siya ang magbantay muna sa anak natin. Si Ash ang nagpalakas ng loob ko para hindi ka sukuan."
Nalungkot ako sa mga kwento ni Charles. Nagsisi ako at hinayaan kong mangyari lahat ng yun sa kanya at sa anak namin.
"Siya rin ang nakwentuhan ko lahat ng problema ko noon. She said na ayaw niyang makita akong nagkakaganun then ayun.. she confessed her feelings to me"
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...