Chapter 31

587 12 0
                                    

(Author's POV)

Rated SPG!!!!




Nang makarating na sila sa bahay nila ay agad na binuhat ni Charles ang asawa sa balikat niya. Nagpupumiglas parin si Kassandra.

Linock agad ni Charles ang kwarto nila. Pinagsusuntok naman siya ni Kassandra, galit na galit ito at pinagmumura siya.

"Hayop ka Charles! Pano mo nagawa sakin to? Ha? Akala ko totoo lahat pero pinaikot mo lang pala ako! Gago ka!" Galit na sabi ni Kassandra.

"Totoo lahat ng pagmamahal ko sayo. Sobrang mahal kita kaya ko nagawa lahat ng yun! Oo kinuha kita sa maling paraan pero anong magagawa ko sa lintik na puso kong to? Mahal na mahal kita..sobrang mahal kita" naiiyak na sabi ni Charles.

"Hah! Sinong ginago mo? Hoy para sabihin ko ulit sayo na simula ng malaman ko lahat lahat ng kagaguhan mo eh kinalimutan ko na rin lahat lahat sayo, satin! Aalis na ako sa pamamahay na to!" Sabi niya at dali daling pumunta sa cabinet at inempake lahat ng damit niya.

"Love naman oh.. please wag mo naman gawin sakin to. I thought we will fix our family for the sake of Lilac? Bakit naman ganito.. isipin mo naman kami ng anak mo" nagsusumamong sabi ni Charles at pinipigilan ang kamay ng asawa.

"Bitawan mo nga ako! Akala ko nga din maayos eh. Pero hindi! Ayoko lokohin ulit ng kagaya mo. At huwag mong idadamay ang anak ko dahil hindi ko siya pababayaan kahit maghiwalay tayo!" Sigaw ni Kassandra at tuloy tuloy parin sa pag eempake.

Tila nanghina naman si Charles sa narinig. Hindi.. hindi sila maghihiwalay!

Pinigilan na ni Charles ang kamay ng asawa at iniharap sakanya.

"What are you talking about? Walang maghihiwalay!" Doon ay parang umiba ang mukha ni Charles. Galit na may halong lungkot.

Marahas namang inalis ni Kassandra ang kamay ng asawa at binalik ang sarili sa pag eempake.

"Aminin mo nga sakin Kassandra.. may nangyari na ba sainyo ng babaeng yun?" Gumagaralgal na boses ni Charles.

Napatigil naman si Kassandra sa ginagawa at hinarap ang lalaki.

"Oo! Masaya kana? Ilang beses may nangyari samin! Maraming beses! Siya naman talaga ang mahal ko dati pa kaya tigilan mo na ako!" Galit na sigaw ni Kassandra.

Pagkarinig non ay sobrang nanghina si Charles. Hindi pwedeng angkinin ng iba ang asawa niya dahil sakanya lamang ito. Ikinuyom ni Charles ang kamay niya at tumayo siya, kinuha ang kamay ng asawa at sinandal sa pader. Galit na galit siya. Inambahan niya ng suntok ang asawa kaya napapikit siya, pero hindi iyon tinuloy ni Charles.Sumigaw ang lalaki at galit na galit na pinagsusuntok ang pader sa gilid niya. Nagulat naman si Kassandra at nakaramdam ng takot dahil akala niya ay susuntukin siya ni Charles. Ramdam na ramdam niya ang sakit at galit ni Charles sa bawat suntok nito. Napaiyak na rin siya sa nakikita niya sa asawa. Oo galit siya sa ginawa nito.. pero alam niyang nagawa lang yun ni Charles dahil sa sobrang pagmamahal sakanya. Totoo rin na may nangyari na sa kanila ni Alissa. Si Alissa ang unang nag initiate na may mangyari sa kanila. Ewan niya ba, hindi niya alam kung anong mararamdaman. Gulong gulo siya sa nararamdaman niya, basta ang alam niya lang sa ngayon ay galit siya kay Charles.

"Why.. Fck why!!" Humahagulgol na sigaw ni Charles. Iyak ito ng iyak na patuloy pa rin sa pagsuntok ng pader hanggang sa magdugo at magsugat ito. Hindi naman iyon alintana ni Charles dahil mas masakit ang puso niya kesa sa sugat sa kamay niya.

"Tama na Charles.. itigil na natin to." Humihikbi niya na ring sabi.

Tumigil saglit si Charles sa pagiyak at mariing sinabi..

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now