"Ikaw Tophe bago ako umalis ang liit mo pa noon. Ngayon binata kana. Ano may girlfriend kana ba? "Nakakalokong sabi ni Charles sa kapatid ko.
"Wala pa po kuya Charles" nahihiyang sabi ni Tophe.
"Sus wala pa. Eh pano dika pa sinasagot ng nililigawan mo kasi hindi kapa tuli"
Pangaasar ko kay Tophe,sumimangot ito at saka ako hinabol. Nagtatakbuhan kami sa bahay na parang mga baliw."Abat hoy magsitigil nga kayo Kai Tophe! Nakakahiya sa bisita nating si Charles." Pang aawat samin ni mama. Tumigil na ako sa pagtakbo saka ako pinag boboxing ng kapatid ko pero hindi naman masakit.
"Oh tama na tama na ayoko na Tophe" tumigil naman ito at binehlatan ako sabay pumasok na sa kwarto.
"Nako Charles pasensya kana nakita mo tuloy ang kaguluhan namin ni Tophe" paghingi ko ng paumanhin kay Charles.
Nakangiti naman ito at umiling iling lang.
"Ano kaba Kassandra okay lang. Ang kulet niyo nga eh nakakatuwa" sabi niya na nakangiti. Ngumiti na din ako."Oh Charles iho dito kana kumain at naghanda na ako ng hapunan" sabi ni mama habang hinahanda na ang pagkain sa mesa.
"Naku Aling Karing uuwi na din po ako"
"Wag kana tumanggi iho. Pasasalamat namin ito sa kabaitan mo samin. Tara na at kumain"
"Oo nga bespren ano kaba. Dito kana kumain. Baka gutumin ka niyan pauwi"
"Sige na nga. Salamat po Aling Karing"
Naupo na nga kami, lumabas narin si Tophe at sabay sabay na kami kumain. Kung ano anong kwentuhan. Masaya ako at okay na ulit kami ng bespren ko.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyun at nakitang ang dami na palang text at tawag ni Alissa. Takti masyado ata akomg nalibang at hindi ako nakapag update sa girlfriend ko. Nagpaalam muna ako na mag si cr lang ako at doon ko tinext si Alissa.
"Babe sorry di ko nasagot ang mga tawag at text mo. Di ko namalayan andito nga pala si Charles dito na siya naghapunan. Kumain kana din jan i love you. Tatawag ako mamaya pagkatapos kumain"
Text ko sakanya at saka bumalik sa hapag kainan.
"Charles kung may oras ka sa pasko pumunta ka dito ha. Pupunta din dito ang girlfriend ni Kai"
Narinig kong sabi ni mama ng papalapit na ako sa mesa."Oo bespren, dito magcecelebrate ng Christmas si Alissa. Punta ka dito para makilala mo din siya"
Sabi ko pagkaupo ko."Sige po. Tutal wala naman akong kasama magcelebrate kasi nasa America si mama at Cheryl." Sabi niya.
Nagtuloy tuloy naman ang kwantuhan namin hanggang sa matapos ang hapunan at umuwi na si Charles.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...